Collision 56: (Phone Call)

259 14 0
                                    

Ace's POV

"Ano bang trip mo at pinasuot mo tong couple shirt natin?" Taas kilay na tanong ni Sehun sakin. Ngumiti lang ako sa kanya at hinatak na siya paalis.

"Gusto ko lang na magmukha kang tanga ngayong araw na to." Sabi ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya tinignan ko siya. Nakataas ang kilay niya at intense siyang nakatingin sakin.

"Joke lang. Sehun talaga. Haha." Hinatak ko nalang ulit siya.

Dun ko siya dinala sa restaurant nila Aileen. Sawang sawa na kasi ako sa bubbletea house eh.

Pagpasok namin sa loob nandun si Tao at Kris na masayang nag-uusap. Hinihintay siguro ni Kris si Aileen.

"Hi." Masaya kong bati sa kanila kaya napatingin sila sakin. Nginitian lang ako ni Kris samantalang si Tao tumayo pa at akmang yayakapin ako pero humarang nanaman si Sehun.

"Maknae naman! Yayakap lang eh!" Sabi ni Tao.

"Tantanan mo ang girlfriend kong panda ka ha. Maghanap ka ng sayo." Inilapit pa ako ni Sehun sa kanya. Natatawa nalang ako dito sa dalawang to.

"Eh yung nahanap ko, kinuha mo!" Pambwibwisit ni Tao.

"Tss." Yan nalang ang sinabi ni Sehun at nakiupo na sa table nila Kris. Si Tao naman umupo na rin.

"Oh. Ace, Sese. Nandito rin kayo?" Napatingin kami sa nagsalita at nakita namin si Aileen.

"Hi. Wala lang, gusto ko lang kumakain ngayon." Sabi ko kay Aileen.

"Ahh ganun ba? Oorder na ba kayo? Nasa mood akong magluto ng marami ngayon. Gusto niyo ako mismo magserve sa inyo?" Nakangiting sabi ni Aileen. Sinabi na namin ang orders namin at nagvolunteer pa si Kris na tutulungan niya nalang daw si Aileen. Pero sa bagay, mas okay na yun. Ang ipush niya ang sarili niya sa pagluluto kesa sa pagdodrawing. Haha. Ang panget nagdrawing ni Kris, promise! Hahaha.

"Nangingiti ka jan mag-isa?" Tanong sakin ni Sese. Naiwan nga pala ako dito kasama si Tao at Sehun.

"So kamusta na kayo?" Tanong ni Tao kaya napatingin kami sa kanya ni Sehun.

"Okay naman. Going strong. Eh ikaw hyung? Kamusta ka na?" Tanong ni Sehun. Akala mo naman tong dalawang to, matagal nang di nagkita -_____-

"Eto. On process of moving on." Isang mapait na ngiti ang pinakita ni Tao. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya.

Ilang minuto siguro kaming natahimik nung binasag ni Tao ang katahimikan.

"Ang tagal naman nila Gege, Nagugutom na ako eh." Sabi ni Tao.

"Haha. Oo nga." I agreed.

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa bumalik na sila Aileen dala dala ang mga pagkain. Agad naman namin itong nilantakan.

"Dahan dahan naman." Natatawang sabi ni Aileen samin.

"So panu na yan hyung? Apat na buwan mong hindi makakasama si Aileen, Pupunta siyang Paris diba?" Pag-oopen ni Tao ng topic. Agad naman akong napatingin kay Aileen.

"Aalis ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Business matters. Si dad kasi pinasubo ako." Nakapout na sabi ni Aileen.

"Ilang buwan ka dun?" Tanong ko.

"Paulit ulit Alien? Apat na buwan nga diba?" Pagsingit naman ni Sehun sa usapan.

"Kinakausap kita? Kumain ka na nga lang jan. Paepal eh." I said then roll my eyes heavenwards. Inismiran niya nalang din ako at nagpatuloy sa pagkain.

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon