LOL Chapter 8 : Kai please wag mo'kong iwan

271 18 12
                                    

( click nyo yung multimedia diyan para may background music naman )

Hindi ko magawang kumilos kaagad. Natatakot akong baka panaginip lang ulit ito. Tiningnan ko lang siya na parang nagtataka kung bakit siya nandito at panu niya nalaman na nandito ako. Pero sinagot niya lang ako ng isang malapad na ngiti. Gustuhin ko mang sagutin din siya ng ngiti ay ayaw naman kumilos ng katawan ko.

" Okay ka lang Hyung? Halika uwi na kita " - alala nitong sabi

Wala na akong ibang nagawa pa kundi tumango na lang. Ayun nga at inalalayan niya nga akong makalabas sa lugar na iyon at agad akong ipinasok sa loob ng kotse niya.

Parang sa panaginip ko lang eh. Ganito din ang nangyari dun. Kung ganun nga, iiwan at iiwan niya din ako pagkatapos niya akong ihatid sa bahay.

" Andito na tayo! " - siya

Pinagbuksan niya naman ako kaagad ng pinto at kinarga patungo sa loob ng bahay.

At nang nailapag na niya ako sa kama ay tumingin muna ito ng diretso sa mga mata ko. At duon ko napagtanto na may nangingilid na palang luha sa mga mata niya. Gayun pa man, hindi ako dapat magpa-apekto.

" Wag kang umiyak Hyung! Magpahinga ka na lang diyan! " - siya

Hindi ko na pala namalayan na umiiyak na din pala ako. Natatakot akong pagkatapos ng lahat ng ito ay iiwan na niya ako katulad ng nangyari sa panaginip ko.

Pinahiga niya naman ako sa kama habang nakaagap naman ang kamay niya sa ulo ko at agad na kinumutan.

Alam kong sa mga oras na ito ay iiwan na niya ako. At hindi na babalik pa! Duon naman talaga yun papunta eh. San pa ba?

" Sige magpahinga ka lang diyan Hyung! Good night! " - paalam nito

Ewan. Nalilhtgo ako. Ano ba talaga? Hahayaan ko lang ba siyang iwan ako? Iiwang nasasaktan. Pero wala akong lakas ng loob. Gustuhin ko mang pigilan siya at wag akong iwan ay ayaw namang sumunod ng katawan ko. Wala akong sapat na lakas para patawarin siya sa ginawa niya.

Hirap na hirap na din ako sa mga pinaggagawa ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ba talaga ang tama at mali.

Gayun pa man, hindi ko na lang namalayan na tumatakbo na pala ako para habulin siya kahit na hilong-hilo pa din ako at medyo malabo na ang mga paningin ko. Hinanap ko siya. Nilibot ko ang buong lugar. Nagbabakasakali na hindi pa siya nakakaalis ng tuluyan. Na hindi pa niya ako iniwan.

" Kai "

" Kai "

" Kai "

Malakas kong sigaw. Kahit na umuulan na. Agad naman akong napalingon sa may bandang kanan ko. Laking pasasalamat ko at nanduon nga ang kotse niya. Napangiti ako pero agad ring nawala dahil agad itong umandar paalis. Sinubukan ko siyang tawagin pero parang wala lang siya narinig.

Love OveR Lust [ KaiSoo ]Where stories live. Discover now