Letter 2

113 6 0
                                    

"Sorry kung nakaistorbo ako sa inyo ha", aniya sa gwapong lalaki, "May hinahanap kasi ako kaya napadpad ako dito. Natyempo namang napansin kong may kumakanta dito kaya nagtungo ako. Ang ganda naman  kasi ng boses mo kaya nawili ako sa pakikinig", hinging paumanhin niya habang nakangiti.


Ngumiti din naman ang lalaki. Ang gwapo ng loko, naisaloob niya. "It's okay, Miss. Hindi ka naman talaga nakaistorbo eh. Pasensya ka na rin sa kakulitan nitong si Erick. Makulit kasi talaga itong batang 'to," sabi nitong hinarap ang bata at ginusot ang medyo kulot nitong buhok. Ngayon lang niya napansin, ang cute pala ng batang nagngangalang Erick, lalong nakapagpacute dito ang kulot-kulot nitong buhok dahil maputi ito. Napangiti siya.  "You want to join us?", tanong nito.


Ang ganda pa ng boses, hay naku, swerte ng girlfriend nito. "Huh? Ay hindi na baka kasi andyan na rin ang hinahanap ko", sabi niyang nakangiti pa rin.


"Ah sige. Sino ba ang hinahanap mo? Baka mapadaan dito para masabihan namin?"


Lumuhod siya para punasan ang bibig ni Erick na nakalatan ng kinakain nitong ice cream.


"Pupunasan ka ni Ate ah. Nakita ko kasi na nadumihan yung mukha mo eh", sabi niya sa bata. Tumingin naman siya sa kausap habang pinupunasan ang bata.


 "Sabi ni Ate, Andrew daw ang pangalan eh, hindi ko naman kasi alam ang hitsura n'on. Nautusan lang kasi ako."


Napangiti ang lalaki, halata ang medyo pagkagulat sa napakagwapo nitong mukha at muling nagsalita. "Am I not the one you are looking for?"


Nagulat siya sa nabatid at hindi nakapagsalita. Napahinto siya sa ginagawa at tumingin dito. Na-freeze siya ng magtama ang kanilang mga mata ngunit agad siyang nakabawi at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.


Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita. "I am Andrew and I think the one you are looking for is wearing green and I'm wearing the same color of the dress of the person you suppose to meet, right?" nakangiti nitong tanong.


Tumayo siya mula sa pagpupunas sa bata ng matapos siya at inilagay ang panyo sa bag niya. "Oh, yeah, right", hinarap niya ang binata, "Ba't di ko naman agad naisip 'yun? Ikaw 'yung boyfriend ni Mariz, right? Ako nga pala yung nautusan na magbigay nung letter. I'm Ellise", sabay lahad ng kamay niya sa lalaki.


Kinamayan naman siya ng lalaki at ewan niya kung bakit nakuryente siya sa pagdadaiti ng mga palad nila. Kinuha niya agad ang sulat mula sa bag niya matapos silang magkamay at ibinigay ito dito.


Kinuha naman nito iyon at nagpasalamat pagkatapos sinabing "Tinotoo nga niya yung sinabi niya", mapait na ngumiti ito.


"Tinotoo na?", sabi naman niya. Ewan ba niya ba't nakapagtanong siya ng ganoon matapos makitang lumungkot ang hitsura nito at ang mga magaganda nitong mata.


 Hindi ito nagsalita kaya naintindihan naman niya, "But if you don't want to tell me, okey lang, hindi naman ako nakikialam sa buhay ng may buhay", nakangiting sabi niya na totoo naman sa loob niya. Gusto lang sana niyang maibsan ang anumang lungkot na gumambala sa napakaguwapo nitong mukha.


Ngumiti na naman ito ng mapait, "It's okay, I think I am not just yet ready to tell it. Siguro kung ready na 'ko, I think that is the time na masasabi ko na sa'yo ang lahat pag nagkita tayo ulet. Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ka", ngumiti ito at sa tingin niya ay iyon na ang pinakamagandang ngiting nakita niya dahil that time ay walang lungkot na mababakas sa mukha nito.


"No it's not your responsibility anymore", bawi naman niya. "Sige naibigay ko na rin yan, aalis na 'ko. Nice to meet you", pagpapaalam niya.



Sinundan na lang ng tingin ni Andrew ang dalaga. Parang may iba siyang naramdaman ng mahawakan ang kamay nito.


"Uiii, si Kuya. Sinusundan ng tingin si Ate", ani Amy sa kanya. "Ang ganda niya noh, kuya?"


"Oo nga, ang bait pa niya", sabi ni Erick na siyang pinunasan ni Ellise kanina.


Ngumiti lang siya. Tama nga ang mga bata. Maganda nga si Ellise. Maganda ang kasimplehan nito, mukha itong inosente at doon na-attract siya dito plus pa ang ipinakita nitong kawilihan sa mga bata. Iba ang nararamdaman niya dito.

 Bakit kaya?At bakit ako biglang nagbitiw ng promise sa kanya ng ganoon kadali? 


Maging kay Mariz ay hindi niya iyon naramdaman at nagawa. Napangiti siya sa ideyang kumislap sa kanyang isip. Ngayon niya narealize na kaya niya ginawa iyon ay dahil gusto niya talaga itong makitang muli. Naipilig niya ang kanyang ulo.


Nabalik ang atensyon niya sa hawak na sulat na ipinabigay ni Mariz. Nakadama siya ng lungkot dahil sa tingin niya ay hindi na siya nirespeto ng babae, nakipagbreak nga ito, hindi naman sa personal. Ngunit para sa kanya ay ayos na rin ang nangyari . Nakilala niya ang babaeng nakapagpaisip sa kanya ng sobra at nakaattract sa kanya kaagad. At higit sa lahat ang sa tingin niya ay magiging malaking parte ng kanyang buhay na babago sa kanya. 


Si Ellise ang nasa isip niya ngayon at hindi ang ginawa ni Mariz. Sa totoo lang ay excited na niya itong makitang muli.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon