Kasalukuyan kami ni Acey nasa sala ng unit namin. Nilalaro ko kasi siya at tinuturuan na ring maglakad. At itong baby ko naman ay tuwang tuwa tuwing itatayo ko tapos babagsak naman muli.
"Come on, baby. You can do it." sabi ko sa kanya saka siya inalalayan maglakad lakad.
At maya maya ay nagsimula na siyang magstep.
"Good girl ah." papuri ko sa kanya saka siya binuhat at pinanggigilan at ikinahagikgik niya uli.
Inupo ko muna siya sa rubbermat niya pero wala pang limning segundo ay agad siyang dumapa at gumapang papalapit sa sofa at tumawa habang nakatingin sa akin.
Mukhang excited na ang baby ko maglakad.
Don't grow up too fast baby...
Nang tumayo mula sa sofa si Acey ay agad ko siyang inabangan na baka matumba peromukhang pursigido talaga ang anak ko kaya she tried walking without me dire-diretso naman siya papalapit s akin pero nung sobrang lapit na I scooped her that makes her laugh.
"Pagod na ba ang baby ko?" tanong ko rito.
Pero mukhang naiintindihan na ako ng baby ko because she keeps on shaking her head like she's saying no to me.
"Asus. In denial pa ang baby ko. Tara papakain muna nga kita." sabi ko nalang rito saka dinala sa kusina at nilagay siya sa highchair niya para pakainin.
Nagmimis-en-place na ako ng mga gagamitin ko para sa lulutuin ko ng marinig ko ang mga kasamahan ko na nagki-kwentuhan.
"Uy bes. Balita ko may papalit na raw kay Chef Kris ah. At bali-bali na rin na lalaki raw ang papalit. Omg. Sana pogi rin." pigil na pagtitili kwento nito sa kasamahan namin.
"Oh my ! Oo nga at sana wala pang asawa." tili namang sagot ni Emma, isa sa mga kasama ko rito sa trabaho.
Babae kasi si Chef Kris kaya todo tili ang mga kasama ko at asa na sana ay gwapo at wala pang asawa, karamihan kasi sa amin dito sa restaurant ay babae at bilang lang ang mga lalaki. Ililipat na kasi sa ibang branch si Chef Kris kaya papalitan na siya para balance pa rin ang work namin.
If ganun nga ang paparating na bagong Chef namin rito sa resto sana ay makapagtrabaho pa ng maayos ang mga kasama ko.
Nang mag-uwian na ay pinatawag kami sa VIP hall para pagmeetingan ang bagong dating na chef for tomorrow kaya close kami sa morning. Ipapakilala raw kasi kami nito kaya magkakaroon ng welcome party in the afternoon bukas at after ng meeting namin ay agad na rin kaming pinauwi.
Pagkauwi ko ay agad ko naabutan si Vina na binabantayan si Acey sa sala habang nanunuod ng cartoons sa TV.
"Hello baby.." batik o rito saka hinalikan sa pisngi hinawakan naman agad nito ang mukha ko and looked at me while murmuring 'mama'.
"Aw. Marunong na mangilala ang baby ko.Wait lang ha. Shower muna si mommy ah pawis eh." paalam ko muna rito saka pumasok sa loob ng kwarto at nagshower.
Habang nasa shower ako naalala ko ang event na mangyayari bukas pero hindi ko nalang maintindihan ang sarili ko dahil bigla nalang ako kinabahan. Agad naman akong umiling iling para pawiin ang nasa utak ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko silang patapos na ang pinapanuod kaya agad akong silang nilapitan.
"Tara na, kain tayo." yaya ko kay Vina after ko buhatin si Acey.
BINABASA MO ANG
My Eighteen Year Old Mommy
General FictionSometimes life can get turned upside down. Swerte mo kapag meron kang masasandalan. Someone that always be there for you, someone who will never leave your side no matter what happen. But what will you do if that happens to you? And worst scenario...