Florence's POV
I go straight to my room at agad na pinalitan itong lintek na fancy dress na suot ko into a much more comfortable clothes which is a black jeans, white crop top na dinoblehan ko ng blue denim jacket tsaka chuck Taylor. Kung alam ko lang na iyun pala ang dahilan kaya ipinagsuot nila ako ng magandang damit ay hindi ko na sana sinuot pa! Dumiretso ako sa contacts ng phone ko, tatawagan ko na sana si Cybil kaso naalala kong she's sick nga pala, alam ko rin namang mahihirapan pa si Isla na makalusot sa dad niya kaya agad ko na lang na tinawagan si Jeeya.
"Ey girl, meet me at the mall. ASAP." Hindi pa siya nakakapagsalita ay binabaan ko na agad. Bahala na siya kung susulpot siya o hindi basta kailangan ko na munang makaalis sa bahay na ito kundi sasabog na talaga ako. Kinuha ko yung handbag ko then go straight downstairs. Paalis na sana ako ng makasalubong ko si lola. "Hija, where are you going?" Giit niya.
"Sorry lola, I have to go." Madalian kong sambit tsaka tuluyang lumabas. Tinawag ko yung driver namin para ihatid agad ako sa mall.
Bahagyang tumigil yung kotse kaya napatingin ako sa labas at nasa tapat na pala ako ng mall. Bago bumaba ay tinignan ko muna si Mang Rob na nakatingin din sa akin. "Mang Rob, huwag niyo nga po pala sasabihin kay dad kung asan ako. And huwag niyo na akong sunduin mamaya, ako na ang uuwi mag-isa." Utos ko kaya napatango na lamang ito.
"Sige ma'am Florence. Mag-iingat kayo." Anito tsaka umalis na. Tumungo agad ako sa isang café dito sa mall kung saan kaming apat madalas na nagagawi. Pumasok ako at chineck kung andito ba si Jeeya kaso wala. "Pft that girl." Napasinghap na lamang ako tsaka hinigpitan yung paghawak sa bag ko. Aalis na sana ako pero laking gulat ko ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Dahil sa gulat ay napapitlag ako't napamura. "Oh shit!" Bahagyang kumunot yung noo niya tapos ngumisi.
"Sa harapan ko talaga besh?" Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako't hinawakan siya sa balikat. "I thought you'd bailout."
"Of course not! Ang lakas mo kaya sa akin." Aniya tsaka agad akong hinatak papunta sa isang fancy restaurant.
"Libre mo 'ko." Giit niya tsaka bahagyang ngumiti ng napakalapad. Oh great. Eto na nga bang sinasabi ko, malakas din siya, sa wallet ko. Palagi talaga akong nagdadala ng pera pagkasama ko siya kasi sa akin siya palaging umaasa. Para na nga akong nagmumukhang mommy niya at siya yung anak kong bata na panay turo kung saan-saan hays. Hindi kasi ganoon kagara ng buhay namin nina Cybil at Isla ang buhay ni Jeeya. Hindi sila poor, hindi rin sila ganoon ka'rich. Just something in between.
"So bakit mo nga palang naisipan pumunta dito? I thought may sasabihing importante ang mommy mo?" Bigla akong nawalan ng gana sa kinakain ko tsaka napasapo na lamang sa sariling sentido.
"Iyun na nga. Their arranging me on a fixed marriage. Can you believe that?" Biglang nalaglag yung panga niya tsaka hinawakan yung dalawang kamay ko. "Totoo??" Bulalas niya.
"Ano sa tingin mo nagbibiro ako??" Sarcastic kong sabi kaya ngumuso siya. "Eh paano iyan ngayon? Pano kayo ni Yohann?" Sabi niya kaya natigilan ako bigla.
"Eh? Hayaan na natin ang playboy na iyun total mukhang hindi naman nagtatanda." Taas-noo kong sambit kaya tumango siya bilang tugon. Suddenly, may naramdaman akong ugong sa handbag ko kaya chineck ko.
"What's that?" Aniya na sumisilip sa phone ko.
"Yohann the playboy." I said while rolling my eyes. Natawa siya ng mahina habang kumakain ng salad. "Then why don't you read it?" Giit niya.

YOU ARE READING
My Crazy Squad
Teen Fiction❝ᴀɴᴅ ᴛʜᴇʏ sᴀʏ, ʏᴏᴜʀ ʜᴇʏᴅᴀʏ ɪs ɴᴏᴛ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ ɪғ ʏᴏᴜ ʜᴀᴠᴇ ɴᴏ ᴄʀᴀᴢʏ sǫᴜᴀᴅ ʙᴇʜɪɴᴅ ʏᴏᴜʀ ʀᴇᴀʀ.❞