Chapter One

103K 1.8K 78
                                    


Nakagraduate na si Brianna ng isang vocational course sa isang kilalang institution at ngayon ay nagta-trabaho na sa isang restaurant bilang isang chef.

Kasalukuyang sabado at nasa tinitirhang condo kasama ang anak na ngayon ay naglilikot likot sa ibabaw ng kama niya.

"Gutom na 'yang baby ko?" sabi ko sa baby ko pagkabuhat ko ng makita ko na mukhang iiyak na dahil nag-uumpisa nang kumibot ang itsura nito at iritable. Agad kong pinanggigilan ang baby ko dahil may pagkachubby ito. Nasobrahan ata sa pagkahealthy ang baby ko pero hindi naman 'yung sobrang taba kumbaga ang sarap panggigilan ang malapatang mga hita nito na kumakawag kawag tuwing bubuhatin siya.

Kung titignan mong mabuti ang anak ko makikita mo agad ang itsura ng tatay nito dahil halos lahat ng features nito ang nakuha sa ama at lips lamang ang nakuha sa akin.

"Da...Da" sagot naman ng baby kong si Acey ng titigan ko ito. Agad naman akong nainis ng marinig ang isinambit niya. Nung mga panahon kasi na tinuturuan ko siya na magsalita para Mama ang maging first word niya pero Dada ang lumabas mula sa kanya.

Dada niya na walang kwenta.

"Ikaw talaga baby. Alam mong walang dito ang----nevermind. Nagugutom ka lang siguro. Mamam muna kita ah." usap ko rito na parang naiintindihan na ako dahil agad na humagikgik. 

Mamam means dede. 

Maya maya ay dumadating na ang babysitter ng baby ko na si Vina, nakuha ko siya isa sa agency dito sa lugar naming kaya I'm sure na malinis ang background niya dahil ayaw kong iwanan ang baby ko sa hindi ako sigurado, si Acey nalang nga ang pamilya ko hahayaan ko pa bang mawala. Stay-out si Vina 7am dadating siya at aalis din siya 7pm, ayon kasi ang nasa contract naming hindi naman siya lugi dahil with benefits naman ang sweldo niya bilang pag-aalaga sa baby ko through day and night pa minsan.

"Ate Bree, saan po tayo pupunta mukhang ayos na ayos si Baby Acey ah." tanong ni Vina ng makitang bagong ligo at bihis na bihis si Acey na nasa kama.

"Pupunta muna tayo ng mall para makapamili ako ng mga bagong gamit ni Acey. Kulang na kasi si Acey sa gamit dahil lumaki na siya at hindi na kasya ang iba niyang mga damit. Ang bilis kasi lumaki ng baby na yan eh" sabi ko sa kanya saka inayos si Acey na nakahiga ngayon sa higaan.

"Sige po ate. Aayusin ko po muna iyong mga gamit ni A." natatarantang sabi nito saka dumiretso sa baby bag ni Acey at nilagay ang dapat ilagay.

Habang nagmamaneho ako at katabi ko si Vina na nasa passenger seat habang nasa baby car seat naman si Baby Acey sa likod na nagdadaldal na naman at walang tigil na binabanggit ang 'Dada'.

Patuloy itong nag-iingay at todo hampas pa sa arm seat nito.

"Ang ingay ng baby Acey namin ngayon ah. Ma'am Bree mawalang galang na po ah nasaan nga po ang ama ni baby A?" puno ng kyuryusidad na tanong ni Vina na mula kay Acey ang tingin ay nabaling sa akin.

Nabigla naman ako sa tanong niya, hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako about sa hinayupak na tatay ni Acey.

"Patay na." simple at diretso kong sagot dahil kahit ako wala na akong balita at wala na rin akong pakialam pa sa ama ni Acey.

"Hala ang sad naman. Pasensya na po ate. Ang daldal ko talaga kahit kailan...." nakayukong paumanhin ni Vina saka nilingon si Acey na naglalaro sa likod.

"Okay lang 'yon. Ano ka ba." natawa nalang ako sa itsura nitong parang guilty na guilty sa tanong. Maya-maya ay narinig kong medyo naiirita na ang baby ko dahil siguro naiinip na sa likod.

"We're here na." sabi ko saka ito nilingon.

Ngumiti naman ito nang makita ako. 

Hmp. Namiss ata makita ang magandang Mommy. 

Sinusumpong na naman ng pagiging moody tulad ng tatay niya.

Pagkapasok namin ng mall ay nagsisimula na namang kumawag-kawag ang baby ko mula sa akin habang katabi si Vina. Mukhang tuwang-tuwa ang baby ko sa nakikita niya. Minsan ko lang kasi siya mapasyal dahil sa pagiging busy mula sa trabaho.

At nang mangalay na ako sa kabubuhat sa kanya papasok ng mall at medyo maluwag na ang mga tao ay saka ko siya nilagay sa stroller at dumiretso sa department store na kung saan ay mamimili kami ng mga kailangan na mga gamit ni Acey.

Sa sobrang dami kong nakikitang mga damit na magaganda at cute na mga baby things ay halos ubusin ko na kaso nagiging pratikal lang rin ako kaya pinili ko lang yung mga talagang kailangan ni Acey para hindi maluma sa bahay.

Nang matapos kami sa pamimili ng mga gamit niya ay pumunta muna kami sa isang restaurant para kumain mukhang gutom na rin si Vina kaya agad na kami nag-order.

At habang nasa highchair ang baby ko ay narinig ko siyang nagsasalita at parang tinatawag tawag ako. She can already mumble "Mama" pero madalang ko lang marinig sa kanya at "Dada" ata ang paborito kahit hindi ko alam kung saan niya napulot iyon.

"Gutom na ba yang baby ko?" I asked her even though I know na hindi niya naman ako sasagutin.

She keep on mumbling "mama" habang sinusubo ang kamay niya na puno na ng laway. Agad namang kinuha ni Vina ang pamunas nito at nilagyan siya baby's bib.

Nang dumating ang order namin ay agad paminsan minsan kong sinusubuan si Acey, she can eat solid food na rin naman pero pinipili ko lang dahil takot pa rin ako na magpakain ng kung anu-ano sa kanya.

After naming kumain ay iniwan ko nalang sila sa isang place dahil nakatulog na rin si Acey sa stroller after eating, pumunta muna ako sa isang toy store ng may makita akong mga baby stuffs na pwede para kay Acey.

May mga nakita akong educational books at mga figures na pwedeng magamit ni Acey kaya kinuha ko na. Nang dumako naman ako s kabilang part kung saan may mga baby stuffs ay may pumukaw ng mata ko, yung mga baby things with unique design like teether na fries design at hoodie na hello kitty.

Nang ilalagay ko na 'yung hoodie sa basket ay dumulas pa iyon sa basket kaya agad ko namang dinampot pero ng pag-angat ko ng ulo ko mula sa pagkakayuko ay hindi ko inaasahang ang makikita ko...

Shit si Mirko...

Buti nlang hindi siya nakatingin sa gawi ko kaya agad akong pumunta sa counter para bayaran ang mga kinuha ko. At dahil mukhang umaayon sa akin ang tadhana ay sakto na wala pang pila kaya agad akong inasikaso ng cashier.

Nagbabayad na lang ako ng may tumabi na sa akin sa linya at paglingon ko ay hindi ko inaasahan na si Mirko pala 'yon!

Parehas na nanlalaki ang mga mata namin pero dahil mas natulala siya ay kinuha ko na 'yung chance para tumakas. Agad kong kinuha ang sukli ko at mga binili ko at tumakbo.

Habang si Mirko naman ay mukhang bumalik na sa kanyang sarili at agad akong hinabol.

"Brianna !!" tawag nito sa akin pero hindi ko siya nilingon at patuloy pa ring tumakbo.

"Sir 'yung mga pinamili niyo ho !" rinig kong habol sa kanya nung cashier sa counter.

"Sandali lang miss may hahabulin lang ako. Brianna !!!" rinig ko ring sagot niya sa cashier at patuloy ring hinahabol ako at dahil siguro Malaki siyang tao at mabilis tumakbo ay nahabol niya ako.

"Brianna wait----" sabi nito ng mahaklit nito ang braso ko.

"Ano ba Mirko ! Bitiwan mo ako." pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ito.

"Bree please let's talk..." pagpapakiusap nito sa akin.

"No Mirko. We don't need to talk anymore." masamang tingin na sagot ko naman sa kanya.

"Please...MIRKO..Let.Me.Go" madiin kong pakiusap sa kanya.

At dahil mukhang medyo lumuwag ang pagkakahawak niya ay agad akong tumakbo. Narinig ko pa siyang sumisigaw pero wala akong pakialam sa kanya. Masaya na kami ng anak ko at hindi naming siya kailangan.

Dumiretso ako kina Vina at Acey at agad ko siyang pinasunod sa akin sa parking lot.

My Eighteen Year Old MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon