LOL Chapter 9 : Noooooo Kaaaaiiii !!!!

237 13 3
                                    

Gulat na gulat ako sa lalaking kasama ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking kasama ko kagabi ay hindi si Kai kundi ang lalaking ito. Ang walang hiyang si Chanyeol!

Pinatid ko siya habang natutulog. Nilinlang ako ng walang-hiyang taong to. Bwiset talaga!

" Umalis ka dito sa bagay ko. " - ako

Napadilat naman ito at nahulog sa kama at agad ding tumayo.

" Please Hyung! I'm sorry hindi ko talaga intensyong... " - siya

" Hyung? Hindi mo'ko Hyung! Bwiset! " -galit kong sabi

" Patawarin mo'ko Soo " - pagmamakaawa niya

" Labas! Ang kapal din ng mukha mo nuh? At nagpanggap kang si Kai? Lumayas ka! Ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mo dito " - galit kong sigaw

Wala na nga siyang iba pang nagawa at umalis na nga. Napakawalang-hiya talaga ng taong yun. Nakakainis talaga. Naloko na niya naman ako.

Mas minabuti ko na lang na kalimutan na lang yung nangyari. Wala naman akong makukuha kung ganito na lang lagi ang gagawin ko eh.

Nagluto na lang ako ng makakain since nagugutom na din ako. Kinain ko naman ang niluto ko ng mag-isa. Pagkatapos ay nanuod ng T.V. ng mag-isa. Ang hirap pala pag wala kang kasama. Parang ang boring-boring ng buhay.

*TOK* *TOK*

" Sino na naman kaya ito? ". Tanong ko sa sarili ko at agad na nagtungo sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay agad namang iniluwa nun ang maamong mukha ni Kai.

" Hyung? " - siya

" Pasok ka " - walang reaksyon kong sabi

Nakatalikod ako ngayon sa kanya patungo sa sala. Kinakabahan ako. Pero ba't parang hindi ako nakaramdam ng sakit nung nakita ko siya? Wala na ba talaga?

" Hyung? " - tawag niya

" Bakit? " - ako sabay harap sa kanya

" Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? " - siya

Tinitigan ko ang mga mata niya. Alam kong nasasaktan siya. Nalulungkot at nahihirapan. Pero napatawad ko na ba talaga siya? Sa ginawa niya sakin nuon? Sa panloloko? Sa pagtataksil? Napatawad ko na ba talaga siya?

" Hindi Kai. Hindi pa kita pinapatawad " - ako

Alam ko sa sarili ko na anu mang oras ay tutulo at tutulo ang mga luha ko. Kahit na andami ko ng naiyak na luha ng dahil sa kanya ay hindi pa rin maubos-ubos.

" Pero Hyung! " - siya

" Bakit ba? Ano ba talaga? Inaakala mo pa bang mapapatawad pa kita sa ginawa mo nuon? Hindi Kai! At tsaka pwede ba, tapusin na natin to! " - galit kong sabi

" Please Hyung! Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako! Please~ " - siya na may namumuo ng luha sa mga mata niya

" Wala ka ng magagawa pa Kai. I had enough. Sapat na ang lahat ng sakit na dinanas ko. Wala ka ng magagawa pa! " - ako

Kinuha niya naman agad ang kamay ko.

" Pero mahala na mahal kita Hyung! Mahal mo din naman ako di ba? Di ba Hyung? Mahal mo pa'ko? " - siya

Mahal ko pa ba talaga siya? Kinuha ko naman ang kamay ko sa pagkakahawak niya at agad na tumalikod.

" No Kai. I don't love you anymore. At hinding-hindi na kita mamahalin pa. " - mangiyak-ngiyak kong sabi

Unti-unti namang tumulo ang mga luha ko pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

" No Hyung! I don't believe you. I know! I know you still love me " - siya

Palihim ko namang pinunasan ang mga luha ko at agad siyang hinarap.

" Sige panalo ka na. Tama ka, mahal pa nga kita " - sarkastiko kong sagot

" Pero hindi ibig sabihin na.... " - ako

Hindi ko agad natapos ang sinasabi ko dahil agad niyang tinakpan ng daliri niya ang bibig ko.

" Tama na. Yan lang ang gusto kong marinig Hyung. Wag mo ng dagdagan pa " - siya

Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya na akong hinalikan ng mariin. Kahit na anong gawin kong pagtulak sa kanya ay ayaw niya pa ring tumigil.

Sinusuntok-suntok ko naman siya sa dibdib at sa balikat niya habang siya naman ay nakahawak sa pisngi ko para hindi ako makalayo.

Nasasaktan na talaga ako sa mga halik niya at sa higpit ng pagkakahawak niya sa dalawang pisngi ko. At isa lang ang naiisip kong paraan para bitiwan niya ako.

Hindi na ako nanlaban pa sa kanya at sumabay na din ako sa mga halik niya nang sa ganun ay hindi na niya hihigpitan ang pagkakahawak niya sakin.

At nang sa ganun ay madali na akong makawala sa kanya.

Mukang gumagana naman ang plano ko dahil hindi na niya masyadong hinihigpitan ang pagkakahawak niya sakin pero laking gulat ko na itinulak niya ako papunta sa sofa at natumba kami pareho at napahiga na naghahalikan pa rin.

" Ohh Geeezzzzzz. Ba't ba laging wrong timing ang dating ko sa bahay na'to? Sorry sa abala ha! "

Agad naman kaming natigilan ni Kai dahil sa biglang nagsalita. Tumayo naman kami agad ni Kai.

" Pwede ba Luhan. Pabayaan mo na kami. " - galit na sambit ni Kai

" Pabayaan? Bakit? Pinapabayaan ko naman kayo ah! " - Luhan

Akmang pupuntahan sana ni Kai si Luhan pero agad naman itong natigilan dahil naglabas ng baril si Luhan.

" Sige. Subukan mong lumapit sakin at hindi ako magdadalawang-isip na kalabitin itong baril. Sige subukan mo! " - Luhan sabay tuon ng baril kay Kai.

Lumapit naman si Kai sakin na parang pinoprotektahan ako. Tinago niya kasi ako sa likod niya. Napahagul-hol tuloy ako sa pag-iyak dahil sa takot.

" Please Luhan wag mong gawin to. Maawa ka " - Kai

" Maawa? Haha. Nagpapatawa ka ba? " - ako

Linapitan naman agad ni Kai si Luhan at inagaw ang baril sa kanya. Nag-aagawan sila ngayon sa baril habang ako naman ay iyak lang ng iyak.

" Tigilan niyo na ito, please! " - ako

* BANG * ( sorry sa epic na sound effect. ^.^ )

.

.

.

.

.

.

.

.

" Noooooo KAAAAIIII "

.

.

.

.

.

Leave VOTE

Leave COMMENTS

and

Be a FAN

" Keep supporting guys! Last 1 Chap na lang at Epilogue na. Thank you Guys. Saranghae <3 " - Kyungbeh

Love OveR Lust [ KaiSoo ]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant