Halos madurog ang puso ko sa eksenang nadatnan ko. Elah is kissing Jimmy and the way I see it, he is enjoying the kiss. So, ano yung relasyon namin? Joke?
"Ano ka ba! Bitawan mo nga ako!" Rinig kong sabi ni Jimmy kay Elah sabay baklas sa mga braso nito rito.
"Why? Don't you enjoy the kiss? Dati-rati lang you enjoy it." Sagot naman nito. Hindi ko alam ang ginagawa nito dahil nakatalikod na ulit ito sa akin.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Sabi ni Jimmy.
"Sinundan ko kayo rito. Kaya pala bigla kang nawala sa Korea kasi babalikan mo lang ang babaeng yun! You can't just leave me there hanging!"
"Well, I just did! Saka pwede ba leave us alone! Tahimik na ako rito."
Nakita kong pumalakpak si Elah sa sinabi ni Jimmy. "Talaga? Well Jimmy, remember this, di ka magiging tahimik rito. I'll make sure of that."
Naguguluhan na ako. Ano ba ang tinatago nila? Ano ba ang nangyari sa kanila doon sa Korea? I didn't know na sumunod pala si Elah doon at nagpatuloy ang relasyon nila.
"Please Elah, umalis ka na. Ayokong maabutan ka rito ni Jonnie." Pakiusap ni Jimmy rito.
"Why should I listen to you? Mas maganda nga na maabutan niya ako para magising siya sa katotohanan na hindi siya magiging masaya with you. Na iba ang Jimmy na sinasamba niya mula nung bata pa siya."
Nakita kong tumahimik si Jimmy at may bahid ng galit sa mukha nito. Nakakuyom rin ang isang kamao nito.
"Kung ano man ang naging kasalanan ko, alam kong matatanggap niya ako." Mahinang sabi nito.
Tumawa ng malakas si Elah at sinabing, " How sure are you na matatanggap ka nga niya?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinunasan ko muna ang mga luha ko at tiningnan ang sarili ko sa side mirror ng pinagtataguan kong sasakyan. Siniguro ko munang hindi ako mukhang umiyak. Magkamatayan na pero hindi nila ako makikitang umiyak. Nang masiguro kong mukha na akong maayos ay huminga ako ng malalim at taas noong naglakad patungo sa mga ito.
"J-Jonnie." Mahinang tawag sa akin ni Jimmy at halatang-halata ang takot sa mukha nito. Lumingon naman si Elah sa pwesto ko pero nakangisi lang ang impaktang babae sa akin. Huminga akong muli ng malalim at itinaas ko ang kilay ko rito sabay ngisi. Ano? Ang lagay ba ito lang ang mukhang matapang sa aming dalawa? No way, Jose!
"Oh 'by, di mo naman sinabi na may invited kang iba sa date natin?" Nakangiti kong sabi habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
'Control self, kaya mo yan.' Pilit kong isinisiksik sa sarili ko.
"Oh. Hi, Jonnie! Fancy meeting you here. Small world talaga, ano?"
"Oo nga e. Biruin mo nasa EK ka rin. Wala ka bang ibang kasama?" Sabi ko rito habang nililibot ang tingin ko sa parking lot.
"No, may kasama ako. Nagpapaikot ikot lang diyan sa tabi-tabi. Nga pala, sorry to interrupt your 'date' with Jimmy ha. This is so incidental lang talaga."
Ngumiti ako sa sinabi nito. Ngiting aso. "Ah talaga ba? Ang galing no? Napaka coincidence naman talaga."
"Oo nga e."
"Okay, enjoy the night Elah. Pero I think we need to go home na kasi may pasok na ako bukas. Right, Baby?" Sabi ko sabay lingon kay Jimmy. Pinagdiinan ko pa ang word na 'Baby' para iparating sa impaktang babaeng ito kung sino ang kinakalaban niya. Pinahalata ko naman nagagalit na ako kay Jimmy sa pamamagitan ng panlalaki ng mga mata ko.
"O-of course, 'by. Halika na, pasok na tayo sa kotse."
Papasok na ako sa kotse ng maramdaman kong may kamay na pumigil sa braso ko. Nang tingnan ko kung sino ito, ang impaktang Elah na naman. Konting konti na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Jonnie's Valentine [ON GOING]
RomanceJonnie vowed never to be inlove again after her long time crush Jim rejected her confession. Gumuho ang mundo nya at lahat ng plano nya ay nasira dahil lang sa pag walk out nito habang nagcoconfess sya. Nag iwan iyon ng isang makasaysayan kahihiyan...