LOL Chapter 7 : Hyung! Kyungsoo Hyung!

258 16 2
                                    

"  Totoo ba? Ha Chanyeol? " - galit kong ulit

" Patawarin mo .......... " - siya

Hindi na niya nagawang tapusin pa ang sinasabi niya dahil inunahan ko no siya ng isang sampal. 

" Pagkatapos mo'kong lokohin? Nung una kay Baekhyun tapos ngayon naman? Na nakipagsabwatan ka kay Luhan nung gabing iyon na hinayaan mong inumin ko yung tubig na may pampatulog at na hinayaan mong magkagalit kami ni Kai? Para san Chanyeol? Para sayo ako kakapit? Ha! Chanyeol? Tapos ngayon patawad? Lakas din naman ng loob mo nuh? Nasan na ang konsyensya mo Chanyeol?  " -  ako na umiiyak na

" Please Kyungiie. Para din yun sayo " - siya na umiiyak na din

" Para sakin? Hindi Chanyeol! Ginawa mo yun para sa sarili mong kapakanan at hindi sakin kaya wag mo akong sisihin sa mga nangyari dahil naging makasarili ka. " - ako

" Please Soo, patawarin mo ko " - pagmamakaawa niya

" Mas mabuting lumayas ka na Chanyeol. Nagmamakaawa ako " - umiiyak kong sabi

Ayun nga at akmang aalis na nga siya at sumunod naman si Luhan.

" Luhan! " - mahina kong sabi

" Bakit? " - nakangiti nitong tanong

" Salamat at sinabi mo " - ako

" Naku, wala yun. Ikaw pa. Bestfriend kita eh! " - sarkastiko nitong sabi

" Sige. Una na'ko mukang ayaw pa kasing umalis ng nobyo mo. Sige Bye sa inyong dalawa. " - dagdag niya

At umalis na nga ng tuluyan si Luhan.

" Babalik ako! Kukunin kita pabalik sakin Kyungiee " - mahinang sambit nito

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Sapagkat ang tanging alam ko ngayon ay nasasaktan ako at galit na galit.  At umalis na din siya.

Hindi ko na lang nalaman na dinala na pala ako  ng mga paa ko papunta sa BAR. Kahit na hindi ko gawaing uminom ay kinaya ko. Eto lang kasi ang tanging alam kong paraan para makalimot at maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Paulit-ulit lang ako sa pag-inom sa loob. Hanggang sa nalasing na nga ako pero hindi ko yun alintana at uminom pa din ng uminom. Nanlalabo na rin ang mga paningin ko. At may konting hilo na din akong nararamdaman . At dinagdagan pa ng pagkaantok. Napasandal ako sa mesa ng iniinuman ko. Nang sandaling pinikit ko ang aking mga mata ay may biglang tumawag ng pangalan ko.

" Kyungsoo "

Pinakiramdaman kong mabuti kung tama ba ang dinig ko.

" Hyung! Kyungsoo Hyung! "

Kai? Siya ba talagaang tumatawag ng pangalan ko? Pinilit kong ibuka ang mga mata ko para makita kung siya nga ba talaga. At tama nga ako, siya nga! Papalapit siya ngayon sakin habang ang lapad-lapad ng ngiti. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Dapat ba akong Matuwa? Malungkot? Masaktan? O Mataranta?

Love OveR Lust [ KaiSoo ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora