Chapter 3: Wedding Rehearsal

64 5 3
                                    


Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Jimmy, ang lalaking walang kwenta ay nasa harapan ko-- at nakatingin din sa akin. Walang sinuman sa aming dalawa ang nag-aalis ng tingin. Walang sinuman sa aming dalawa ang nais magpatalo.

"Sorry Jonnie natagalan ako." rinig kong sabi ni Bernard. Sabay lagay ng kamay nito sa balikat ko.

Naputol ang tinginan naming dalawa ng marinig namin si Bernard. Napansin kong tumutok ang mga mata ni Jimmy sa kamay ni Bernard na nakahawak sa balikat ko.

"Okay lang. Halika na alis na tayo? Malelate na din ako sa practice e." sabi ko rito sabay kuha sa bag ko. Hindi ko na ulit tinignan si Jimmy ngunit ramdam na ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin.
Hindi ko naman siguro kailangang magpaalam sa kanya, ano?

"Sino yun?" tanong ni Bernard sa akin habang papunta kami sa parking lot.

"Sino?" maang-maangan kong sagot rito habang nagmamadaling naglalakad. I don't want any reasons to talk about him. My goooosh.

"Oh come on. You know what I'm talking about, Jonnie."

Hinarap ko si Bernard habang kitang kita sa mukha ko ang kawalan ng gana na sagutin ang tanong niya.

"Not now, Bern. Pwede? Wala ako sa mood."

"Okay. Sige. Pero sasabihin mo din yan sa akin yan one of these days. Di pwedeng hindi."

"Yeah sure. Promise. Dalian mo na hatid mo ko sa Church.
8 o'clock na din oh." sabi ko sabay pakita sa relos ko rito.

"Aye aye, Captain!" sabi nito sabay saludo sa kanya.

Napatawa na lang ako sa ginawa nito. Baliw talaga.

---

Hindi ako makatulog ngayon as I try to analyze things that happened today.
This year's Valentine's day seems to be normal... na sana. Sanay na naman kasi ako na walang kadate tuwing Valentines. Walang jowa. Walang lovelife. Sanay na din akong tampulan ng tukso dahil sa pagiging single ko. What will I do? Wala sa schedule ko ang love na yan. I am so busy loving myself and my family that love is never in the picture. As I have said, I am okay on my own. I don't need a man to depend my happiness.

Hindi naman talaga ako ganito dati. When I was in highschool, I believed in love. I believed in having a "happily ever after" kind of story pero mula kasi ng saktan ni Jimmy ang damdamin ko 16 years ago, pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na masaktan akong muli, lalong lalo na ng isang lalaki. Sa una lang magaling yang mga lalaki na yan. Kakaibiganin ka, papakiligin ka, pero at the end, kaibigan ka lang pala.

All men are chauvinistic pigs, iba iba nga lang ng level. And Jimmy?He is the epitome of those pigs.

Sa ngayong taon, I am already 29 at next month, magti-thirty na ako. At alam mo naman dito sa Pilipinas, kapag umabot ka ng trenta, feeling nila, mamamatay ka ng mag-isa. Lagi kang sasabihan na mawawala na sa kalendaryo, kung tomboy ka ba o baka asexual ka. Actually, okay lang naman sa akin ang sasabihin ng iba, ang pressure nila pero ibang usapan na kapag mga magulang mo na ang naghahanap ng apo.

My gosh, apo talaga ang hinahanap di ba e jowa nga wala ako! Nabibili ba ang apo sa pet shop? Sana ganun na lang kadali di ba? Hay naku.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kanina sa KFC. Alam ko na okay naman ako mag-isa sa buhay pero noong makita ko ang mga pesteng magjojowa doon ay bigla akong nakaramdam ng inggit. Bigla kong naisip, "Ano kaya ang pakiramdam ng may kaholding hands? Ano kaya ang pakiramdam ng may nagsasabi sa'yong mahal ka nila? Ano kayang pakiramdam ng may yumayakap sa'yo...?" Iyan ang naglalaro sa isipan ko kanina kaya nagawa kong makipagkasundo o humingi ng sign kay Lord. Natutuwa naman ako na hindi bungi, kalbo o kung ano pa man ang unang lalaking pumasok sa KFC kanina pero bakit sa dinami dami ng pwedeng maging sagot ay bakit si Jimmy pa? Hindi ko nga alam na nakauwi na pala ito. Mula kasi ng umalis ito 16 years ago, iniwasan ko ng makarinig ng kahit ano mula rito. Iniwasan ko lahat ng bagay na pwedeng magpaalala sa kanya. I can be a little bit childish in this part but what can I do? He broke my heart and torn it to pieces.

Jonnie's Valentine [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon