You can play the song on the side -->
Pagkagaling ng Little Angels' Orphanage ay tumuloy sila sa sikat na restaurant. Umorder sila agad. Katahimikan muna ang namayani bago nagsalita si Andrew.
"Hindi ko alam, mahilig ka pala sa mga bata. Gustung-gusto ka rin nila."
Ngumiti siya dahil totoo naman ang sinabi nito, "I like kids kasi. Dalawa lang kaming magkapatid and I'm the youngest kaya siguro nawiwili ako sa mga bata", saad niya.
Ngumiti ito ng makahulugan at pinaktitigan siya, "I like that attitude." Matapos ang katahimikan ang namayani.
"So, where do you want me to start?", basag nito sa katahimikan.
"Huh? It's up to you", naiilang na sagot niya.
Ngumiti ito, "First, as an introduction. I am Andrew Montilla, 27. I graduated from a school in States took up a Business course. Now, I work as a CEO managing the mall where you are working and my father is the president and owner of it.", casual na sabi nito, wala kang mababakas na yabang sa mga salita nito pero ikinagulat pa rin niya ang mga nalaman.
Namilog ang mga matang nagsalita siya,"What?! CEO ka ng mall? Ganoon ka kayaman?", mahina niyang sagot.
Tumawa ito ng malakas, "Hindi ako mayaman, family ko ang mayaman", tumatawa pa rin ito.
"Ang humble mo huh", patuya niyang sabi.
Ngumiti ito. "Actually, ayaw ko pa sanang maghandle ng ganoon kalaking responsibility eh. Gusto ko munang i-enjoy ang life ko and explore something new in the States pero pinilit ako ng parents ko para daw masanay na ko if ever na i-turn over nila sa kin yung mas malaking responsibility. At first, ayaw ko sana eh pero ng maglaon I learned to enjoy it dahil nachachallenge ako at mabait din ang mga katrabaho ko", paliwanag nito.
"Boss pala kita, eh. Kaya dapat tawagin kitang Sir", sabi niyang binibiro ito.
"No, no, no. Don't address me that word or else ikaw ang pagbabayarin ko ng bills", pagbibiro nito.
Lumabi lang siya.
"Akala ko dati, singer ka kasi ang ganda ng boses mo, ngayon pala ang layo ng trabaho mo dun", aniya.
Ngumiti ito, "I'll take that as a compliment, actually I'm a frustrated singer", at tumawa ito.
Dumating ang order nila. Tahimik ulit sila ng magsalita siya.
"Pwede magtanong? If you don't mind."
"Go ahead..."
BINABASA MO ANG
Unexpectedly
Romance"Hinahanap ka ng puso ko matagal na. Destiny ang tawag dun, dahil ginawa tayo ng Panginoon para talaga sa isa't isa kaya alam ko at ng puso ko na kahit anong mangyari, tayo't tayo pa rin sa huli." -- Jacob "It doesn't matter kung sinong nauna, ang m...