Chapter Four

70.9K 1.2K 60
                                    

Brinna's POV


"Brianna !"

"Brianna !"



"Acey !"

Fudge! Panaginip lang pala. Buti naman. 


Napalingon naman ako kay Emma. 

"Mukhang nagulo ko ang tulog mo pero binabangungot ka ata. ." birong sabi ng katrabaho ko.

"Oo, salamat. Ang pangit pa naman ng panaginip ko." tapik ko sa balikat nito saka ngumiti. 

Nakaidlip kasi ako saglit sa pantry namin. Hindi ko namalayan nakatulog ako after ko magpalit ng damit. Katatapos lang kasi ng event namin at pwede na umuwi kaso naisipan kong pumikit saglit sa mesa kaso natuloy na nga sa isang idlip. 


"Mukhang puyat na puyat ka ah." puna nito. Dahil siguro sa pangi-ngitim ng ilalim ng mga mata ko. Napuyat kasi ako kababantay kay Acey dahil halos putol-putol ang tulog nito. 

"At sino naman si Acey?" dagdag usisa niya. 

Umiling-iling na lamang ako saka ngumiti. 

"Wala 'yon. Meron kasi akong horror na napanuod kagabi. Pangalan lang 'yon ng bida." sagot ko saka tumayo. 

"Bakit hindi ka pa pala umuuwi, kanina ka pa dapat ah." pansin pa muli nito. 


"Brianna." tawag sakin ni Kevin, manliligaw ko. Hinahatid niya kasi ako kapag may trabaho. Siya naman ang nagpupumilit kaya pumapayag nalang ako pero minsan ayaw ko namang umabuso kaya dinadala ko ang sasakyan ko. 

"Nandito na pala ang sundo mo." pangungutya sa amin ng iba naming katrabaho. 

"Tara na?" yaya ko rito saka lalapit na sana nang may humaklit sa braso ko. 

"Ako ang maghahatid sa'yo." sabi nito habang nakatingin sa mata ko. Seryoso at madilim nitong tingin na ikinatayo ng balahibo ko. 

Nairita naman ako sa taglay nitong angas na wala sa lugar. Sino ba siya para magsalita ng ganito?

"Bitiwan mo po ako, Sir. Si Kevin po ang maghahatid sa akin." pilit kong bumibitaw sa pagkakahawak niya. 

"Ah, Brianna --- about 'don nga pala sana ang pinunta ko rito." nahihiyang singit ni Kevin.

Nag-aalangan pa ito kung sasabihin ba nito o hindi. 

"See? Ihahatid ako po ako ni Kevin kaya pwede bang bitiwan niyo po ako." mahinang gigil sa saway ko sa kanya. 

"Bitiwan mo 'ko." ulit ko pa rito pero ngisi lamang ang sagot nito.   

"Kasi Brianna, hindi kita maihahatid ngayon. May family dinner pala kami tonight. Sorry." puno ng sinseridad na sabi ni Kevin. Napatigil naman ako sa pagbaklas ng malabakal na kamay ni Mirko sa braso ko. Mahirap siyang tanggalin pero hindi nakakasakit. 

"Hala ka Kevin, minus pogi points iyan kay Brianna" pananakot pa ng katrabaho naming na kapapasok lamang.

"Sorry talaga, Bree. At maiwan ko muna kayo kasi nagmamadali na talaga ang parents ko." ligalig na paalam nito saka tumatakbong umalik. Shit! Kevin bakit ngayon pa !

Ngayon pang may hinayupak na gustong-gusto akong ihatid na parang wala lang ang nakaraan namin. 


My Eighteen Year Old MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon