Chapter 7

6 4 1
                                        

Nagdudumali ako ngayon na pumunta sa faculty room para ilagay itong papers ni Ms. Silvero na nakasalubong ko kanina sa tapat ng admin, hindi naman kasi ako makaayaw. Malapit na pa namang magtime, natatakot akong malate buti sana kung hindi 'yun major subject.

"Excuse me, pardon me." Sabi ko sa mga taong natatabig ko dahil sa pagmamadali. Halos tumakbo na ako ngayon. Nang makarating sa faculty ay agad kong inilapag sa table yung mga papel at aalis na sana nang may kung sinong tinawag ang pangalan ko.

"Hey, Isla!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Marky. Hindi naman ako nagtaka na andito siya dahil isa siya sa kinatawan ng mga students councillor kaya okay lang sa ibang teacher na minsan dito niya sinasayang ang oras niya 'pag wala silang klase. Ang ikinagulat ko lang ay nung mahagip ng mga mata ko si Kenneth. Nakatingin siya sa akin habang nagk-kumpol sila nila Marky sa table ni Sir. Valdemoro, bakla 'yun. Lima silang andito ngayon.

"H-huh? Bakit..?" Napahawak ako sa batok dahil sa hiya.

"Anong ginagawa mo dito? Ano 'yung nilagay mo doon?" Siyasat ni Marky habang kumakain ng mani. "H-ha, ano yung papers ni Ms. Silvero, pinalagay niya sa table niya. S-sige, alis na ako." Tatalikod na sana ako nang magsalita ulit siya.

"Wait up." Maangas niyang tugon kaya napatingin ulit ako sa kanila. Ba't ang seseryoso ng mga mukha nila? "Ang table ni Ms. Silvero. Andito." Aniya sabay turo sa table na katabi lang ng table ng teacher na dinudumog nila. Shocks! Mali palang table yung napaglagyan ko. Wala na akong nagawa kundi kunin ulit yung mga papel at naglakad papunta malapit sa kanila. Ang awkward nga kasi sinusundan talaga nila ako ng tingin.

"How's Cybil?" Usisa ulit ni Marky. Ugrh! Yung totoo, paaalisin niya ba talaga ako? Ang hirap-hirap na ng kalagayan ko ngayon, nagpapanic na ang kaluluwa ko. "She's fine na naman.." Mahina kong tugon.

"Good. Nakapasok siya ngayon?"

"Y-yes. Actually andoon nga siya sa classroom pero hindi pa rin gaanong bumabalik ang lakas niya but still, okay naman na siya." Paliwanag ko. Napatayo naman siya sabay pagpag ng mga kamay niya.

"Isla, ako ang kausap mo pero bakit kay Kenneth ka nakatingin??" Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Ngayon ko lang din narealize na kay Kenneth nga ako nakatingin kanina habang nagk-kwento. Napalunok ako ng laway.

"I-- um.."

"Ayos lang. Naiintindihan ko, alam naman namin na sobrang gwapo ni Kenneth kaya pati ikaw nadadala na kagaya ng mga tagahanga niya." Aniya. Natawa naman ng mahina yung mga kasama niya, kabilang na pati si Kenneth. Biglang nagtama ang kilay ko saka palihim siyang kinurot. "Arayy naman! Biro lang!" Bawi niya. Pahamak talaga 'to.



********


Tapos na ang klase. Buti naman dahil gusto ko ng umuwi napagod ako ngayong araw. Nagtake kami kanina ng dalawang quizes, nagreport din ako sa oral communication, nung P.E nag-aral kami ng zumba, isama mo pa kanina nung muntik na akong ipahamak ni Marky. Hayy. Maayos na ang mga gamit ko, kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana ng hawakan at pigilan ako ni Florence.

"Oh, bakit?" Napangiti siya bigla, yung ngiting parang may masamamg balak. Alam ko na 'to eh, nangangamoy malandi nanaman. "Let me guess.." Panghuhula ko. "Boys." Nagulat ako kasi sabay at pareho pa kami ng sinabi. Napagiggle naman siya doon. "Ang galing mo talaga, Isla! Hahaha." Aniya. Natawa na lang ako ng mahina sa inasal niya.

"Hunting-in na ba natin si Yohann? Tara samahan kita." Biro ko sa kaniya. Agad na sumama ang mukha niya at nangibit-balikat pa. "This ain't about him you know so quit mentioning his filthy name." Pagtataray niya kaya natawa ako. Hindi pala ito about kay Yohann. My bad.

"Then who?" Muli ang may sumilay nanamang ngiti sa labi niya saka hinila ako papunta sa isang corner sa room. Wala na dito yung dalawa kasi nagpasama si Cybil kay Jeeya bumili ng gamot niya. Ibinalik ko ang tingin kay Florence nang nakakunot ang noo. "Ano ba kasi 'yun, Florence?"

"Eto na nga. Magm-meet kayo ngayon ni Kenneth." Masigla niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa dibdib ko. "A-ano!? Paano mo nasabe 'yan?" Usisa ko. Grabe namang manggulat 'tong kaibigan ko.

"Naalala mo ba yung nagpaparty tayo sa bahay ni tito Ryan? Nagkainuman kami at sinabi kong ipapakilala kita sa kaniya." Aniya. Ako naman itong hindi makapaniwala sa pinagsasasabi niya kaya kinurot ko siya sa braso. "Lintek, balak niyo talaga akong ipahamak ni Marky ano? Hindi, ayoko ko." Umismid siya.

"I thought you like him? You can't say no to me, right? And you really can't refuse na kasi hinihintay ka na niya sa park!" Napabuntong-hininga na lang ako sa nalaman ko. Anong gagawin ko? Hindi ako ready. Yes I've always dreamed na magmeet kaming dalawa pero..

"Pero Flo, I'm still not ready." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Isla, you've always waited for this, right? And if this is still not the right time, then when? How can you know when kung andiyan na nga pero ikaw na mismo ang umaayaw? Come on, wala namang mawawala kung susubukan mo." Gatong pa niya, napairap naman ako.

"Alam mo ang galing niyo rin no? What if I screw up? What if he doesn't like me? What if I'll get rejected? What if.." Tinikom niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"Trust fate, Isla. Trust yourself." Kinakabahan talaga ako ngayon, hindi ko alam kung ano ba ang tamang maramdaman sa mga oras na ito.

Palihim kami ni Florence na pumunta sa park. Nagtatago kami ngayon sa matataas na halaman at sumisilip nagbabakasakaling makita namin dito si Kenneth. Hindi na rin ako nakaayaw pa kasi ang kulit at ang galling mangumbinse ni Florence. Sarcastic ako dun. Pero 'di biro, pumayag na lang din ako. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

Bigla akong kinabahan nang mamataan ko siya sa 'di kalayuan. Nakaupo siya habang hawak ang cellphone at mukhang may hinihintay. Ako kaya? Hindi ko na sana sasabihin pa kay Florence na andito si Kenneth kaso natanaw na rin niya. "There is Kenneth!!" Marahas kong tinakpan ang bibig niya. Jusmiyo.

"What the actual fudge, Isla? Stop putting your hand on my mouth! Did you even put hand sanitizer on??" Reklamo niya pa kaya napairap ako. "Oo. Huwag ka kasi maingay, kaya nga tayo nagtatago 'di ba??" Depensa ko. Hinawakan niya ang kamay ko at balak nang lumabas kaya natirik ako sa kinatatayuan ko. "Lalabas na tayo?"

"Yes. Kaya tara na baka umalis pa siya." Hinila na niya ako palabas ng pinagtataguan namin. Unti-unti na kaming humahakbang papunta sa kaniya at bawat hakbang ay mas lumalapit na kami sa pwesto niya. Florence raised her hand, already aiming to convoke Kenneth's name kaso naputol nung biglang may lalaking lumapit sa kaniya.

"Uy dre, anong ginagawa mo dito? May katagpo ka?" Mala-chismosong usisa nung lalake. Inilagay na ni Kenneth ang cellphone sa bulsa niya and brushed his hair using his finger before he stood up.

"Wala. Mukhang hindi na darating." Sabi niya na ikinalungkot ko. Sinabayan niya na lang yung lalake maglakad papunta sa mga estudyanteng naglalaro ng volleyball. Naiwan naman kami ni Florence na dismayado.

"Sayang.."





THANKS FOR READING.

VOTE AND COMMENT

My Crazy SquadWhere stories live. Discover now