Chapter 2

20 13 29
                                        

Nakatingin lamang sa kawalan ang apat na magkakaibigan habang nasa harapan nila ang uncle ni Cybil na si Principal Kim. Ang sama ng tingin nito sa mga estudyante niya at parang anytime ay bubuga na ng apoy sa mga pagmumukha nila.

"Cybil, I expected more from you. I didn't know na sa ganitong level na pala ang pagiging avid mo sa parties!" Singhal niya sa pamangkin. Hindi makatingin ng diretsa si Cybil dahil sa kasalanang nagawa.

Napalingon ang Principal kay Isla na bahagyang nakayuko at kapwa hindi rin makaimik. "Isla, ikaw ang may pinakamatinong pag-iisip sa inyo--" hindi natapos sa pagsasalita ang matanda dahil agad na tumauli ang mga dalaga.

"Yaaahh!!"

"Shut up!" Napasinghap na lamang ang matanda at tinuro ang sariling sentido. "Bakit hindi mo sila nagawang pagsabihan?" Tanong niya. Hinihintay ni Principal Kim ang sagot ni Isla, umaasang may magandang pagpapaliwanag ito ngunit kay ikli lamang ng naisagot.

"Sorry po." Napakuyom na lamang siya ng kamao at mariing ikinalampag ito sa desk niya.

"And what can you say about this, Cybil? You got the shitty party you want.. Alam mo ba kung anong pwedeng gawin sa akin sa trabaho ko sa mga nakatataas? They might also think na ako yung pasimuno sa hella party na yun! I'm so disappointed at you, Cybil. You're tooking advantage at my kindness to you." Napabuntong hininga na lamang ito, kaya tuluyan nang naluha si Cybil at napailing-iling dahil sa ginawa. Isa sa pinaka-ayaw niya ay ang madisappoint ang tiyuhin na tinuring nang sariling ama. "I guess hindi pa matindi sa'yo na binawasan kita ng allowance noon for letting the faucet running at the girls bathroom on purpose." Muli ay napasapo siya sa mukha dahil sa sakit ng ulong binibigay ng anak-anakan.

"You're grounded miss! Simula ngayon bahay at paaralan na lang ang tanging pupuntahan mo, wala nang iba! And don't you ever think escaping 'cause I'm telling you little miss, you don't wanna push me to my limit." Giit niya kay Cybil habang paturo-turo pa. Ngunit hindi niya inaasahang ito lang ang magiging reaksiyon ng pamangkin sa kaniyang sinabi. Ngumisi lamang si Cybil saka pinalibot ang paningin.

"Ayos lang." Aniya nang walang kadala-dala. Dahilan upang mas uminit pa ang ulo ng tiyuhin.

"And no internet!" Singhal niya. Nanlaki ang mga mata nilang apat. Alam nilang si Cybil ang palaging babad at pinakamahilig sa internet sa kanilang apat.

"What the fuck!?"





___________



Isla's POV

Padabog na umalis si Cybil sa opisina ni Tito Ryan, sumunod naman sa kaniya sina Florence at Jeeya. Napalingon ako sa kanila pero agad ko ring binalik ang paningin kay Tito na hanggang ngayon ay nag-iinit pa. "We're so sorry po, tito." Giit ko na lamang habang nakayukong lumabas ng opisina niya. Nakita ko sila sa 'di kalayuan, arguing. Dumiretso siya sa locker niya't kinuha yung sling bag niya kaya nakunot yung noo ko.

"And where are you going?" Giit ko. Natigil siya sandali then she curved her lips into a mischievous smile.

"I'm gonna spent this day as if this is my last will. Look, uncle can't stop me what I wanna do. I'm Cybil, and you know what that means, I'm not listening to anyone." She uttered. She was about to leave when suddenly Jeeya grabbed her wrist.

"So, saan ka nga pupunta?" Giit nito nang nakunot ang noo. Nginisihan lamang siya nito.

"Kahit saan. Sa lugar na masaya." Turan niya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Pumalakpak si Florence tsaka tumalon-talon pa.

My Crazy SquadWhere stories live. Discover now