Letter 6

63 4 0
                                    

Tumawag si Andrew at pinapunta siya sa pad nito. Doon na lang daw muna sila mag-istay. Excited siya dahil magkakasama na naman sila. Kaya maaga pa lang ay pumunta na siya doon.


Bukas ang gate pagdating nya at agad na syang pumasok. Kumatok siya ng ilang beses ngunit walang sumagot kaya pumasok na siya para lang mabigla sa nakita.


Si Andrew at Mariz, magkahalikan! Nanigas siya sa kinatatayuan. Nakita siya ni Andrew, itinulak nito ang ex. Nilapitan siya nito ngunit umatras siya. Naiyak na siya.


"I'm sorry. Magpapaliwanag ako. It's not what you think, honey", pagsusumamo ni Andrew

"No, don't touch me. How dare you! I thought you love me but you don't!", sigaw niya dito. 

Nagagalit siya. Oo, mahal niya si Andrew sobrang mahal na siya lang ang pinagkatiwalaan niya sa puso niya pero hindi niya akalaing magagawa nito ang nangyayari ngayon. Bago siya umalis ay sinampal niya ito dala na rin siguro sa bugso ng damdamin. Tumakbo siya palabas ngunit nahabol siya ni Andrew at hinablot ang kamay nya. Ayaw nya itong tingnan. Nanatili syang nakatalikod dito.


"Please, honey, humarap ka sa 'kin. Magpapaliwanag ako", pagsusumamo nito, Pero lalo lang syang naiyak. 'Honey, please, kausapin mo naman ako.", pilit siya nitong niyayakap pero pilit din ang pagkalas niya.


Wala munang nagsasalita, bumuntong-hininga muna sya bago humarap dito. Makikita ang lungkot at pagsusumamo sa mga mata nito. "Bitawan mo 'ko", she said in a gritted teeth. Ngunit humigpit lang ang hawak nito. "I said, huwag mo akong hawakan!", sigaw nya. Bumitiw naman ito. "I think it is goodbye. You don't need to explain anymore dahil nakita ko na naman ang lahat. I thought you love me but you didn't, I trusted you Andrew. Niloko mo lang ako at ang laki ko namang tanga para maniwala sa'yo", sabi nyang nanggigigil.


"No, hon, no. Let me explain", pagsusumamo nitong naiyak na rin. Naantig ang puso nya sa pag-iyak nito pero kailangan nyang magpakatatag.


"No, what I saw was enough. Wala ka ng ipapaliwanag pa", kaya bago may mangyari pa ay tumakbo na siya ng umiiyak.

Naiwang nakatulos sa kinatatayuan si Andrew. His love just ran away. This couldn't happen. Kasalanan ito lahat ni Mariz! Hinalikan na lamang siya nito bigla ng pagbuksan niya ng pintuan! Pagbalik sa loob ay naroon pa rin ito. Nanggagalaiti siya at sumasabog sa galit. Nagawa pa nitong yakapin siya. Mariin niyang kinalag ang mga kamay nito.


"Get out!", ngunit hindi ito natitinag. "I said get out!", sigaw niya rito.

"Ano bang nagustuhan mo doon? Di hamak naman na maganda ako sa kanya", patuya nitong sabi.


Hinawakan nya ang magkabilang balikat nito ng mariin. Gusto nya itong durugin ngunit nagpipigil lang siya. "Shut up! Don't ever say those words again! Wag na wag mo syang isasama dito", nanlilisik ang mga mata at nagtatangis ang mga bagang na kausap nya dito. "Please, for the sake of our past, just get out! Get out of this house ang get out of my life! Don't ever show up to me again!!! Kasalanan mo 'to!", galit na sigaw nya dito.


Natigagal ito at mabilis na umalis. Samantalang siya'y nanghihinang napaupo sa sofa. Pakiramdam nya, lahat ng kanyang pangarap ay naglaho. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Ellise ngunit walang sumasagot. Itinapon niya ito at natamaan ang picture nilang magkasintahan, nabasag ito. Agad naman nyang kinuha iyon at doon ay nag-iiyak siya.



Kinabukasan ay pumunta siya sa stall nito pero hindi daw pumapasok. Naaalisan na sya ng pag-asa. Miss na miss na nya ito. Maging sa bahay nito ay hindi sya makapasok. Ayaw daw nitong makausap siya. Maging mga magulang nya ay nag-aalala na sa nangyayari ngunit ayaw naman nyang mag-alala ang mga ito kaya gagawin nya ang lahat bumalik lang ang pinakamamahal nya.





Isang buwan na rin ang lumipas mula ng masaksihan ni Ellise ang lahat pero parang kahapon lang ito nangyari. Masakit pa rin sa dibdib at lagi siyang umiiyak. Pumapasok na siya ng trabaho pero wala siyang gana. Siguro hindi pa nakakarecover ang puso nya o ayaw lang nito magrecover.


Umiiyak na naman siya sa harap ng kanilang bahay habang tinitingnan ang mga bituin ng tabihan sya ng kanyang tatay. Niyakap siya nito.


"Alam mo, anak, hindi ako mahilig makialam sa mga problema niyo ng ate mo lalo na kung pag-uusapan ay puso pero hindi ko na matiis eh. Ayokong nakikita ang prinsesa ko na umiiyak", sabi nito na pinunasan ang luha niya. Niyakap niya ito ng mahigpit at lalo siyang naiyak.


Ngayon lang lumapit ng ganito ang Tatay niya. Napansin na nga nito ang pagbabago sa kanya.


"Tama na, my princess", anito, "hindi ko kayang makitang umiiyak ka. Nasasaktan ako. Kaming dalawa ng Nanay mo, pinababayaan ka lang namin pero mas nasasaktan lang ako kapag hahayaan kitang ganyan. Alam kong si Andrew ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, hindi 'ba?", sabi nito.


Tumango lang siya at isinandig ang ulo sa balikat nito. Lalo lang siyang naiiyak.


Ngumiti ito, "Alam mo anak, napagdaanan na rin namin yan ng Nanay mo noon. Talagang pinagdaraanan iyan ng magkasintahan. Kumbaga, normal talaga. Pero kung walang kikilos sa inyong dalawa, walang mangyayari. Huwag isip ang pairalin ninyo anak, dapat pakinggan ninyo ang puso niyo. Alam ko, mahal na mahal ninyo ang isa't isa. Nakita ko iyon ng pumunta kayo dito. Alam kong nilikha kayo ng Diyos na may magkapares na puso. Anak, alam ko destined kayo with each other, kayo pa rin kahit anong mangyari. Kaya kung ako sa'yo anak, huwag kang susuko. Dahil kayo pa rin nung si Andrew hanggang sa huli, pagsubok lang 'yang pinagdaraanan ninyi, OK?", sabi nito na nakapagpanatag sa kanya.


Natawa siya dahil naalala niya ang sinabi ni Andrew tungkol sa destiny nila pareho ito ng sinabi ng Tatay niya. Inalis niya ang ulo mula sa balikat nito at hinarap ang Tatay niya. "Tama kayo, 'Tay, kami pa rin hanggang sa huli pero may pride ako 'Tay, eh."


"Hayan, yang pride na 'yan ang may kasalanan", malumanay na sabi nito, "Anak, kung mahal mo talaga yung tao, alisin mo yan", payo nito.


 Bigla ay nalinawan siya. Tumayo siya at niyakap ang Tatay niya. "Salamat 'Tay. Hindi ko na paiiralin 'tong pride na 'to. 'Pag siya ang tumawag ulit, sasagutin ko na. Alam ko mahal pa rin namin ang isa't isa", sabi niya na nakangiti.


Niyakap din siya ng Tatay niya, "That's my girl!", anito at inihatid siya sa kwarto niya pero bago nito isinara ang pinto sabi nito, "pero anak, kapag 'yun pinaiyak ka ulet, isumbong mo siya sa 'kin ah, mata lang nun ang walang latay", ipinakita nito ang kamao.


Tumawa siya ng malakas. Palabiro talaga ang tatay niya pero salamat dito dahil napanatag siya at nakatawa ulit.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon