Letter 3

87 5 1
                                    

Two weeks later. Nasa stall siya ng kanyang tindahan ng iba't-ibang musical instruments sa isang mall. Ito ang naisipan niyang business dahil hilig din niya ang music. So far, mabenta naman ito at kuntento siya sa kanyang business. Nasa loob ng maliit na kwarto si Ellise ng kanyang stall na ginawa niyang kanyang opisina at nag-iisip. Hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang mukha ng lalaki na boyfriend ni Mariz. 

Ang swerte ni Mariz sana doon, ang gwapo-gwapo pero bakit kaya siya nakipag-break?


Nasabi na rin kasi ng ate niya ang laman ng sulat ni Mariz na siya namang nagsabi sa ate niya ng minsang dumalaw ito sa kanila. Gusto sana niyang magtanong dito tungkol kay Andrew pero nakahiyaan niya at dahil na rin sa hindi sila gaanong close ni Mariz. Alam niyang alam din ni Andrew ang dahilan ng pagpapabigay ng sulat ng kanyang nobya kaya bigla itong nalungkot ng huli silang nagkita nito. At doon ay kumirot ang kanyang puso na hindi naman niya alam kung bakit. Nasa ganoong pag-iisip siya ng biglang pumasok si Aida, isa sa mga kasa-kasama niya sa stall.


"Ate El, may bumibili ng guitar. Gusto daw makausap ay iyong boss dito."


"Pakisabi wala ako kaya walang haharap sa kanya", matamlay niyang sabi. Two weeks na rin siyang nawawalan ng gana. Hindi naman siya ganito dati ngunit magmula ng manggaling siya sa park ay ganoon na ang lagi niyang nararamdaman.


"Pero ate, mapilit po eh. Sinabi ko na 'yan pero gusto daw kayo makausap tungkol sa quality ng instrument."


"Pakisabi, wala talaga ako at pakisabi din magaganda naman ang quality ng instruments dito", lalo niyang matamlay na sagot.


Tila nakauunawa namang tumango si Aida at lumabas na pero makalipas lang ang ilang sandali ay...


"Sir, huwag po, bawal pong pumasok dito. Opisina po ito ng boss", anang dalawa niyang kasama sa mapilit na customer.


Iniangat naman niya ang kanyang mukha mula sa pagkakasubsob sa desk upang mabigla lang sa nakita niyang taong nakapasok. It was Andrew! Napatayo siyang bigla mula sa pagkakaupo.


"Hello there. Para kang nakakita ng multo ah", sabi nitong nakangiti pa.


"Sorry po ate, mapilit po kasi itong si Sir", sabi ni Eva.


"No, it's okay. Sige, iwan niyo na muna kami dito", utos niya sa mga ito.


"What are you doing here?", sabi niya matapos mabigla.


Ngumiti ito, "Is that the way how you treat your customers? But anyway, I'm buying a guitar and I don't know na ikaw pala ang may-ari nito. I just want to ask from the boss about the qualities of the instrument they are selling", anito na malapad pa rin ang pagkakangiti.


"Yes, I own this store. What kind of a guitar would you like to buy?"


UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon