"Isla Mangubat, where are you going this time?" Giit ng mommy niya na nakapamewang sa harap niya. Medyo takot man ay nagsalita pa rin ang manginig-nginig na si Isla.
"M-may lakad po sana kasi kami ngayon ng mga friends ko." Pautal-utal man ay naglakas loob pa rin siyang magpaalam. Nakatingin lamang siya sa kawalan, ayaw niyang tumingin sa mommy niya dahil baka matagpo niya lang ulit ang mala-nangangain nitong mga mata.
"Huwag na lang po pala mom! I'd rather stay at my room na lang po." Giit nito habang nakayuko. Pero ang totoo ay gusto niya talagang gumala kasama ang mga kaibigang naghihintay sa kaniya sa labas ng bahay.
"Are you crazy? Go, have fun anak. Total konti na lang din ang panahon niyo ngayong bakasyon. Better make the most of it." Anito ng may masayahin pang tono ng boses. Ganun na lamang ang gulat niya sa narinig mula sa mommy niya.
"You're really fine with it?" Hindi makapaniwalang sambit nito. Bahagyang ngumiti ang mommy niya at niyakap siya.
"Ano ka ba anak, I've also been a teenager you know." Napangiti si Isla na kanina lang ay takot na takot. Hindi niya mapigilang mapayakap na din sa ina. Bata pa man ay mas close na siya sa mommy niya at obvious naman na madali niyang nakukuha ang mga bagay na gusto niya with just a one clementing look. Bago umalis ay hinalikan niya muna ito sa pisngi.
"Thanks mom, you're the best!"
"I know right. Now off you go, ako nang bahala sa daddy mo." Giit nito kaya tuluyan nang lumabas ng bahay si Isla. Nang pagbuksan siya ng gate nung guwardiya ay tumambad na agad ang isang Hypersport na kotse sa harapan niya. Maya't-maya pa ay may nagbaba ng bintana sa may passenger seat.
"What are you waiting for, silly? Hop in!" Giit ni Florence Paralejo na siyang nagmamaneho ng kotse. Bahagyang napangiti ng napakalapad si Isla tsaka tuluyang pumasok at pumwesto sa passenger seat.
"So, what's today's excuse Miss honest? Hahaha!" Wika ni Cybil Navidad kay Isla na siyang nasa backseat kasama si Jeeya Panunciar.
"Oooohh..." Panunuya nilang tatlo kay Isla kaya napasapo na lamang siya ng sentido niya't napataas ng dalawang kamay.
"Shut up! Swear hindi na ako gumawa ng palusot this time. Mom let me wander bitches. Free willingly." Taas-noo niyang giit na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya. Sa kanilang magkakaibigan, parents niya ang pinakamahigpit kaya naman tuwang-tuwa siya't hindi na siya inabot pang magmakaawang gumala this time. Advantage din na wala sa bahay nila ang daddy niya.
"That's great. Naa-adjust naman pala ang mga don't conditions mo. Haha!" Ani Jeeya na siyang ala-clown at crack head sa kanilang apat.
******
Tumigil ng bahagya ang sasakyan nila sa tapat ng napakalaking bahay sa isang tanyag na village tsaka bumaba na ang apat na magkakaibigang siyang sikretong nagpasimuno sa kasiyahang namamayani sa lugar o sabihin nating bahay na ito. Sila sina Isla Mangubat, Cybil Navidad, Florence Paralejo at Jeeya Panunciar. They're the crazy squad.
Napalinga-linga silang apat sa loob ng bahay na siyang pinangyarihan ng throw up party nilang ginawa. "Where's Blaire? I have to congratulate her for doing a great job!" Giit ni Cybil na sobrang nawiwili sa nasaksihan. Ganun na lamang ang dahan-dahang pagkurba ng labi ni Florence into a mischievous smile ng may mapansin siya sa kabilang banda.
"OMG look girls, the cute guys really made it to this party!" Anito sabay bumungisngis na parang batang babaeng naiihi kaya natawa sa kaniya ang mga kaibigan niya. Napalingon si Isla sa pinupunto ni Florence. Ganun na lamang ang biglang pamumula ng magkabilang pisngi niya nang mahagip ng mga mata niya si Kenneth na siyang kabilang sa cute guys. Unti-unti niya nang nararamdaman ang pag-init nito, lalo na nung mahagip siya ng mala nang-aakit na mga paningin ni Kenneth kaya bahagya siyang lumingon palayo upang hindi siya mahalata.

YOU ARE READING
My Crazy Squad
Teen Fiction❝ᴀɴᴅ ᴛʜᴇʏ sᴀʏ, ʏᴏᴜʀ ʜᴇʏᴅᴀʏ ɪs ɴᴏᴛ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ ɪғ ʏᴏᴜ ʜᴀᴠᴇ ɴᴏ ᴄʀᴀᴢʏ sǫᴜᴀᴅ ʙᴇʜɪɴᴅ ʏᴏᴜʀ ʀᴇᴀʀ.❞