Kinabukasan, masaya na siyang pumasok sa trabaho. Hindi pa rin tumatawag si Andrew. Ang alam niya ay out-of-the-country ito pero hinihintay pa rin niya ang tawag nito.
Ang bilis naman sumuko ng mokong, kausap niya sa sarili. Bwisit namang pride 'to, ba't di ako makatawag sa'yo. Hindi ko magawa ang sinabi ni Tatay. Mahal naman kita eh, nagpakipot lang ako, ba't sumuko ka na? Magparamdam ka na kasi. Nakapangalumbaba siya sa kanyang desk habang tumitingin sa cellphone. Pinaiikot-ikot na ito. Tumunog ka na kasi, sabi niya. Sakto naman na may kumatok.
"Ate, may nagpapabigay po nito", si Aida, sabay abot ng maliit na sulat sa kanya.
Nagtaka man ay tinanggap niya ang sulat, "Salamat, kanino galing?"
"Hindi ko alam 'te eh. Basta bata ang nagbigay niyan."
Napatayo siya, siguradong isa sa mga batang kasama ni Andrew ang nag-abot.
"Bakit 'te?", takang tanong ni Aida.
"Andyan pa ba yung bata?", balik tanong niya.
"Wala na 'te eh. Sige, 'te labas na 'ko. May mga customers pa eh", paalam nito.
Napaupo siya sa panghihinayang, kung sanang nakita niya yung bata. Nakita na naman niya ang kanyang cellphone. "Loko ka, kapag di ka pa tumawag diyan. nagsimula Sasakalin na kita pag nakita kita", aniya. Itinabi niya ang sulat sa mga files at nagsimulang magtrabaho.
Mag-a-alas-singko na ng mapansin niya ulit ang sulat. Binuksan niya ito. Pls. be ready later. Someone will pick you up at 7:00 pm.
"Sino kayang luku-lukong 'to. Pinagloloko pa ako, broken hearted na nga. Bwisit!," but her heart says that she must obey what is written on the note. Na-curious pa rin siya kaya tumayo na siya agad at umuwi para magbihis. Hindi niya alam pero nae-excite siya sa mangayayari. Saktong alas-7:00 ng dumating ang sundo nya. Pagkababa nya ay makahulugan ang ngiti sa kanya ng pamilya niya.
"Goodluck", anang mga ito. Parang may nalalaman sa mangyayari.
Nagtataka man ay lumabas na siya ng bahay. Nagulat siya ng makita niya ang limousine na sasakyan niya. Pinagbukas siya ng pinto ng driver at nakita niya sa loob sina Amy at Celine na nakangiti. Naroon din si Erick na kumakain na naman ng ice cream.
"Oh! Bakit kayo nandito?" tanong niya sa mga bata at binalingan si Erick na sarap na sarap sa pagkain. "Baka madumihan ka na naman sa mukha niyan ah," sabi niya ditong nakangiti.
"Hindi na po Ate. Marunong na po ako," pagbibida nito at itinuloy ang pagkain.
"Okay. Ikaw ang bahala. Wala pa naman akong dalang panyo," pagbibiro niya. Natawa naman ang tatlong bata.
"Ate, pasok na po kayo para makaalis na tayo," magalang na sabi ni Celine.
Napangiti siya. Nagtataka din siya kung bakit maaaninag sa mukha ng tatlong bata ang excitement. Wala na siyang nagawa kundi pumasok. Parang nahihinuha na niya ang mangyayari pero hindi pa rin ganoon kalinaw. Nang malapit na sila ay pinasuot sa kanya ang blindfold at sumama lang sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Lãng mạn"Hinahanap ka ng puso ko matagal na. Destiny ang tawag dun, dahil ginawa tayo ng Panginoon para talaga sa isa't isa kaya alam ko at ng puso ko na kahit anong mangyari, tayo't tayo pa rin sa huli." -- Jacob "It doesn't matter kung sinong nauna, ang m...