Letter 5

79 5 0
                                    

Alam na ng ate niya ang namamagitan sa kanila ni Andrew. Unofficial pa pero alam niyang mahal nila ang isa't isa. Nililigawan nito for one month na. Nagulat man ang ate niya sa nalaman tungkol kay Mariz ay masaya naman ito sa nangyayari sa lovelife niya.


"Alam mo nung una pa lang eh iba na ang nararamdaman kong magpakita sa 'kin si Mariz eh. Parang nag-iba na siya. Totally different pero hindi ko naman siya maayawan minsan for the sake na rin ng pinagsamahan namin", anito matapos niyang ikwento ang nasabi ni Andrew sa kanya wala siyang inililihim dito at ito nga ng ng magkwentuhan sila ay sinabi na niya dito.


Bumuntong-hininga siya. "Oo nga ate eh. Nagtataka din ako. Akala ko mabait siya kasi nga kaibigan mo siya plus naging boyfriend pa niya si Andrew pero ng masabi sa 'kin lahat ni Andrew, parang kahit di ko siya kilala eh, nagagalit ako sa kanya."


"Actually, hindi naman talaga ganoon 'yun dati siguro dahil na rin sa naranasan niyang hirap sa buhay kaya niya nagawa 'yun", nakakaunawang sabi nito.


"Siguro nga, ate", sabi niya at tumingin sa langit.


"Oh, kamusta naman kayo ni Andrew? Kailan mo sya balak sagutin? Akalain mo nga iyon ano, dahil na rin sa sulat ni Mariz eh, magkakakilala kayo nung si Andrew."


Ngumiti siya, "Oo nga ano ate, what a small world. Si Mariz din pala ang gagawa ng paraan para mapaglapit kami", natawa sa naisip. "Ahmm, pinag-iisipan ko pa ang lahat eh. Hindi naman kasi agad-agad masasagot ko siya. He just came back from a heartbreak at ninilayin ko mmuna ang lahat kung siya na nga ang true love ko", aniya.


"Alam mo, sis, I think hindi naman talaga siya galing sa heartbreak eh kasi feeling ko hindi naman talaga niya minahal si Mariz and you help him to recover faster. Agad niyang nakalimutan iyon and that's what we call love", nanunuksong sabi nito.


"Hmm, siguro nga ate but hindi dapat atyo nagmamadali. Let's wait and see", sabay tingin ulet sa mga bituin.




"Aaahh!!! Ate, darating na si Jacob dito sa Pinas. Magcoconcert na siya!", sabi nyang tumalon-talon sa kusina.


"Hala, itong batang ito. Kala ko hindi na nahuhumaling kay Jacob ngayong may boyfriend na siya. Hindi pa pala."


"Excuse me, 'Nay hindi ko pa po boyfriend si Andrew."


"Hay, ewan ko sa'yo. Ako'y boto sa batang 'yon. Mabait na'y gwapo pa. Hindi ba, Erning?", tanong naman ng nanay niya sa tatay niya. Kumindat naman ito bilang pagsang-ayon.


Kilala na ng pamilya niya si Andrew. Dinala niya ito sa bahay nila at naipakilala na rin siya nito sa pamilya nito. Mabait ang mga ito at down-to-Earth pa.


Natatawa siya tuwing naaalala ang sinabi ng Tatay niya kay Andrew, "Basta ikaw bata huwag mong paiiyakin itong prinsesa ko dahil mata mo lang ang walang latay", tawanan silang lahat.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon