Collision 40: (Her Past)

336 12 0
                                    

Sehun's POV

Alam niyo yung nakakabitter? Yun tipong lahat ng kasama mo dito naglalandian. Di ba nila maintindihan na broken hearted ako?

"Anong mukha yan, Sehun?" Tanong ni Baekhyun Hyung sakin.

"Mukha ng taong malapit ng sumabog sa inis dahil sa mga landian niyo."Naiinis kong sabi sa kanila at nagtawanan sila. May nakakatuwa ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Tss.

"Malupet." Natatawang sabi ni Janene habang nakaakbay sa kanya si Kai.

"Kayo talaga. Kita niyong nasasaktan si Sehun kasi magkasama si Ace at Tao ngayon. Alam niyo na? Nagsarili yung dalawa." Tuwang tuwang sabi ni Chen hyung kaya binato ko siya ng unan.

Tatawa tawa lang naman yung iba.

Isa pa yung kinaiinisan ko. Ang kapal lang ng mukha ng amasonang alien na yan. Sinaktan niya ang puso ko nung isang araw tapos ang lakas ng loob na iwasan ako? Aba! Ang tindi niya ah! So busted na ako at umamin na siya kay Tao? So Sila na ni Tao? Tss. Magsama pa sila. -____-

"Oh? Pasama ng pasama ang timpla ng mukha mo maknae, Baka makapatay ka na niyan sa susunod." Sabi ni Kris hyung. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Bwisit! Bakit ba kasi si ayaw niya sakin?" Naiinis kong tanong at napatitig silang lahat sakin. Anong meron?

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?" Kunot noo kong tanong.

"Ayaw sayo nino?" Tanong ni Aileen.

"Ni Ace. Bakit ayaw niya sakin?" Tanong ko kay Aileen.

"Ayaw niya sayo?" Takang tanong naman ni Baekhyun hyung.

"Panu mo naman nasabing ayaw niya sayo?" Tanong ni Anne.

"Narinig ko yung sinabi niya nung isang araw. Nung tinanong siya ni Steph kung sino ba talaga ang gusto niya. Ang sagot niya si Tao." Naiinis kong sabi.

"Nandun ka nun? Bakit si Tao lang nakita namin?" Tanong ni Steph sakin.

"Eh kasi, nagwalk out na ako sa sobrang inis. Kayo kaya! Marinig niyo yung taong mahal niyo na umaamin sa kaibigan niya kung sinong gusto niya? Di ba kayo masasaktan? Di ba kayo mapapawalk out sa sobrang inis?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan sila hyung tapos umakbay sa mga babae nila.

"Sa bagay. Mapapawalk out rin ako pag si Aileen ang marinig kong umamin kay Steph na gusto niya si Luhan." Sabi ni Kris hyung. Si Aileen naman namula.

"Ako hindi. Alam ko naman kasi na ako lang talaga ang gusto ni Janene ko. Diba babe?" Sabay kindat pa ni Kai kay Janene. Ngumiti lang si Janene.

"Weh?" Pambabara ni Baekhyun hyung.

"Panira ka ng kaligayahan hyung." Sabi ni Kai.

Binelatan lang siya ni Baekhyun hyung.

Nagulat ako nung may biglang bumatok sakin.

"Aray!" Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Tao.

Tumingin ako sa likod niya nagbabakasali na nandun si Alien pero wala.

"Wala na si Ace. Hinatid ko na siya kasi biglang sumama ang pakiramdam. Nakakapagod pa namang pumasyal sa Han River." Sagot ni Tao. Nainis ako sa naging sagot niyang yun.

"Buti pa kayo gumagala. Tss. Bakit mo ba ako binatukan? Tsaka sinong kasama ni Alien dun? Masama pakiramda---ASGDJDJDJD." Bigla akong sinubuan ni Tao ng baozi na kinakain niya kaya napatigil ako sa pagsasalita.

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon