Collision 11: (Babalik ^_^)

398 24 0
                                    

Ace's POV

Anong ginagawa ng pandang to dito?

"Ano? Tititigan mo nalang ako?" Tanong niya sakin. Si Janene naman grabe ang titig. Hindi makapaniwalang nasa bahay nila yung Idol niya.

"Ace, sabihin mo naman sa kanya dalhin si Xiumin dito minsan." Bulong sakin ni Janene kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit hindi ka na dumadalaw sa dorm?" Nakapout na tanong ni Tao.

"Kailan pa ako dumalaw sa inyo? Sa pagkakaalala ko lagi mo lang akong kinikidnap."

"Yun na nga eh. Hindi kita makidnap kasi tuwing naghihintay ako jan sa labas ng bahay niyo, Hindi kita makita. Parang sinasadya mong huwag magpakita sakin." Ano ba tong si Tao. Ang kulit kulit.

Naramdaman kong siniko ako ni Janene.

"Bae, Bongga mo. Talagang hinihintay ka niya ha? Huwag kang pakipot." I gave Janene a dagger look. Tinikom naman niya ang bibig niya.

Magsasalita palang sana ulit ako pero inunahan na ako ni Tao.

"Kung nahihiya ka samin, Pwes wala ka dapat ikahiya. Wala kang ginagawang masama. Alam mo bang ang lungkot nila sa dorm kasi hindi ka na pumupunta doon? Kung ano man niyang bumabagabag sayo tungkol samin, Don't let it hold you back. Tinatrato ka naming kaibigan and we can't bear losing a friend like you." Napatahimik ako sa sinabi ni Tao.

Bakit ang sweet niya?

Kaibigan? Yun na talaga ang tingin nila sakin?

"Hay naku Tao-oppa! Sensya ka na sa pinsan kong maarte ah? Don't worry, dadalaw ulit siya sa inyo." Nagulat ako sa sinabi ni Janene kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Pero hindi siya natinag. Binelatan niya pa ako.

Tumingin si Tao kay Janene at ngumiti. Naramdaman kong kinurot ako ni Janene. Kinikilig malamang.

"Sama ka rin kung gusto mo. Ano palang pangalan mo?" Tanong ni Tao kay Janene at bilang isang fangirl...

"I'm Janene Vera and fangirl niyo ako. And sure, sasama ako sa pinsan ko." Kinikilig na sabi ni Janene. Tumawa lang si Tao.

Binalingan ulit ako ni Tao.

"So ano na Ace?" Tanong niya sakin.

"Ahmm..." Siniko ulit ako ni Janene pero I set it aside. Bahala siya jan.

"Ace naman. Hindi ka ba naaawa samin? Ngayon lang kami nagkaroon ng kaibigan na babae na hindi kami kilala. Tapos biglang mawawala. Napakalaking epekto samin nun, Baka hindi na kami makaperform ng maayos niyan dahil sa depression tapos mawalan na kami ng gana tapos hindi na kami sumikat tapos magkakanya kanya nalang kami. Malulungkot yung mga fans dahil buwag na yung exo at yun ay dahil sayo, Dahil ayaw mo na kaming maging kaibigan. Okay ba yun sayo? Okay lang ba sayong maging dahilan ng pagkadepress milyong milyong fans namin?" Laglag panga.

Naspeechless ako sa kanya.

Ganun ba siya kaOA?

"Waaah! Pinsan!! Pumayag ka na kasi!! Ayokong mabuwag ang EXO." Teary eyed na sabi ni Janene.

"So ano? Payag ka na?" Nakangising sabi ni Tao.

"Inuuto mo ako. Seryoso." Poker faced kong sabi kay Tao.

Napatawa naman siya.

"Tss. Oo na, Oo na! Nakakahiya naman sa mga fans niyong madedepress!" Naiinis kong sabi.

"Yehet! Thanks Thanks!!" At tumayo siya bago ako yakapin. Napatingin ako kay Janene at nakasimangot siya.

Anak ng pating na yan. Nauto uto nanaman ako ni Tao.

Sehun's POV

"Hyung, masaya ka ata?" Tanong ko kay Tao na abot tenga ang ngiti.

"Babalik na kasi ulit dito si Noona." Sagot niya sakin. Narinig naman yun ng mga members tapos pinalibutan nila Tao. Ininterview nila ng ininterview.

Anong nakain ng alien na yun at magpapakita nanaman siya? Hindi niya ba alam na ang saya saya ko simula nung nawala siya dito?

"Hoy Maknae! Di ka ata masaya?" Sabay akbay sakin ni Luhan.

"Panu ako magiging masaya kung lilitaw nanaman yung alien na yun dito?? Ha??" Tinawanan lang ako ni Lulu.

"Okay lang yan Maknae. Di mo ba namiss si Noona? Matagal din kayong di nagbabangayan eh." Mukhang nang-aasar na sabi ni Chen hyung.

"Mamimiss?? Para niyo na rin sinabing matamis ang tubig sa dagat. Imposible kong mamiss yung alien na yun!" Nagdadabog kong sabi at tinawanan nanaman nila ako.

Bwisit talaga na alien yun. Simula nung dumating sa buhay ko, Lagi nalang ako inaasar ng mga kagrupo ko. TT______TT

------------------------------------

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon