Chapter 2

6 0 0
                                    

Chapter 2

"Kakambal?"

Napatingin ako kay Tita. Bumuntong hininga siya. "Oo, Iya. Kakambal siya ni Tyron."

"Nung nanganak ang mommy mo ay nag desisyon syang ibigay ang isa sa iba. Ayaw niya ng kambal kaya nahiwalay ang kambal. Hindi ito nasabi ng mommy mo sa'yo dahil ayaw niyang masaktan ka. Simula nong namatay si Tyron, tinawagan ko para ipaalam sa kanya. Kaya andito siya."

"Kapatid ko siya?" Tanong kong napipiyok na boses. Hindi na ako nagdadalawang isip. Tumayo ako at niyakap siya. Nabigla siya sa ginawa ko pero niyakap rin ako pabalik. Napaiyak ako. Iyak lang ako nang iyak. Di ko namalayan na umiyak na rin pala siya.

Pero bigla kong naalala yung sinabi ni Tita. Napayukom ako ng kamao habang kayakap si Tyler. Bakit hindi man lang sinabi ni Mama sa'kin. Bakit? Pero, isinantabi ko muna 'yon. Gusto kong  mayakap siya.

Bumitaw ako sa yakap at tinignan siya. Hinaplos ko ang mukha niya. Tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ulit. "Salamat, Tyler. Nagpakita ka."

- -

Andito kami sa mall. Matapos sa Memorial ay naisipan naming mag mall. Sinabi ni Tita lahat-lahat tungkol sa kanila ni Tyler at Tyron. Dahil sa nalaman ko, biglang nagpuog ng galit ang sarili ko sa mga magulang ko. Nalaman kong akmang nila kaming in-abort. Dahil sa ayaw nitong mag ka anak, naisipan nilang iaabort sana kami, kaso napigilan sila ni Lolo at Lola. Panindigan ra kami kako. Dahil sa kagagohang ginawa, panindigan nila kami.

Dahil diyan, gusto kong makita siya at komprontahin. Pati si Papa. Naisipan niya rin kaming ipaabort. Dahil dun, parang sasabog ang dibdib ko sa galit at lungkot. Galit dahil sa ginawa nila, lungkot kasi naawa ako saming magkakapatid.

Pinapabayaan lang kami ng mga magulang namin. Hindi ko nalang muna 'yon inisip. Tinignan ko yung kapatid ko. Napakahirap siguro nang dinaanan niya. "Sa'n ka pala naka tira ngayon, Tyler?" Napatingin si Tyler sa'kin at napayuko. "Wala po akong tinutuloyan ngayon. Kasi yung Nagkupkop po sa'kin, pinalayas po ako."

Kumirot ang dibdib ko sa nalaman. "Gusto mo bang tumira sa bahay namin?" Ngiti kong sabi, napatingin siya sa'kin. May kumikinang sa kanyang mga mata na para bang iiyak na ito. At tama nga ako, napaiyak siya at niyakap ako. "Maraming salamat, ate. Salamat dahil akala ko wala na akong pamilya. Salamat dahil dumating ka." Napaiyak na rin ako sa mga sinabi niya.

Kaya umuwi na kami agad. Bago kami pumunta sa bahay ay bumili kami ng mga damit at mga kailangan niya sa bahay. Lahat-lahat. Nalaman ko ding lahat ng mga damit niya ang sinira. Napakuyom ako. Gusto kong sugurin yung gumawa ng ganito sa kanya.

From This Moment OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon