Chapter 1

1.4K 20 1
                                    

Juliann's POV

Nagising ako nang maaga dahil ayaw kong malate sa school. Syempre, first day na first day tapos malalate ko? No way! Naligo na agad ako pagkagising na pagkagising ko. Pagkatapos ko maligo at magbihis, kinuha ko yung phone ko pati na rin yung earphones ko.

"JC bumaba ka na!" sigaw ng nanay ko. JC kasi ang palayaw ko. Halos lahat ng mga kamag-anak at kaibigan ko yun ang tawag sa akin.

"Eto na po!" sigaw ko naman pabalik. Bumaba na ako ng hagdan at nilagay ang mga gamit ko sa sofa bago ako umupo sa upuan at kumain ng agahan.

"Bakit mo dala lahat ng libro mo?" tanong sa akin ni Mama.

"Pinapadala po kasi eh." sabi ko pagkatapos magdasal. Sumubo na ako ng isang kutsara ng pagkain bago ako magtanong.

"Ma, nasaan po si Kuya?" tanong ko.

"Ayun, natulog sa condo niya."

Gusto kasi ni Kuya maging independent kaya siya pumupunta at natutulog sa condo niya. Ewan ko dun.

"Ay. Uuwi po ba siya ulit dito sa atin?" sabi ko bago ulit sumubo ng kanin.

"Di ko alam eh." sabi ni Mama.

"Baka mabugbog siya dun!" joke ko.

Tiningnan ako ng masama ni Mama.

"Opo maling pasok po ng joke. Hihi!" Inubos ko na yung pagkain ko at tumayo. Sinuot ko ang backpack ko at kinuha ang mga libro kong pagkabigat-bigat.

"Mama magcocomute nalang po ako ah! Labyu Ma!" sabi ko habang niyayakap si Mama.

"Labyu too! May kailangan ka ano?!" sabi ni Mama habang pinipisil-pisil ang pisngi ko na parang bata.

"Opo Ma eh. Isang bolpen. Haha!"

"Humayo ka na nga! Dun! Pasok na! Ingat ka ah." sabi ni Mama habang pinapaalis ako na parang aso. Haha. Kahit ganyan yan, mahal na mahal ako niyan.

***

Pagkapasok ko, pumunta na ako ng bulletin board para makita yung section ko. Nakita ko yung bestfriend ko na tumitingin rin.

"JEY? IKAW BA YAN?!" sabi niya na parang gulat na gulat.

"Grabe ka naman Chi. Kinalimutan mo na ako." sabi ko na parang nagtatampo.

"Oh me geeeed! JEYCEE IKAW YAN OH MY GEEEEE!" niyakap ako ng bestfriend ko habang nagwawala.

"Haha! Grabe namiss mo ako noh?" sabi ko habang naglalakad kami papunta sa classroom ng kaibigan ko.

"Naman yes! Nakakainis nga eh. Hindi na tayo magkaklase." sabi ni Chi.

"May break times naman eh. Oh, ayan na classroom mo. Bye bye Chi!" sabi ko nang ihatid ko si Chi sa classroom niya. Noong naglalakad ako, bigla akong may nakabangga at nalaglag ang mga gamit ko sa sahig.

"Ay sorry! Ikaw kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." sabi ng nakabangga sakin.

"Aba?! Ako pa ang may kasalanan?! Ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh!" sabi ko habang tumitingala para makita ang mukha ng nakabangga ko. Mistiso siya at mukhang may halo ng ibang lahi. Hindi lahi ng hayop ah. Lahi ng taga ibang bansa.

"Sus. Ewan ko sayo!" sabi ni "Boy Badtrip". Tingin ko papunta siya sa bulletin board. At tingin ko late na siya. Teka, ako rin malalate na! Tumakbo ako sa classroom ko at buti nalang hindi pa ako late. Umupo ako sa may bandang kaliwa, gitnang part ng classroom. Yung bandang malapit sa bintana. Gusto ko kasi dun. Pag boring ang subject, magmumuni-muni ako at titingin lang sa labas habang nagpapahangin. Swerte ko kasi hindi ako napapansin ng teacher. Mehehe >:)

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon