Chapter 23

23 2 0
                                    

"Ma, pwede ka bang makausap?"

"Oo naman. Bakit?"

Lumapit ako kay Mama habang naghihiwa ito ng sibuyas dito sa kusina. Hindi ko alam kung dahil ba sa sibuyas kaya ako naiiyak o dahil sa nararamdaman ko. My gosh, I hate this feeling.

"Ano ba problema?" tanong nito.

"Ma...hiwalay na po kami."

Ibinaba nito ang kutsilyo at tumingin sa akin. "Sino?"

"S-si Jimmy po." Nakayuko kong sagot rito.

"Anong dahilan?"

"Kailangan ko po ba talagang sabihin?"

"Aba'y oo! Paano kita mabibigyan ng payo kung di mo sasabihin ang dahilan mo?" Pasigaw nitong sabi sa akin.

Lumabi ako. "Sabi ko nga po. M-ma, niloko niya ako. Akala ko mahal niya ako-o..." Nagcrack ang boses ko at lumunok ako ng maraming beses para pigilan ang sarili kong umiyak sa harapan nito.

"Paano mo naman nasabi na niloko ka niya ? Na hindi ka niya mahal?" Tanong ulit nito.

"Akala ko bumalik siya dahil mahal niya ako, Ma. Pero bakit ganun? Bakit ginawa niya akong kabit, Ma?!" Puno ng hinanakit na sabi ko ulit rito. Nakita kong natahimik ito at tila nag-isip ng malalim.

"So, nalaman mo na pala yung tungkol sa kasal niya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ang ibig sabihin ba nun ay alam nito ang tungkol kay Jimmy at Elah?

"Ma, ang ibig bang sabihin nito ay --"

"Oo anak. Alam ko ang tungkol sa kasal nung bruha niyang asawa..."

"Pero --"

"Patapusin mo muna ako, Jonnie. Bago pa lumapit ulit sa'yo si Jimmy, kinausap niya muna kami ng Papa mo. Pinaliwanag niya ang lahat lahat sa amin at nakita namin ang punto niya. Mahal ka niya, anak. Kung yung kasal ang pinoproblema mo, ang sabi niya sa amin ay maayos na iyon kaya pumayag kami."

"Nagsinungaling siya, Ma. Nagsinungaling siya sa inyo. Di pa sila annulled. Yung mismong asawa niya ang nagsabi sa akin."

"Kailan pa nangyari?"

"Two days ago po."

"Anong balak mo?"

"G-gusto ko pong umalis."

"Umalis? Saan ka naman pupunta?"

"Gusto ko po sanang sumama kay Bernard sa Japan, Ma. Gusto ko pong makalimot."

Natahimik si Mama sa sinabi ko. Siguro at tinitimbang nito kung ano ang isasagot sa akin. Actually, tinitimbang ko rin kung ano ang sasabihin nito. Papayagan kaya ako nito o hindi?

"Sigurado ka ba?"

Tinitigan ko si Mama sabay sabing, "Opo, Ma."

Bumuntong-hininga ito. "Sige. Kung talagang sigurado ka na. Papayagan kita. Pero magsabi ka pa rin sa Papa mo. Saka sana kausapin mo muna si Jimmy. Pakinggan mo siya."

"Salamat po, Ma. Pero di ko po alam kung kaya kong harapin si Jimmy. Natatakot akong --"

"Nak, ang daming hindi naging masaya dahil sa takot. Andaming nagsisi dahil nagpadala sila sa takot. Maraming nagsisisi kasi hindi sila naging tapat sa puso nila. Ikaw din."

Tinamaan ako sa sinabi ni Mama. Tama ito, nang dahil sa takot ko, ipinipilit ng utak kong huwag ng sumugal muli kay Jimmy. Na sasaktan lang ulit ako nito. Na lolokohin lang ako nito. Kabaligtaran naman nito ang sinasabi ng puso ko. Sinasabi ng puso ko na okay lang na makipagbalikan ako kay Jimmy tutal mahal namin ang isa't isa...pero kaya ko bang maging masaya ng may nasasaktang iba?

Jonnie's Valentine [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon