February 14, 2002Valentine's day. Makikita sa paligid ang mga love birds na sobrang sweet sa bawat isa. Para bang isang kulay lang ang meron sa araw na ito -- pula. May mga pusong gawa sa ginupit na papel, lahat mukang masaya, lahat mukang nakajackpot maliban lang sa isang tao, ako. Valentine's party ngayon sa school namin kaya nakadress ang lola mo. I make sure everything is okay bago ako pumunta sa party na ito kasi ito na yung time na pinakahihintay ko.
Ngayon ako nagdecide na aamin na ako kay Jimmy, ang aking one true love, hihi. Matagal ko na siyang crush kahit na nga medyo malaki ang agwat ng age namin. Bakit? Kapag sa love ba may edad edad? Wala naman di ba?
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para akong natatae na ewan, siyempre ikaw ba naman ang mag confess sa taong gustong gusto mo, di ka kakabahan?
Ayos na ang lahat, nakapagpaganda na ako, nagpaparlor pa nga e. Nagpakulot pa ako at bumili ng teddy bear para kay Jimmy. Alam kong high school student lang ako at college na si Jimmy pero swear, mahal ko talaga siya at wakopakels kung kakaiba itong gagawin ko. This is the day! Aja!
"O ano, ready ka na ba?" rinig kong sabi ni Mae, classmate ko.
"Yes, I am ready. Pero kinakabahan talaga ako tol."
"Wag ka nga diyan! Isipin mo na lang na kapag natapos ang gabing ito, kayo na ni Jimmy."
Nabuhayan ako sa sinabi ni Mae. Oo nga naman, dapat think positive lang ako. After this night, this Valentine's day, magiging kaming dalawa na.
"Oy tol, andiyan na si Jimmy!" sabi ni Mae sa kanya with matching kalabit pa.
"Ha? Nasan?" sabi ko habang hinahanap ng mga mata ko ang napakagwapong lalaki na nasa may pintuan na pala ng hall na iyon.
Nang makita ko na ito, hindi ko mapigilang mapahanga sa itsura nito. Naka formal suit ito at nakaayos ng mabuti ang buhok nito. Mukang napakabango at napakalinis. The way I like him.
This is it. Nasaisip ko. Kinuha ko na ang teddy bear na ibibigay ko sa kanya at chineck na din kung may tinga ba ako sa ipin. Bakit ba kasi ako kumain ng lechon e. Katakawan mo talaga Jonnie e.
"Go girl!' cheer ni Mae sa akin with matching yakap pa sa akin.
"Salamat, Mae. Sana nga positive hehe."
Naglakad na ako papunta sa pwesto ni Jimmy. Nasa table na ito na malapit sa stage kasama ang mga ka org nito. Sobra akong kinakabahan at di ko alam kung itutuloy ko pa ba itong kalokohan na ito pero andito na e, sayang naman yung pinambili ko ng teddy bear at paparlor ko kung mapupunta sa wala.
"Ahm, hi Jimmy."
Lumingon sa akin si Jimmy pati na rin ang mga kaibigan nito. Ang nakakatawa lang, bakit parepareho silang parang may ibang tingin sa akin? Di ba bagay ang make up ko? Ang buhok? Me tinga ba ako?
Narinig kong tumikhim si Jimmy at nag straight ng katawan nito.
"Oh, hi Jonnie." Bati niya sa akin while showing his pang Close Up commercial smile.
"Ahm, pwede ba tayong mag-usap? Yung tayong dalawa lang?"
"Okay, ladies and gentlemen, let us call the person who made it possible to have this kind of party, the very handsome Jimmy Antonio! Let's give him a round of applause!"
Badtrip naman oh.
"Ahm Jonnie, mamaya na ha. Akyat lang ako. Then we can talk."
"Sige okay lang. Akyat ka na. Don't worry okay lang ako. Hehe"
BINABASA MO ANG
Jonnie's Valentine [ON GOING]
RomanceJonnie vowed never to be inlove again after her long time crush Jim rejected her confession. Gumuho ang mundo nya at lahat ng plano nya ay nasira dahil lang sa pag walk out nito habang nagcoconfess sya. Nag iwan iyon ng isang makasaysayan kahihiyan...