"Jacob! Jacob! Jacob! We love you Jacob! ", sigawan ng mga tao habang papaalis ng stage ang sikat na singer. Hindi naman malaman ni Ellise ang nadarama, naiiyak siya sa sobrang kaligayahan.
"Excuse me, padaan po, excuse me, excuse me", ani Ellise habang papunta sa backstage upang makuhanan ng litrato ang idolo. Nakarating siya sa backstage. Napakadaming tao ngunit nakipagsiksikan siya para magkaroon ng picture kasama ang idolo.
Nang makalapit na siya rito at iki-click na lang ang camera ay biglang may nanulak sa kanya at may flash ng camera na sumilaw sa kanya...
Biglang bumangon si Ellise na nanaginip lang pala. Ang ate niya pala ang may kasalanan dahil binuksan nito ang bintana sa kwarto niya kaya siya nasilaw at ito ang dahilan nang pagkaudlot ng kanyang napakagandang panaginip.
"Salamat naman at nagising ka na. Ang hirap mong gisingin ah", anang ate niyang si Eloisa na nakapamaywang pa ng humarap sa kanya.
"Ate naman eh! Konting-konti na lang, may picture na 'ko kay Jacob eh. Panira ka talaga. Wala namang pasok ngayon, remember?", aniya na humiga ulit para balikan ang kanyang panaginip.
"Luka-luka! Akala mo ba makababalik ka pa sa panaginip mo't dreamland na yan? Kaya pala ngiting-ngiti ka dyan kahit natutulog ka. Paano mo naman hindi mapapanaginipan ang Jacob na yun, punung-puno ng poster nya sa kwarto mo! Hala bumangon ka na diyan, may ipagagawa ako sa'yo", sabay hablot sa kumot niya.
"Eeeehhhh!!!", takip ulit niya sa kanyang ulo.
"Anong eeehhh! Tayo na diyan", hila sa kanya ng panira niyang ate.
Wala na siyang nagawa kundi sumunod dito. Tumayo na siya at nagsuklay, kung bakit naman kasing napaka-agang manggising nito sa linggo ngayon eh.
"Sige, baba ka na. Susunod na lang ako, maghihilamos lang", aniyang pupungas-pungas pa.
"Siguraduhin mo lang ah. May ipagagawa ako sa'yo at mamaya mo na balikan sa dreamland si Jacob mo", pinandilatan pa siya nito ng mata habang isinasara ang pinto.
Napangiti na lang siya. Kahit gano'n sila mag-usap ng ate niya ay mahal na mahal nila ang isa't isa. "Partners-in-crime" nga ang tawag sa kanila ng magulang nila. Lalo lang lumapad ang ngiti niya ng mapagmasdan ang nakangiting poster ng idolo niyang singer na si Jacob.
"Good morning, my baby Jacob! Gwapo mo talaga!", sabay yakap sa picture nitong if-in-rame pa niya. Punung-puno ng mukha ni Jacob ang kwarto niya. Tama nga ang ate niya, kahit saan ka lumingon ay mukha ni Jacob ang makikita mo. Kumpleto na sana ang lahat ngunit may isa pang kulang .Gusto lang niyang makita ito sa personal at makapagpapicture kasama ito. Kaya pangako niya sa sarili na sa oras na magconcert dito ang gwapong singer ay siguradong manonood siya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Roman d'amour"Hinahanap ka ng puso ko matagal na. Destiny ang tawag dun, dahil ginawa tayo ng Panginoon para talaga sa isa't isa kaya alam ko at ng puso ko na kahit anong mangyari, tayo't tayo pa rin sa huli." -- Jacob "It doesn't matter kung sinong nauna, ang m...