Special Chapter : Learning to Love (ChanBaek) (HunHan)

206 13 2
                                    

Chanyeol's Point of View

Dinala ko dito sa bahay si Baekhyun dahil bigla na lang siyang nahimatay. Hindi ko alam pero labis-labis an alala ko sa kanya nung mga oras na yun. Tarantang-taranta ako kung ano ba dapat ang gagawin ko. Takot na takot ako sa mga sandaling iyon.

Kumuha naman ako ng bimpo at agad na inilublob sa tubig at inilagay sa nuo niya.

" Patawarin mo'ko Baekhyun kung masyado ka ng nasasaktan sa mga nangyayari ngayon. Patawad din dahil nangyari to sayo. Sana ikaw na lang ang minahal ko. Sana magagawa ko pang mahalin ka. Pero ewan, mukang hindi na ata mawawala pa ang pagmamahal ko kay Kyungsoo. " - sambit ko

" Hhmmmm. "

" Baekhyun? Okay ka na ba? " - alala kong tanong sa kanya

" Medyo okay na ako. Salamat ah! " - siya

" Wala yun! Makakaya mo na bang tumayo? " - ako

Pinilit niya namang umupo pero parang hindi niya pa kayang bumangon kaya inalalayan ko na muna siya umupo sa kama.

" Sige uuwi nako Chanyeol baka kasi nakakaabala nako sayo. Salamat nalang " - siya at agad na tumayo

Matutumba na sana siya pero buti na lang at napigilan ko. Napahawak tuloy ako sa balikat niya.

Agad namang may parang kuryenteng dumaloy sa kamay ko nung hinawakan ko siya. Nagkatinginan naman kaming dalawa dahil dun. Hindi ko alam pero ba't parang kakaiba ang nararamdaman ko? Hindi ko magawang ipaliwanag kung ano at bakit.

" Sige una na ako. Kaya ko na talaga " - siya

Hinawakan ko naman agad ang kamay niya para pigilan siya at agad siyang hinalikan.

" No Chanyeol. Hindi pwedi to. Hindi mo dapat kailangan gawin to. Naaawa ka lang sakin kaya mo'to ginagawa " - siya

Naaawa nga lang ba talaga ako sa kanya?

" Oh diba? Hindi ka makasagot agad dahil tama ako? " - dagdag niya

" No Baek Sorry! Patawarin mo ko kung... " - ako

" I know " - siya

" Ha? Alam mo? " - gulat kong tanong

" Narinig ko kanina. At alam kong wala na talaga akong magagawa pa. Dahil wala na akong lugar diyan sa puso mo " - siya tas yumuko

" Kakayanin ko. Susubukan ko Baek! Susubukan kong mahalin ka ulit " - ako

Tinaas niya naman agad ang ulo niya. At gulat na gulat ang naging reaksyon ng mukha niya sa sinabi ko.

" Oo Baek! Susubukan ko. Tutulungan mo naman ako diba? Na ibalik ang pagmamahal ko sayo? At na ibalik ang dating tayo? " - nakangiti kong sabi

" Talaga Chan? Totoo ba'to? Kung ganun, oo Chanyeol. Tutulungan kita na mahalin ako ulit " - siya at agad akong niyakap

" Salamat at susubukan mo " - dagdag niya

" No. Salamat at tinggap mo pa din ako " - ako

At hinalikan ko naman siya pagkatapos nun. Matagal-tagal na din bago ko naramdaman ulit ang ganito. Ang makadama ng lubos na pagmamahal ng isang tao.

Sehun's Point of View

Bumibili ako ngayon ng prutas para kay Sir Luhan. Okay na daw siya ngayon. Daplis lang daw ang natamo mula sa pagkakabaril kaya hindi masyadong malala ang nangyari.

Papunta na ako ngayon sa Room kung saan siya nagpapagaling. Pero laking gulat ko nalang na wala na ito sa kama kung saan siya nakahiga kanina.

" Ahm Miss. Nasan po yung pasyente dito? " - tanong ko sa Nurse

" Lumabas po eh. Ewan ko po kung saan papunta " - sagot nung Nurse

" Ha? Ganun ba? " - ako

Agad naman akong lumabas sa kwarto at nagtanung-tanong. Hanggang sa napunta nga ako dito sa rooftop ng hospital. At nandito nga siya.

Agad ko naman itong pinigilan bago pa man ito gumawa ng kahit na ano.

" Bitiwan mo nga ako " - pagpupumilit niya

" Hindi Sir Luhan. Hindi kita bibitiwan. " - ako

" Bakit ba? Ano bang alam mo? Ano bang alam mo sa buhay ko? Di ba wala? Driver ka lang naman namin. Yun lang! Kaya pabayaan mo'ko kung ano ang gagawin ko dahil wala ka na dun! " - galit niyang sabi

" Oo nga't wala lang ako sayo pero ikaw Luhan! Mahalaga ka para sakin. Nasasaktan din ako pag nasasaktan ka, nagpapakamartyr, nagbubulagan at kapag lagi kang nalulungkot. Kahit nung una pa na naging Driver nyo ako ay gusto na kita. Hindi ko lang masabi kasi meron kang Kai. Gusto ko nga yung upakan eh kasi niloko ka niya nung nagbakasyon siya. " - ako

" Pero napagisip-isip ko na ano bang pakialam ko? Sino ba ako sayo? Eh Driver lang naman ako di ba? Pero masisisi mo ba ako Luhan? Na mahalin ka? " - dagdag ko

Gulat na gulat siya sa mga sinabi ko. Eh ako nga din eh hindi ko din alam kung saan ako humugot ng lakas para sabihin lahat ng yun sa kanya.

" Pero hindi kita mahal " - mahina niyang sabi

Yinakap ko naman siya pagkatapos niyang sabihin yun.

" Okay lang. Ang Importante ay mahal kita. Okay lang kung hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na iyon. Ikaw lang naman ang mahalaga sakin eh kahit na hindi mo magawang mahalin ako. Hindi ko naman kailangan ng kapalit sa pagmamahal ko sayo eh kaya sapat ka na para sakin " - nakangiti kong sagot sa kanya

Hinigpitan niya naman ang pagkakayakap niya sakin at agad na humagul-hol ng iyak ra mga bisig ko. Sa tingin ko naman na mas magiging okay na lang siguro kung ganito ang mangyayari. Mas nakakasiguro akong ligtas siya sa tabi ko.

Siya lang kasi ang tanging dahilan kung bakit ako gumigising ng maaga. Kung bakit ako ngumingiti sa bawat oras na tinititigan siya sa malayo at ang tanging taong nakapagpabuo ng buhay ko. Dahil alam ko na matutunan din niya akong mahalin. Balang Araw! At makakapaghintay ako sa tamang oras na iyon kung kinakailangan.

xxx

Yehet Epilogue na ang sunod na'to!!!

Love OveR Lust [ KaiSoo ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora