Collision 4: (Panda)

521 21 1
                                    

Ace's POV

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock dito sa kwarto ni Janene.

Naman oh. Ang bitin ng tulog ko. -3-

Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo.

Nung matapos ako ay lumabas na ako at tumungo sa kusina nila.

Naabutan ko doon si Janene at si Tita Jane na tahimik na kumakain.

"Good Morning po." Bati ko kay Tita.

"Good morning rin iha. Kain ka na." Nakangiting sabi ni Tita.

"Good morning Janene." I said. Tumango lang naman siya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang magpalaman ng tinapay.

Waaaah!! Bakit ang tahimik? Ayoko ng ganito. T3T

Sa Pinas kasi nakakadaldal parin ako. Pag sinisita ako ni mommy, Binabara ko lang siya. Hehe.

"Ahmm..." Iimik palang sana ako nung magsalita si Tita.

"Don't you know na ayokong may umiimik pag kumakain? Pakitandaan yan iha." Nalunok ko ata lahat ng balak kong sabihin nung sabihin yan ni tita at seryoso talaga siya niyan.

"S-sorry." Naibalik tuloy yung takot ko sa kanya. Akala ko kahapon okay na. Waaaah!!! Mukhang mapuputol talaga ang sungay ko dito ah?

After 5 minutes. Natapos rin akong kumain. Aalis na sana ako nung magsalita ulit si tita.

"Dito, naghihintayan kami pagtapos kumain. Umupo ka muna jan. And wait for me to finish eating." Napalunok ulit ako at mabilis na umupo sa upuan ko.

Ang laki laki ng bahay nila Janene pero pakiramdam ko nasasakal ako.

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin silang kumain kaya sabay sabay na kaming tumayo. At dahil nga sa hindi ko alam ang gagawin ko, dumikit lang ako kay Janene.

"Okay. Ididiscuss ko lang ang house rules sayo, Grace." Psh. Ace kasi! Ace!

"Makinig ka, Ace." Bulong sakin ni Janene.

"#1 Privacy. Bawal pumasok sa kwarto ng may kwarto nang hindi nagpapaalam. It's rude. Bukas ililipat kita sa katabing kwarto ni Janene. Ipapaayos ko lang yun sa interior decorator namin." Napatango tango ako.

Grabe. Sa bahay nga pasok kung pasok eh. Tapos dito?? Waaaah!! Mommy uwi na ako!!

"#2 Huwag kayong aalis ng hindi nagpapaalam. Walang curfew dito sa bahay pero huwag niyong abusuhin. Kung hindi kayo makakauwi, Sabihan ang kung sinong nandito sa bahay para hindi mag-alala. Okay?" Tumango ulit ako. Atleast walang curfew.

"#3 Be responsible enough. Kung kaya niyo nang gawin ang trabaho, Then gawin niyo na. Dito sa bahay, bawal ang tatamad tamad. Huwag umasa sa maids. Understand?" Ang strict ni Tita.

"Yes tita." I said.

"#4 Be respectful and Courteous. Ayoko ng bastos dito. No trashtalkings. Matutong rumespeto sa kahit na sinong tao dito sa bahay." OMO! Respeto? Waaah!! Eh napaka walang modo kong tao.

"And lastly, #5 Learn to obey me. Yun ang pinaka importante sa lahat. Pag di mo ako sinunod, Pwes, kilala mo na akong magalit? Nasabi sakin ng mommy mo kung gaano ka kakulit at kapasaway. I'll cut that horn on your head Dear. Papauwiin kita sa Pilipinas na purified na." Nagsmirk pa si Tita.

Oh to the Em to the Gi! Makakaya ko kaya?

Di ko keri!!

Matapos sabihin yun ni tita ay nagpaalam na siya na may pupuntahan pa siya.

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon