Collision 33: (#HURT)

334 15 0
                                    

Aileen's POV

Nagyaya si Janene na magshopping. Ganyan yan, sa tuwing depress. Ilalabas sa pagwawaldas ng pera ang himutok.

Eh panu kasi, Hindi na siya kinukulit ni Kai. I think sinukuan na siya? Kawawa naman tong si Janene, siya na nga kasi tong hinahabol nung tao siya pa ang pakipot.

Naikwento na samin ni Kai lahat na napuwing lang pala si Hyoyeon at iniihipan lang ni Kai yung mata niya.

Somehow, nakakaawa talaga si Janene lalo na nung naikwento niya samin yung about sa nangyari sa kanila nung hinabol siya ni Kai. Sinukuan na daw siya ni Kai at grabe ang iyak ng bruha.

"Gutom na ako." Reklamo ni Ace habang nakahawak sa tiyan niya.

"Sige, kain muna tayo." Sinundan namin si Janene at pumasok kami sa isang restaurant para kumain.

"Hindi ka naman gutom no?" Naiinis na sabi ni Janene kay Ace nung masabi ni Ace lahat ng orders niya. At talagang ang dami niyang inorder!

"Libre mo eh. Minsan lang to." Sabi ni Ace kaya inirapan lang siya ni Janene.

"Hoy Anne! Ngiti ka ng ngiti jan ah. Si Baekhyun nanaman yan no?" Napatingin ako kay Anne nung pagsabihan siya ni Steph.

"Huwag kang bitter Steph. Porket smileyzoned ka lang kay Xiumin." Pang-aasar ni Anne kay Steph at nagpout lang si Steph.

Eh panu kasi tong si Stephanie. Tuwing itetext niya daw si Xiumin, Laging smiley ang reply ni Xiu. Wahaha. Wawa naman. Buti pa ako lagi kong katext si Kris. Ang sweet niya sa text pero pag sa personal hindi ako masyadong iniimikan. Okay na yun! Atleast sa text diba?

"Eh ikaw Ace?" Binalingan ni Steph si Ace na busy sa pagpindot sa cellphone niya.

Naramdaman niya atang nakatingin kami sa kanya kaya naman tinignan niya kami at napakunot ang noo niya.

"Gandang ganda nanaman kayo sakin niyan?----ARAY HA!!" Sigaw ni Ace kay Janene kasi binatukan siya nito.

"Ang hangin!" Sabi ko naman.

"Powers ni Sehun yun diba?" Sabi ni Anne kaya nagkatinginan kaming lahat tapos sabay sabay na inasar si Ace.

"Ayieeeh. Patawarin mo na kasi! Magaya ka pa kay Janene niyan." Sabi ni Steph kay Ace.

"Magpinsan nga kayo, Parehas pakipot." Sabi naman ni Anne.

Inirapan lang kami ni Janene at humarap nalang sa phone niya. Samantalang si Ace pasama ng pasama ang tingin samin pero tuloy lang kami sa pakikipag-asaran sa kanya.

"Tantanan niyo lang ako." Sabi ni Ace tapos inirapan nalang din kami.

Natigil lang kami nung dumating na ang orders namin. Nagsimula na kaming kumain nung magsalita si Janene.

"Ano na palang status niyo ni Luhan, Unnie?" Tanong ni Janene sakin.

"Wala. Friends,Bakit?" Tanong ko.

"Wala lang. Eh ang status niyo ni Kris? Pansin ko lang mas close na kayo ah? Anyare na? May something na ba?" Tanong ni Anne. I heaved a sigh.

"Ewan." Sagot ko.

Honestly, hindi ko talaga alam. Sweet siya oo. Pero wala kaming closure. Hindi ko tuloy mapigilang umasa na may something siya for me. Special kasi ang pakikitungo niya sakin. Iba ang treatment niya sakin sa pagtrato niya kila Ace. Pakiramdam ko talaga, special ako. Pero ayoko namang maging assuming kasi wala naman siyang sinabi sakin na special nga ako. Pero kasi.... Ay panu ko ba ieexplain? Basta pakiramdam mo special ako. At ipupush ko to. Waaaah!! Oo na nga. Nafall na ako kay Kris. Hindi yung simpleng pagmamahal as a fangirl sa bias niya, Kundi pagmamahal ng isang babae sa isang lalaki.

"Huy!!" Ay. Nagspace out pala ako.

"May sinasabi ka?" Tanong ko kay Ace.

"Hindi nakikinig. Sinasabi ko lang naman na mag-ingat ingat ka sa kung ano man yang nararamdaman mo. Mahirap na nag-aassume ka sa isang bagay na hindi naman pala talaga totoo. Kung ako sayo, itatanong ko na kay Kris kung ano ka ba talaga sa kanya, Mahirap yung nangangapa ka." Natigilan ako sa sinabi niya. Eh bakit ba natamaan ako sa sinabi niya?

"Pero you know Aileen, I feel na gusto ka ni Kris. Makikita mo kasi sa mata niya yung happiness sa tuwing nanjan ka sa tabi niya." Sabi naman ni Anne.

"Oo nga!" Pag-agree ni Steph. Bigla naman silang nakatanggap ng batok kay Ace.

"Huwag niyong itataas ang hopes ni Aileen. Tapos pag fail lalagapak siya. Sakit lang nun. Huwag kayong magsalita na as if alam na alam niyo yung feelings ni Kris. Huwag kayong magsalita ng tapos hanggat wala pa mismong nasasabi si Kris." Tumango tango sila sa sinabi ni Ace.

"Hugot mo Ace. Ganyan nagiging epekto ni Sehun sayo?" Binalibag ng tissue ni Ace si Steph na tinawanan lang namin.

"Pero Aileen, huwag kang masyadong umasa. Hindi porket yun ang pinapakita niya, Yun ang nararamdaman niya." Sabi naman ni Janene.

Parehas may hugot ang dalawang to. Nakakadala lang.

Pero ano nga ba ako kay Kris?

**

Matapos kaming kumain ay nag-ikot ikot lang kami dito sa mall. Tutal maaga pa para umuwi.

Masaya lang kaming nagkwekwentuhan nung may mapansin si Anne.

"Si Kris yun diba? Sino yung kasama niya?" Napatingin kami sa tinuturo ni Anne.

Oo nga. Si Kris nga. Kahit nakashades siya at bonnet, Kilalang kilala ko siya. At alam kong si Kris yun. Pero sino yung babaeng kasama niya?

"Sundan natin." Sumunod kami kay Anne na lumapit sa direksyon nila Kris.

"I told you. Don't hold your hopes up." Sabi ni Ace bago sumunod rin kila Anne. Sinundan namin si Kris at yung babaeng kasama niya na pumasok sa isang jewelry shop.

Kumirot yung puso ko. Girlfriend niya ba yung babae?

Eto na ba yung sagot sa tanong ko kung ano nga ba ako kay Kris?

Hindi nga ba ako special sa kanya?

Isang fan girl lang ba talaga ako?

"Uy yumakap si Kris sa babae." Tinignan ko si Kris na nakayakap na nga sa babae.

Pagkakalas sa yakap. May inangat si Kris, Isang kwintas. Siguro, para sa babae yun.

"Jessica ng SNSD yun diba?" Sabi ni Steph. Oo nga pala, maliban sa EXO,Fan din si Steph ng Girl's Generation.

"Tama na nga yan. Nasasaktan na yung kaibigan natin oh. Talagang susundan natin si Kris hanggang mamaya? Umuwi na tayo." Hinigit na ako ni Ace palayo at naramdaman kong sumunod yung tatlo.

"Bakit ka umiiyak, Aileen?" Napatingin ako kay Janene nung tanungin niya ako.

"Umiiyak ako? Akala ko umuulan?" Sabi ko sabay punas sa luha ko.

-_______- ganyan lang ang itsura nila habang nakatingin sakin.

"Bagay sila no? Perfect match." Pinilit kong magmukhang cheerful pero hindi ko kaya.

"M-masaya ako para sa kanila. Ha-ha-ha!"

"Stop it Aileen. Para kang tanga." Niyakap ako ni Ace kaya napahagulgol nalang ako.

"My Oh my. You really fell hard huh?" I heard Anne said tapos nakiyakap na rin.

"Tama kayo. Dapat di ako umasa. Kasi.... kasi.... *sniff* masakit sa puso." Sabi ko habang umiiyak sa yakap ng mga kaibigan ko.

------------------------------------

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon