Chapter Five

74.3K 1.2K 113
                                    


Tinignan ko muna si Acey. Natawa nalang ako sa kalat ng chocolate sa bibig niya at mga naglaglagan sa damit niya. 

"Wait baby, stay muna ah."

Hindi ko muna napunasan dahil mukhang naiinip ang nasa likod ng pinto kaya binuksan ko na iyong pinto. 

"Brianna, naiwan mo pala itong -----" Wait, Mirko?!

Halos mamutla ako nang makita ko si Mirko na nasa labas ng pinto ko. 

Unang pumasok sa isip ko si Acey. 


Agad na lumingon ako sa anak ko saka kay Mirko. 

Fuck, mag-ama nga sila. Pagtingin ko kasi rito nakangisi ito na parang nakaramdam na nandito ang tatay niya. 

"Da-da!" sigaw ni Acey saka itinaas ang pagkain nito. 

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at parang ito nalang ang naririnig ko sa mga oras na 'yon. 

"Ah sige akin na. Pwede ka nang umuwi." natatarantang sabi ko saka ko kinuha ang box at 'nong isasara ko na iyong pinto. Biglang hinarangan ni Mirko ito ng kamay na muntik ko nang maipit. 

"Brianna !" pigil nito. 

"What?!" sigaw ko sa kanya. 

"M-May kasama ka dyan?" kinakabang tanong nito.

"W-Wala!"  sigaw ko muli rito. 

"Umalis ka na. Wala ka namang nakalimutan rito kaya pwede ka nang umuwi." sabi ko saka isasara na sana ulit ang pinto ng harangan niya ulit ito. This time pumasok na siya at hindi ko na siya napigilan pa.

Nanlalaki na nanubig ang mata nito habang nakatingin kay Acey na halos isang dipa lamang ang layo sa kanya. Agad namang lumapit si Acey sa kanya habang itininataas ang pagkain nito para ipamahagi sa ama. 

"S-Siya na ba 'to?" mahinang tanong nito. Tila nahihirapan itong magsalita dahil sa labis na emosyon.

"W-What?" pagmamaang maangan kong tanong sa kanya.

"Si-siya na ba iyong anak natin?" tanong niya ulit.

Hindi ako sumagot kaya naman muli itong nagsalita.

"Alam ko Brianna sa akin siya, ramdam ko. Please Brianna patawarin mo na ako. Hayaan mo akong maging tatay ng anak natin. Please tell me that . . . that she's mine, She's our daughter." pagmamakaawa niya saka tulo ng luha nito. 

Hindi ka pwedeng maawa Brianna, remember? He left you and let you suffer alone. 

"No, she's not." tanging sagot ko na hindi nagpapakita ng emosyon. 

Umiling-iling naman ito. 

"No, I can feel it she's my ----"

"Da-da!" tila nawala ang pagmamatigas ko nang sumingit si Acey habang nakatingin kay Mirko. 

Yes baby, that's your dad pero wala siyang karapatan sa'yo.


"B-Baby. . ." lumu-luhang luhod nito para mapantayan si Acey. 

Habang si Acey naman ay lumapit lalo sa kanya para abutin ang mukha niya. 

"Da-da." tawag naman nito muli sa kanya habang patuloy lamang itong lumuluha. 

Hinawakan naman nito ang mukha nito na parang isang babasagin na bagay.

"B-Baby, it's me D-Daddy. Daddy Mirko." humihikbing turo niya sa baby ko. 

"Da-da." ulit pa ni Acey sa kanya saka lapit sa bibig niya ng pagkain nito. 


Tumayo naman ito saka lumapit sa akin. 

"Bree. . ." 

"Please, nakikiusap ako. Please give me this chance." 

This time sa akin naman siya lumuhod habang hawak ang kamay ko. 

"Wala kang responsibilidad sa akin Mirko. Remember you chose to ---"

"No. No. That was the biggest mistake in my life at lagi ko 'yong pinagsisihan. Sobrang tanga, bobo sabihin mo na ang lahat ng gusto mo pero tama ka ako nga 'yon pero that was before." pagpapaliwanag nito. 

"No need naman Mirko, kaya naming mabuhay ng wala ka. See, nakaya ko nga noon. Ngayon pa kaya? Mahirap na baka simpleng responsibilidad lang umayaw ka na naman. I don't want to disappoint my child, hindi niya deserve 'yon." naluluha kong sabi sa kanya. 


I can't bear to see my baby questioning herself kung bakit siya iniwan ng Daddy niya. She was never a mistake. Never.

"Lagi kong pinagsisisihan ang araw na 'yon. Lagi akong kinokonsensya ng sarili ko for what I did. Bata pa ako 'non at sobrang gago para magdecision ng padalos-dalos. But let me make it up for her, for you. Mahal kita, kayo ng anak natin at ang gusto ko lang naman ay bumawi sa inyo sa sobrang pagkukulang ko." patuloy nito. 

"At ako? Hindi ba ako bata 'non? Takot na takot ako 'non Mirko? I only have myself and I'm expecting you to be with me sa mga panahon na nahihirapan at natatakot ako but what did you do? You left me and what's worst? Sinabihan mo pa ako na ipa---" naiiyak na sumbat ko.

"I know, I know. Sobrang tangina ko sa parteng 'yon at lagi akong kinokonsensya 'nun. Tuwing makakakita ako ng baby or bata inisiip ko hindi na kailan man ako pagbibigay pa ng gan'un kasi sobrang hayop kong lalaki sa unang magiging anak ko dapat dahil gusto ko siyang mawala. Tangina, hindi ko deserve pang maging tatay pang muli kasi gago ko. Ang gago ko. " patuloy na iyak nito. 

Tila naawa naman ang parte ng pagkatao ko sa lalaking ito. 

Alam kong walang patutunguhan ang pagtatalo namin lalo na't nasa harap namin si Acey. Maybe I can end our conversation by giving him a chance dahil ano man ang gawin at sabihin ko Tatay siya ni Acey. Wala 'man siyang kwenta as a person pero hindi naman deserve ng anak ko ng wala talagang tatay. Baka sisihin pa ako ni Acey paglaki niya na lumuhod na nga ang tatay niya tapos hindi 'man lamang ako nagbigay ng chance. 

Mabilis 'man ang pangyayari at desisyon ko pero hangad ko lamang ang kasiyahan ng anak ko and giving him a chance is only a trial kung karapat-dapat siyang maging ama ni Acey. 

Ayaw kong sayangin ang oras na kasama ni Acey si Mirko, I don't want to waste time dahil lang sa kasalanan nito sa akin. He may be got his chance for Acey but not to me. Mahirap na baka mamatay siya agad atleast may memory si Acey with him. 


"Okay then, papayagan kitang --- stop." lumiwanag ang mukha nito na tila nasiyahan at akmang yayakap nang pigilan ko ito. 

"Makinig ka. Wag mo akong hahawakan." madiin kong sabi rito na ikinatigil naman nito. 

"I am only giving you a chance for Acey ----  but not for me. Pwede kang bumali sa kanya kahit anong gusto mo pero hindi sa akin. I never said that I am forgiving you. I am only allowing you to spend with Acey at ang gusto ko lang ay wag na wag mong idi-disappoint ang anak ko ---"

"Natin." 

Binalewala ko naman ang pagsingit nito. 

"Just don't abandon her this time." mahinang sabi ko sa kanya saka tumalikod.

Kasabay ng pagtulo ng luha ko. 

I just can't bear the emotion na masyado nang napuno kasi nasasaktan ako. 

Bumalik kasi 'yong alaala ko 'nong panahon na iniwan ako ni Mirko sa park just to hear rejection for him at hindi ko na kakayanin pang tumanggap ng another rejection para sa anak ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Eighteen Year Old MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon