Nagising si Cybil nang dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha niya sa loob ng sariling kwarto nito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at inilibot ang paningin sa buong silid tsaka nakita sila Isla, Florence, Jeeya, Marky, Joshua at lalong-lalo na ang tiyuhin niyang nakasandal sa may pintuan niya.
Nagulat si Jeeya nang makita ang kaibigan na magkamalay na. "Guys she's finally awake!" Anito tsaka agad na umupo sa kanang bahagi ng kama ni Cybil. Lumapit na rin sina Florence at Isla sa kaniya samantalang napatayo naman sina Marky. Umupo si Cybil tsaka sumandal sa headboard niya.
"A-anong nangyare?" Giit nito sabay hinimas yung noo, medyo magulo pa rin ang buhok niya at kapansin-pansin ang ibang suot na nito.
"Gusto mo ba talagang ikwento ko sa'yo yung buong pangyayari?" Sarkastikong sambit ni Florence kaya nakunot ang noo nito. Agad na tinawag ni Uncle Ryan ang isa sa mga maids niya at ipinaghanda ito ng noodles para sa pamangkin.
"How are you feeling?" Alalang turan ni Marky na nakatayo sa may paanan niya. "Feeling a little bit crazy." tugon ng dalaga dahilan upang umiling-iling ng bahagya ang binata. Napatingin siya sa wall clock niya sa itaas ng pintuan at nakitang lagpas tanghalian na pala kaya napasapo na lamang siya. Maya't-maya pa ay nahagip na ng paninin niya si Joshua na nakasandal sa malaking bintana niya't nakapangibit-balikat. Nakatingin rin ito sa kaniya ng walang kaemo-emosyon kaya nagtaka siya.
"What's that baliw doing in here?" Nakakunot-noong tanong niya kaya napalingon ang mga kaibigan niya kay Joshua sa likod. This time nginitian niya na si Cybil tsaka kinawayan. "Yaaah! I'm asking you guys, anong ginagawa niya dito?" Bulalas niya tsaka sinamaan ng tingin si Joshua. Nagkatinginan yung tatlo.
"Well, siya lang naman yung nakakita sa'yo sa labas ng bar na halos halayan ka na ng isang strange guy." Giit ni Jeeya tsaka umiling-iling.
"Really? What does he look like??" Singit ni Florence kaya marahas siyang binato ng unan ni Marky sa mukha. "Yah! Ang sama mo Marky!" Tinawanan lang siya ng binata tsaka binelatan.
"Really?" Hindi makapaniwalang sambit ni Cybil na ngayon ay gulong-gulo na. Nilapitan siya ni Joshua tsaka umupo sa kama niya.
"Yes. And that's why you owe me big time!" Giit niya kay Cybil sabay kinindatan ito. Nginiwian lang siya ng dalaga tsaka sinipa palayo dahilan upang mahulog siya mula sa kama. "I don't believe you! Guys, you're lying. So, ibig sabihin siya rin yung sumuntok doon sa bakulaw na mukhang fuckboy tsaka siya yung bumuhat sa akin-- he's the one who took me home!?" Bulalas niya dahilan upang mapakunot-noo yung mga kaibigan niya.
"And shouldn't you be thanking him for that?" Litong turan ni Isla na kanina pa tahimik. Kinagat niya yung lower lip niya tsaka bahagyang napatingin kay Marky with that are-you-guys-telling-me-the-thruth look. Kaya napatango si Marky bilang tugon.
"Ba't ganiyan ka magreact? Hindi ba dapat pinapasalamatan mo pa siya??" Giit ni Jeeya. Umarte namang nagpapaawa si Joshua kaya napabuntong hininga na lamang siya.
"Eh pano ba naman. I can't help but feel na ang kawawa ko naman kasi ang panget pala ng rimescue sa akin kagabe. I really thought it was a prince charming you know." Nakapangusong sambit nito kaya napikon na yung binata na si Joshua.
"Problema mo?? Pasalamat ka pa nga't tinulungann kita. Maski nga naman yung itsura mo kagabe hindi pang prinsesa!" Bulalas niya kay Cybil kaya nagtapunan ng masamang tingin yung dalawa.
"Haha tama na nga iyan! Baka magkatuluyan na kayo eh.." Singit ni Marky.
"Yah! No way! Sa jerk na ito? I'd rather be with a frog." Maarteng turan niya kaya dinilaan siya ni Joshua. "Come on Cybil. Say the word." Utos ni Isla kaya nagtaka si Cybil.
"What word??"
"The word that you should be saying.." Gatong naman ni Florence kaya napabuntong hininga na lamang siya tsaka napakamot sa dulo ng ilong.
"Okay, thank you Joshua.." Matamlay at maarteng sambit nito pero kahit ganun ay napangiti pa rin ang binata ng napakalapad kaya pinagtutukso silang dalawa ng mga kaibigan nila.
______________
Cybil's POV
Umalis na si Marky, may lakad pa daw kasi sila ng girlfriend niya. Wala rin dito si Uncle, sus! Malamang naghihintay lang iyan ng magandang tiyempo mamaya para misahan nanaman ako. Biglang tumayo si Florence kaya napatingin kami sa kaniya.
"Guys, I'm sorry but I should go. Dad is outside waiting for me." Anito.
"Why?" Litong turan ni Jeeya, ganun din naman kami sa isipan. She rolled her eyes then crossed her arms. "Bakit nga ba? Edi siyempre may lakad ata kami nila mommy." Maarte at sarkastikong sambit niya kaya napairap na lamang sina Isla.
"Pwede ba makisabay? I should check home also." Singit naman ni Isla kaya bahagyang tumango si Florence. "Ako rin, pasama na! Kailangan ko na ring umuwi baka hinahanap na ako sa bahay." Gatong naman ni Jeeya. Great, just great! Sige iwanan niyo ako kasama 'tong ugok na ito sa kaliwang mata ko -__-
"Oh! Cybil, we're sorry. We have to go na eh, don't worry andito naman si Joshua siya na lang muna ang aasikaso sa'yo." Nanlaki bigla yung mga mata ko tsaka nakitang nag-evil grin itong ugok.
"What!? Iiwan niyo talaga ako sa creepy stalker na ito?" Hindi nila ako sinagot. Pare-pareho lang sila ngumisi tsaka kumaway palabas. Tsk for sure plinano nila ito. I hate them like yeah. Tinignan ko siya tsaka nginiwian. "And should you be leaving as well?" Mataray kong giit sa kaniya, ayos lang iyan no. Nginitian niya lang ako tsaka umiling-iling.
"Sige na baka may lakad ka rin, nanny ko na ang bahala sa akin." Giit ko sabay irap. Tumayo siya't lumapit sa akin, umupo siya sa kaliwang side ng bed ko.
"Wala nga. Binilin ka sa akin ni Tito Ryan kasi your 'nanny' can't handle you all along daw." Tsk. Wait wha-? Sinabi nila yun? Pft hindi kaya ganun yung katigasan ng ulo ko para hindi nila ako mahandle. Hindi nga ba?
"Plus, I'm free. Wala akong gagawin ngayon so babantayan na lang kita babe!" Masiglang sambit nito. Okaaaaaa-- ano daw?
Tama ba yung dinig ko? Babe? Ew. "Quit calling me babe, its disgusting." Sabay sinamaan siya ng tingin pero tumawa lang siya. Seryoso? Nakakatawa na ba itong mukha ko ngayon? Ggrrr.
"Tara shabu." Anito. A-ano!? Sinira nga siya ng nanay niya. Ano ako adik? "Fuck off!" Bulyaw ko sa pagmumukha niya pero walang kadala-dala yung lolo niyo.
"Shabu-hay mo yiieee!!" Ew. Nan-iinis nga talaga 'to eh bwiset.
"More like shabu-rol mo." Ani ko sabay tumayo na pero pagkatayo para bang biglang sumakit ang ulo ko kaya napasapo ako. Agad naman niyang nahawakan ang balikat ko kaya hindi ako natumba. "Cybil, huwag mong biglain ang sarili mo. Hindi ka pa gaanong magaling." Nag-aalala ba talaga tong gunggong sa akin? Hmm.
"Tara shab--"
Hindi ko siya pinatapos, agad kong tinuro yung bunganga niya kaya napatikom siya bigla. "Sige ituloy mo nang maideretso ka na agad sa hospital!" Babala ko sa kaniya kaya tumawa siya. Tsk crazy.
"Tara shabackyard... Doon muna tayo para magpahangin ka." Ah okay akala ko naman kung ano lang nanaman yung lalabas sa bibig neto.
THANKS FOR READING.
VOTE AND COMMENT
YOU ARE READING
My Crazy Squad
Teen Fiction❝ᴀɴᴅ ᴛʜᴇʏ sᴀʏ, ʏᴏᴜʀ ʜᴇʏᴅᴀʏ ɪs ɴᴏᴛ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ ɪғ ʏᴏᴜ ʜᴀᴠᴇ ɴᴏ ᴄʀᴀᴢʏ sǫᴜᴀᴅ ʙᴇʜɪɴᴅ ʏᴏᴜʀ ʀᴇᴀʀ.❞