Chapter Three

72.9K 1.3K 64
                                    

Brianna's POV

Nandito na ako sa trabaho ko. At naghihiwa na ako ng tinawag ako ng isa sa mga kasamahan ko.

"Brianna, tawag ka dun sa office ipapakilala daw kasi sayo yung bagong chef." sabi ng kasamahan ko.

"Ah okay." simpleng sagot ko. 

Pero bago ako makaalis.

"Hala kainis! Brianna ang swerte mo harapan mo pa siya makikilala dapat pala nag-absent nalang din ako." tili-tiling sabi niya habang nahawak sa magkabilang pisngi. Napangiti nalang ako ng makita ko siyang mamula.

"Okay lang iyan" nakangiting tapik ko sa kanya.

" Sige Brianna, punta ka na 'don i-hi mo nalang ako kay Chef" sabi niya pa saka ako tinulak paalis saka kumindat.

Pagkatapos 'non pumunta na ako sa office pero kumatok muna ako, syempre bawal bastos dito.

"Come in" rinig kong sabi mula sa loob.

Ayan pinapasok na ako ng head namin.

"Ma'am, pinatawag ninyo daw po ako?" tanong ko rito.

"Yes. Dahil bigla kang nawala sa party. Bakit ka nga ba biglang nawala?" usisa pa nitong tanong.

Nag-aalangan pa ako kung anong sasabihin ko kay Ma'am. 

"May dinala lang po ako sa ospital." palusot kong sabi.

"Sino ba?" 

Ang chismosa naman ni Ma'am. Hindi naman 'yon ang sadya ko dito ah. 

"Ah eh Ma'am. Ipakilala ninyo nalang po 'yong bagong chef natin." nakita ko kasi siya nakatalikod ang upo habang ako ay nasa likod ng upuan niya.

"Oh. Ms. Uy, I would like you to meet our new chef Mr. Mariano."

Mariano? Wa-wait lang ha? Hindi naman siguro ito 'yong lalaking naiisip ko. 

Hindi maabsorb ng utak ko ang apelyido ng ipapakilala sa akin. Pero 'nung tignan ko ang lalaking lumingon sa akin saka tumayo at marahang ngumiti pa ay halos himatayin na ako.

"Hi Brianna." nakakalokong ngiti nito na parang ang sarap lagariin. 

Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan ko siya.

Siya nga!

Si Mirko nga! Ang hinayupak at hayop na ama ng anak ko. Sa dinami-dami naman ng pwede kong makatrabaho siya pa. Bakit siya?!

Oo nga pala. Nakalimutan ko parehas kaming kumuha ng Culinary course. Iyon kasi ang gusto niya magkasama kami pag nagtrabaho na daw kami. Yuck.

Mahal na mahal kasi namin ang isa't isa kaya hindi kami mapaghiwalay. NOON. WOW as in WOW talaga. Kadiri talaga.

"Oh. Ikaw po pa ang bagong chef dito. Nice to meet you, Sir." patay malisyang bati ko sa kanya na ikinakunot noo nito. 

"Maa'm iyon lang po ba ang sasabihin ninyo? Pwede na po ba akong bumalik sa trabaho ko?" tanong ko sa head namin.

"Yes, Ms Uy. Makakabalik ka na sa trabaho mo. Ikaw rin, Chef Mirko.." sabi samin ni head kaya nagmadali akong lumakad palabas.


Punyeta! Hindi na ata matatahimik ang buhay ko mula ngayon. 

"Brianna.." tawag pa nito sakin, lumingon ako.

"Bakit po, Chef Mirko?" ganyan nga Brianna, tama 'yang umarte ka na parang hindi mo siya 'Ex'. Yuck, ang sagwa talaga. 

"Magkatrabaho na tayo !" masayang sabi niya pa habang hawak 'yong mga balikat ko.

Unti-unti ko namang kinalas ang hawak nito sa akin saka walang emosyon na tumingin sa kanya. 

"Oh? Bakit anong masaya doon? May dapat ba akong ikasaya na magiging katrabaho na kita?" malamig kong sabi sa kanya pero bigla na naman umiba yung expression niya kung kanina masaya ngayon malungkot.

"Oo, diba. Brianna sabi ko noon gusto kitang makasama kapag nagtrabaho tayo kaya heto chef na rin ako." nakangiting sabi niya pa.

"Oh? Pero Chef ikaw na rin ang may sabi NOON, dati na iyon at marami nang nag-iba ngayon. Wala na iyon Chef. Tapos na iyon. Lahat iyon tinapos na natin."

"Please Brianna, give me another chance. Naipit lang naman ako noon sa sitwasyon mo dati eh. I'm begging you please." pagsusumamo niya pa.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dumiretso sa kitchen namin at nagtrabaho.


Nandito na ako sa bahay nilalaro ko ang baby ko na nasa walker niya.Tuwang-tuwa naman ito dahil nakakapaglakad at nakakalibot siya sa bahay.

Hahagikgik ito saka lalayo sa akin at magtatago na akala mo hindi madaling makita. 

Nilapitan ko siya at pinunasan 'yong pawis niya, sige kasi katakbo kaya ayan tuloy.

"Hmm. Bango pa rin baby ah. Halika muna at kargahin ka muna ni mommy papalitan kita ng damit ha." kinakausap ko siya pero panay lang ang tingin sakin, sabay ngi-ngiti at magtatakip ng mukha. Jusko ikakamatay ko ata ang kacute-an ng baby ko. Mana sa nanay.

Pagkatapos ko siyang palitan ng damit nilagay ko ulit siya sa walker niya at muling nag-iikot ikot na naman siya sa sala. Iniligpit ko naman ang mga gamit na pwede niyang mahablot at ikakapahamak niya. 


Nagluluto na ako ng uulamin ko kahit mag-isa lang ako. 

Maya-maya naramdaman kong may yumakap sakin sa likod. Dahilan para magtayuan ang lahat ng mga balahibo ko. 

"Mukhang masarap 'yang niluluto mo ah." narinig kong bulong niya sa kaliwang tenga ko.

Nanlalaking mata na humarap ako sa kanya.

"Paano ka nakapasok dito?!!" hindi ko maiwasang sigaw ko dito.

Tangina! 

Sa halip na magulat ito para pa itong baliw na ngumiti lang saka nagsalita.

"Remember sa aming building 'to kaya madali lang maka-access ng unit dito." ngisi niyang sabi.

"Hoy! Hindi pa rin iyon pwede na kahit sa inyo ito, may kanya-kanya tayong privacy kaya labag sa batas ang pagpasok mo sa hindi mo pagmamay-ari. Labas ! Trespassing ka !" nangagalaiti kong sigaw sa kanya.

Bigla naman ako namutla nang maalala ko na nandito rin nga pala si Acey ! Ang anak ko !

Tinulak ko siya sa palabas ng pinto dahil nasa sala lang si acey malamang pwedeng lumabas iyon.

Ano naman kayang pinagkakaguluhan ng batang iyon.Pero buti nalang at hindi siya lumalabas.

Pilit ko pa rin siyang pinagtutulakan pero para lang akong tumutulak ng pader na sementado na hindi mo basta basta mapapatumba.

"Labas hindi ka pwede dito." pagpupumilit ko pa.

"At bakit?" natatakang tanong niya.

"Ano ba Mirko ! Sinabing lumabas ka na! " naiinis na talaga ako.

Tapos tinulak tulak ko siya ulit, mas malakas na this time. Pero hindi pa rin siya umalis. Sakto namang paglabas ng walker na sakay si baby Acey na humahagikgik na parang hinahabol.

Humahagikgik itong papunta sa direksyon namin. 

"Da-da!" parang nakaramdam ito ng presence ng tatay niya kaya lumabas, lumapit pa ito kay Mirko.

Para namang nabato si Mirko sa kinatatayuan niya.

Patay.

"..Brianna." narinig ko pang usal nito.

My Eighteen Year Old MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon