LOL Chapter 6 : Luhan is Back!

265 16 4
                                    

Third Person's POV

Gayun pa man, hindi nagpaapekto si Kyungsoo dahil alam niyang hindi magagawa ni Chanyeol yun sa kanya. May tiwala siya sa nobyo nito. Pero napagisip-isip niya, panu kaya kung oo? Na totoo ngang niloloko siya nito? Na totoong boyfriend niya yung Byun Baekhyun na yun? Hindi magawang mapakali ni Kyungsoo sapagkat ayaw na niyang masaktan pa. Ayam na niyang danasin ulit ang nangyari sa kanya nuon. Kaya naman napagpasyahan niyang tanungin nalang ito pagkagising at pagkagising nito.

Hanggang sa nagising na nga ito at kasalukuyang naglalakad pababa galing sa kwarto. Hindi na nga siya nag-atubili pa at agad itong tinanong tungkol duon. Pero natatakot siya, natatakot siya na baka totoo nga yun, na niloloko nga siya nito.

" Ahhmmm. Channiee. May itatanong lang sana ako " - Kyungsoo

" Ha? Tungkol naman san? " - tanong naman ni Chanyeol

" May kilala ka bang Byun Baekhyun? " - direktang tanong ni Kyungsoo

Natigilan si Chanyeol sa naging tanong ng Kyungie niya sa kanya. Hindi niya inakalang maririnig niya naman ulit ang pangalang yun. Ang pangalang iniyakan niya nuon. Ang pangalang minahal niya nuon. At higit sa lahat ay ang pangalang nang-iwan sa kanya.

* FLASHBACK *

Nagising na lang si Chanyeol sa bahay niya na wala na ang nobyo sa tabi niya. Hinanap niya ito sa buong bahay pero wala talaga. Walang bakas galing kay Byun Baekhyun.

Sinubukan niyang hanapin ito sa Park. Dun kasi ang lugar na lagi nilang pinupuntahan.

Pero wala pa din. Iniip ni Chanyeol kung may nagawa ba siyang malit at umalis ito ng walang pasabi at hindi na bumalik pa. Pero nandiyan si Kyungsoo para i-comfort siya. Hindi naglaon ay naging magbestfriend sila at nagawa na ring mag move on ni Chanyeol na siya ring dahilan kung bakit nabaling ang pagmamahal ni Chanyeol kay Baekhyun patungo kay Kyungsoo. Ngunit hindi niya ito masabi-sabi sa bestfriend niya kasi nga natatakot ito na sa bandang huli ay uuwi na naman siyang luhaan.

 * END OF FLASHBACK *

Tumango naman si Chanyeol bilang sagot sa tanong ng nobyo niya na nakayuko.

" Kung ganun. Boyfriend mo nga siya ! " - galit na sambit ni Kyungsoo

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad na tumakbo si Kyungsoo sa kwarto niya. Iniwan niyang nakayuko pa rin si Chanyeol sa baba.

D.O's Point of View

Hindi ako makapaniwalang totoo nga. Na niloloko nga siya nito. Na nasaktan na naman siya ulit. Naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sakin sa likod. Ang init ng mga yakap niya. Bago ko pa nagawang pumiglas sa yakap niya ay bigla itong nagsalita.

" Please Kyungiee. Patawarin mo'ko. Ikaw lang ang mahal ko. At wala ng iba pa " - malambing nitong sabi

" Kung ganun bakit mo nagawan lokohin ako ha? Chanyeol? Bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa inyo ni Baekhyun ha? Mahal? Yan ba ang nagagawa ng pagmamahal mo? " - galit kong sabi

Bigla niya naman akong hinarap sa kanya at agad na sinunggaban ng halik, sa LABI! Kahit na ayaw kong sagutin ang mga halik niya ay nagawa ko pa rin. Parati naman eh.

Alam mo yung pakiramdam ng isang halik na puno ng pagmamahal? Yun ang halik na nagpapawala ng galit ko.

" Please mag-paliwanag ka! " - ako

Ayun nga at nagpaliwanag nga ito. Dun ko lang nalaman na yun pala ang dahilan nung araw na ki-nomfort ko siya sa Park.

" So okay na? Pinapatawad mo na ako? " - siya

" Oo na! At tsaka sorry! " - ako

" Wag kang magsorry. Kahit I LOVE YOU lang na galing sayo mapapatawad na kita agad-agad " - siya

" Pero mahal mo pa rin naman ako diba? Kahit bumalik na siya? " - ako

" Oo naman nuh. Ikaw lang mamahalin ko habang buhay Kyungie " - nakangiti nitong sabi

Yinakap ko naman siya ng napakahigpit dahil sa sagot niya. Dahil ako pa rin ang pinili niya.

" I love you Kyungiee " - siya

" I love you too Channiee " - ako

Bumalik na kami sa sala para ipagluto siya ng hapunan. Gumagabi na din kasi. Pero nang sandaling nandun na kami sa sala ay bigla niya akong hinila at sinalubong ng isang halik. Ba't ba lagi siyang namimigla at agad na nanghahalik? May topak ba'to?

Pero okay na rin, gusto ko naman eh.

" Ooohhh Helloooo ! Mukang wrong timing ata dating ko dito ah! "

Agad naman kaming natigilan ni Chanyeol sa paghahalikan dahil sa biglang nagsalita.

" Luhan? " - gulat kong sabi

" Haha. Ako nga! Buti naman at kilala niyo pa din ako " - siya

" Ano na naman ba ang kailangan mo ha? Luhan? " - ako

" Wala naman. Pumunta lang ako dito para bumisita at kumustahin din kayong dalawa " - sagot niya

" Hindi niyo na lang ba ako babatiin? Kukumustahin o pauupuin man lang? " - patuloy nito

Bago pa man ako makapagsalita ay umupo na ito agad sa sofa.

" Pwede ba Luhan. Kilala kita ! Alam kong hindi ka lang pumunta dito para bumisita at kamustahin lang kami. Ano ba talaga ang pinunta mo dita ha? " - ako na galit-galit pa rin

" Wag ka ngang magmadali Soo. Ikaw talaga. Gustuhin ko mang sabihin pero mukang mas maganda yata kung sakanya mo malalaman " - siya

" Sa kanya? Sino? " - ako

" Eh sino pa ba? Edi yang kasama slash nobyo mo " - siya

Kitang-kita ko na gulat na gulat din si Chanyeol sa sinabi ni Luhan pero agad naman itong napalitan ng galit.

" Pwede ba Luhan. Umalis ka na! Wag ka ng mang-gulo pa! " - galit na sambit ni Chanyeol

" Ano ba talaga ha? Ano ba ang dapat kung malaman? " - ako na nalilito na talaga

Agad akong nanlumo dahil sa sinabi ni Luhan. Tama ba ako ng dinig? May namumuo ng luha sa mga mata ko. Sinubukan kong linungin si Chanyeol. Malungkot din ang mukha nito at may nangingilid ding mga luha sa mga mata niya.

" Totoo ba? Ha Chanyeol? " - ako na umiiyak na

Hindi ko alam. Ang sakit sakit na. Ba't ba lagi nalang akong nasasaktan, naloloko at pinagkakitaan ng tadhana? Talaga bang wala na akong karapatang sumaya? Tumawa? At maging mapayapa? Talaga bang wala na?

Leave Comments

Leave Vote

And

Be A Fan

( Sorry guys kung mas mataas ang sequel na'to kesa sa prequel nito. Wahahaha! I'm now accepting any DEDICATIONS! Just pm me or comment. And keep on supporting. Thank you guys. Saranghae <3 :)))) )

Love OveR Lust [ KaiSoo ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora