Isla's POV
"Aling Trinidad, heto na po pala yung bayad ko." Abot ko kay Aling Trinidad ng pera na bayad ko sa kinain kong Siomai rice na tinda niya. Nakangiti niyang tinugon ang bayad. "Salamat 'nak, balik ka ulit ah?" Ngumiti ako't tumango tsaka umalis na.
Kapag may bakanteng oras ako o di kaya ay ayoko pang umuwe dumadaan muna ako sa siomai-an ni aling Trinidad upang kumain. Medyo malapit lang din naman iyon sa school namin. Minsan ko na ring sinama dito sina Cybil, nagustuhan naman ni Cybil at Jeeya yung siomai pero ayaw ni Florence, mas gusto niya daw sa mas formal na kainan.
Pakagat na ang dilim pero napag-pasiyahan kong maglakad na lang muna, palagi na lang kasi ako nagc-commute o di kaya nagpapasundo sa driver namin, kulang na ako sa exercise. Natigil ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa isang bench, umupo muna ako sandali at nagpahangin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over nung magbangga kami ni Kenneth sa may pool ng bahay ni tito Ryan. Sa 'di malamang dahilan ay napangiti ako, ramdam ko pa rin yung kamay niya na pumulupot sa baywang ko nang muntikan niya na akong mahulog sa pool. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami, minsan na rin niya akong niligtas. Most of the time pa nga hanggang sa...
Siyam na taong gulang pa lamang noon si Isla nang maging matalik niya nang kaibigan si Kenneth. Nagkakilala ang dalawa nung araw na hindi makababa si Isla sa puno ng mangga.
Inakyat niya ang puno upang pitasin yung hinog na bunga ng mangga. Matagumpay nga niyang napitas ang dalawang bunga nito ngunit ang problema ay hindi niya na alam kung paano bumaba mula sa puno na iyon. Nagsisigaw si Isla nagbabakasakaling may makarinig at sumaklolo sa kaniya.
"Tulong! Tulungan niyo ako hindi ako makababa!" Sigaw niya.
"Natuto kang umakyat, matuto ka ring bumaba." Seryosong tugon ng batang lalake, hindi nagustuhan ni Isla ang sinabi nung bata kaya sinamaan niya iyon ng tingin pero napangiti naman yung batang lalake.
"Biro lang, ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Nagtatakang tanong ng batang lalake.
"Teka lang, heto saluhin mo na muna ang nakuha kong bunga." Utos ni Isla. Hindi naman alintana nung bata na ihinagis na pala ni Isla ang mga bunga kaya napa-aray at napahawak siya sa ulo niya nang tumama iyon sa kaniya. "A-araay!"
"Oops! Sorry, hindi ko sinasadya." Naghahanda pa lang si Isla upang bumaba nang biglang may matandang lalaking dumating at animo'y sisitahin siya kaya napatalon siya at sa 'di inaasahang pangyayari ay napahiga sila ng batang lalaki sa lupa. "A-raay.. Ang bigat mo naman, da't sinabi mong tatalon ka para nasalo kita!" Reklamo nito.
"Oy, oy, kayong mga bata, anong ginagawa niyo dito sa puno ko at bakit nakapatong ka sa kaniya??" Giit ng matanda sabay inalalayan si Isla na makatayo. Tumayo na rin ang batang lalake. "P-pasensiya na po, gusto ko kasi ng mangga." Paumanhin ni Isla. Napahilamos na lamang ng mukha ang matanda.
"Dapat sinabihan mo ako nang ako na ang kumuha para sa 'yo. Oh siya sige, aalis na ako. Huwag na ulit kayong aakyat dahil baka kayo mahulog!" Utos ng matanda sabay kamot sa ulo bago umalis.
"Sorry ah? Gusto mo sa 'yo na 'to para tig-isa tayo." Alok ni Isla. "Ano nga pala pangalan mo?"
"Kenneth Jackson Suarez, ikaw?" Napangiti si Isla.
YOU ARE READING
My Crazy Squad
Ficção Adolescente❝ᴀɴᴅ ᴛʜᴇʏ sᴀʏ, ʏᴏᴜʀ ʜᴇʏᴅᴀʏ ɪs ɴᴏᴛ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ ɪғ ʏᴏᴜ ʜᴀᴠᴇ ɴᴏ ᴄʀᴀᴢʏ sǫᴜᴀᴅ ʙᴇʜɪɴᴅ ʏᴏᴜʀ ʀᴇᴀʀ.❞