Chapter 4

13 6 0
                                        


Florence's POV

Agad kaming lumabas sa bahay nina Cybil tsaka sinalubong sila daddy sa labas ng gate nila. Nauna muna akong pumasok tsaka sumunod na yung dalawa. Halatang nagtaka si mommy nang makita sina Isla at Jeeya. Pasalita pa lang siya ay inunahan ko na agad.

"Yes they're here. We need to drive them home na lang para hindi na sila magcommute pa." I boredly uttered tsaka napairap sa kawalan. Nakita ko naman si mommy sa rear view mirror na inirapan ako pero agad din iyong nawala nung napatingin siya kela Jeeya.

"Hi girls. Uuwi na agad kayo? Why not sumama muna kayo sa amin para naman andoon kayo sa sasabihin namin." Nakangiting turan ni mommy kaya nakunot bigla ang noo ko. "Anong ia-announce niyo?" I mused tsaka isinandal yung dalawa kong kamay sa likod ng inuupuan ni daddy. I really want to know. Mahirap na baka mamaya kung ano nanamang pasabog iyan -___-

"Can't it wait? Masiyado ka naman yatang excited." Ani mommy tsaka tumawa ng mahina. "Teka, parang kulang ata kayo. Where's Cybil?" Pagtataka ni mommy tsaka napatingin na rin sa amin si daddy doon sa rear view mirror.

"Uh tita, she's not feeling well eh." Sagot ni Isla. Tumango-tango naman si Jeeya bilang tugon.

"Well I hope gumaling na siya. Oh, so ano? Sasama kayo sa amin okay?" Kitang-kita ko yung pag-aalinlangan sa mga mukha nung dalawa. Hindi rin naman nila masabi ng diretsahan kay mommy kasi baka nahihiya sila.

"I said they're busy. Quit being balky mommy in fact they don't wanna hear that stupid whatsoever announcement anyways." Giit ko. Muntikan nang mauntog ang mga ulo namin sa mga harapan ng biglang hininto ni daddy yung kotse. Humarap siya sa aking galit na galit at mukhang sasabog nanaman. Oh well, here goes nothing...

"You stubborn lady. How dare you raise and talk to your mother that way!? Ganun ka na ba talaga ngayon ha, Florence? You really wanna be free?? Fine, go! Idederetso kita ngayon sa bahay at iempake mo na ang mga gamit mo. Mas gugustuhin ko pang hindi ka na makita kesa bastusin mo kami araw-araw! I've had enough of you." Pinanlisikan ko si daddy pero agad ko rin iyong binawi at itinuon ang paningin sa labas ng kotse, maya-maya pa ay tumutulo na ang mga luha ko kaya marahas ko iyong pinunasan.

"Franklin naman. Huwag mo namang pagsalitaan ng ganun yung anak natin." Pagsasaway ni mommy kay daddy. So pitiful na din pala ako ngayon? Heck.

"Sige, kunsintihin mo nanaman iyang anak mong bratinela!" Anito tsaka marahas na pinaandar ulit yung kotse. Ramdam ko ngayon yung uncomfortable feeling nung dalawa sa tabi ko kaya naiinis na talaga ako. Right, I really should have commuted na lang, baka naging peaceful pa yung biyahe ko pauwi.




******



We arrived home na. Agad akong bumaba ng kotse without even bothering to look at them. Narinig ko silang bumaba na rin pero parang tumigil lang din sila. Suddenly, narinig ko mommy na bumulong kay daddy. "Frank, tama na please? Huwag muna ngayon." Anito. Okay, as if naman hindi ko kayo naririnig. Agad na sumalubong sa akin yung mga maids namin tsaka binati ako pero hindi ko sila pinansin, dinaanan ko lang ang mga ito. Obviously I'm not in the mood for anything you know.

Laking gulat ko pagpasok nang biglang sumalubong sa akin sina lola Cresencia at lolo Antonio. Biglang lumapad ang ngiti ni lola saka niyakap ako, ganun din naman si lolo.

"My favorite apo is here. How are you, hija?" Masiglang bati sa akin ni lola. Nginitian ko na lang siya bilang 'just fine' kahit na hindi naman talaga.

"Malamang favorite mo eh nag-iisang apo lang natin iyan haha!" Sarkastiko pero natatawang sambit ni lolo kaya natawa na rin ako't niyakap ulit sila.

My Crazy SquadWhere stories live. Discover now