"Sorry Brianna..." nakayukong sabi ni Mirko sa kanya nang malaman nitong isang buwang buntis ang girlfriend nitong si Brianna.
"Ha?" parang nabinging tanong naman nito sa lalake.
"Abort that child. See? Bata pa ako. Masisira lahat ng pangarap ng mga magulang ko para sa akin kapag ipinagpatuloy mo 'yang pagbubuntis mo." paninising sabi sa kanya ng lalake na parang sinusumbat siya nito kung bakit siya nabuntis.
'Bakit? Ako lang ba ang gumawa nito?!' gigil na isip ng babae.
"Wow naman Mirko! Nice! Bakit ikaw lang ba ang bata pa sa sitwasyon na 'to?! Pasensya na sa istorbo ah. Hayaan mo hindi na ako mangugulo sa iyo. Kami ng ANAK KO" galit na galit at puno ng panggigigil na sumbat ni Brianna sa boyfriend nitong si Mirko ---- na mas mabuting sabihin na Ex-boyfriend niya dahil kasabay ng pagtalikod nito sa responsibilidad nito ay ang pagtatapos ng pagiging boyfriend nito kay Brianna.
Umiiyak siyang umalis habang haplos nito ang tiyan na may lamang munting anghel na magiging buhay niya umpisa ngayon.
After months..
Sa loob ng delivery room kasama ang yaya nito mula pagkabata..
"Yaya ! Ang sakit sakit na po talaga!" sigaw nito dala ng sakit ng tiyan nito dahil manganganak na siya...
"Sandali na lang iyan hija.Kaya mo iyan. E-ire mo lang..." pangungumbinsi pa nito sa kanya.
Agad naman niya itong sinunod at isinigaw ang pag-ire niya. Punong puno na nang pawis ang pagmumukha niya at feeling niya hindi na niya kinakaya pa ang mga nangyayari.
"AAAAHHHHHHH." matinis na pag-iire niya.
"Sige lang po misis kaya niyo po 'yan. I-ire niyo lang po." utos muli ng doctor na nagpapaanak sa kanya.
"AAAAAH ! Punyeta ! Miss lang po wag po misis nap-pressure po ako." naiinis niyang sagot sa doctor na tumawag sa kanya nang 'Misis' bago muli humugot ng hininga para umire.
"AAAAAHH! " ire niya muli na may kasamang dasal na sana mailabas na niya ang anak niya na ligtas. Ilang sandali pagkatapos ng ire niya ay nakarinig siya ng matining na iyak ng isang sanggol.
My baby....
Napangiti siya nang ilapit ito sa kanya ng doctor at ipatong sa kanyang dibdib na patuloy pa rin sa pag-iyak...
Maluha luha siyang tinignan ang umiiyak niyang anak at sa huli hindi na niya napigilang ngumiti habang wini-welcome ang anak sa mundong ibabaw.
Welcome to the world My Acey....
BINABASA MO ANG
My Eighteen Year Old Mommy
General FictionSometimes life can get turned upside down. Swerte mo kapag meron kang masasandalan. Someone that always be there for you, someone who will never leave your side no matter what happen. But what will you do if that happens to you? And worst scenario...