ONE

1.1K 25 2
                                    

"Bei, patulong naman dito. Ilalagay daw dun sa kabila sabi ni Jia." Ponggay said.

"Kaya mo na yan Pongs! Go!!!" Natatawa namang sabi ni Bea.

"Che! Sige na nga." And she rolled her eyes at Bea.

"Ikaw, Jhow? You need a hand with that?" Nagtinginan na naman ang apat. (Pongs, Maddie, Ella and Jia)

"Aba! Ji!! May favoritism ata dito! Bawal yaaaan!" Nagsusumbong na sigaw ni Maddie.

"Grabe naman kayo kay Bei. Pero okay lang ako, kaya ko naman. Ililipat lang naman eh. Ewan ko ba dito kay Ju at biglang gusto ata i-redecorate ang place namin."

Jia smirked. Passed Phase 1. Sa totoo lang, napagplanuhan ng apat ang "phases" where they can prove how Bea and Jho will react on certain situations. So far, both of them are doing well.

"Grabe naman 'to Ju! Nakakapagod magbuhat, maglipat, at magayos ng gamit dito sainyo ah."

"Eh bakit ka ba kasi pumunta dito Beatriz? Alam mo namang mag-aayos tayo tapos ngayon magrereklamo ka. Ewan ko sayo!" Sabat naman ni Ella na ngayon ay nakapamewang na.

"Gusto mong tubig? 'Lika nga! Punasan mo yang pawis mo. Wag ka papatuyo ng pawis ah?" Jho offered Bea a glass of water and a fresh towel.

"Kami Jho? Walang patubig o pa-towel man lang dyan?" Maddie said while laughing. "Magtatampo na talaga ako ah. Favoritism! Pwe!"

"Wag na tampo. Ako na lang mag-ooffer sayo." Jia said. "Tutal, ako rin naman may gustong mag rearrange ng mga gamit dito. Alam niyo yun, para may something naman."

"Something ka pang nalalaman dyan!" Bea said while sitting at the dining area.

"Oo nga kasi Ju. Ano ba kasing something yan?" Sabay ng malakas na tawa ni Ella. Natawa na rin lang si Ponggay at Maddie. Di naman ma-gets ni Jho at Bea kung ano yun.

"Ewan ko sainyo." Inirapan sila ni Jho. "Beibei, you wanna come sa room? Pahinga ka dun sa bed ko." Jho suggested.

"Ay iba! Pag si Bea, nagiging conyo ka na din ah! Akala ko ba ayaw mo ng conyo?" Jia smirked at Jho. Pinanlakihan naman siya ng mata nito.

"Hoy pa-issue ka! Wala naman akong sinabing ganyan." Her face kinda reddened a little.

"Really Jhow? Di mo naman sakin sinabi. I'll try not to be conyo na." Bea said sincerely.

This day exceeded Jia's expectations. "I don't think they need to pass all of our planned phases. Siguro we'll proceed with some para ma-confirm natin if may something nga. And we'll know what to do after." Sabi ni Jia kay Ella, Ponggay at Maddie habang nasa loob na ng kwarto si Jho at Bea.

"Oo nga. Akala ko nung una mahihirapan tayo pero parang eventually, lalabas talaga yung feelings eh. They may not know it pero it's there." Maddie added. "Kilala ko si Bea and I know na this one's different."

"Sana nga ma-realize din ni Jho eh. Para naman masaya! Ang hirap manuod ng ganto na one-sided lang." Natatawang sabi ni Ella.

Meanwhile sa kwarto...

"So Jhow, not really a fan of conyo people pala?" Nakakalokong sabi ni Bea.

"Ewan. Weird lang siguro. Naaartehan ako nung una eh. Kaso yung sabi ni Ju kanina, ewan ba! Baka nahahawa na ako sayo."

"So naaartehan ka sakin?" Bea said while she pouted.

"Uy wala akong sinabi ah! Tsaka di na siya issue ngayon. Palagi naman kitang nakakausap pero okay lang naman sakin." Jho hugged Bea. "Wag ka na magtampo beh."

Deal (Short Story)Where stories live. Discover now