Collision 28: (Sorry)

363 12 3
                                    

Ace's POV

"Ahmmm Aileen, Janene, huwag nalang kaya?" Sabi ko kay Aileen at Janene na hila hila ako. Hulaan niyo kung saan kami pupunta?

Sa Restaurant nila Aileen. Saya diba? Pero hindi eh!! Kasama si Sehun! Hindi ba nila alam yung sitwasyon namin ngayon? Magkaaway kami, well magkaaway talaga kami pero seryosong away to!

"Aileen naman! Pwede namang si Janene nalang ang isama mo eh! Bakit kailangang pati ako?" Tanong ko pa kay Aileen.

"Unnie, Si Luhan ang nagyaya at sinabi niyang dapat kasama ka. Nandun na yung EXO. Huwag mo silang paasahin!" Bakit kasi pati ako kasama pa??

"Pakisabi kay Luhan na ayokong sumama." Sabi ko.

"SASAMA KA!" Gusto kong pag-untugin tong dalawang to. Talagang sabay dapat ang sigaw? -_____-

"Bakit di nalang sila Steph at Anne?" Sabi ko.

"May lagnat si Anne, may LBM si Steph. Tingin mo makakasama sila? Eh halos hindi na nga sila makatayo eh." Sagot ni Janene.

"Yun na nga eh, hindi okay yung dalawa!! Bakit natin sila iniwan?? Anong klaseng kaibigan kayo??" Pagdadrama ko. Pero hindi nila ako pinansin. Mga mabubuting kaibigan talaga.

"Uuwi na ako! Aalagaan ko yung dalawa!" Sabi ko at akmang tatalikod na pero hinila nila ako pabalik. Aish >_<

"Aalagaan mo sila? Eh sila nga naginsist na isama ka namin. Kaya halika na!" Huhuhu!! Wala talaga akong takas sa dalawang to. Nakakaasar!

Nung malapit na kami sa restaurant nila Aileen nakatanaw kami ng tatlong lalaking naghihilaan din sa tapat ng pinto.

"Ano ba hyung! Uuwi na ako!" -Sehun habang hinihila nila Luhan at Kai.

"Hindi! Huwag kang kj!!" -Kai na hinihila si Sehun.

"Tara na Se! Kailangan mong magsorry kay Ace!" Nagulat ako nung marinig ko ang pangalan ko.

"H-hindi ako magsosorry dun! H-hayaan niyo na kung ayaw na niyang magpakita!" -Sehun.

Oo nga pala. Dalawang linggo rin akong di nagpakita sa kanila, Dinadalaw lang ako ni Tao. Or minsan ng ibang Exo except Sehun. Si Sehun ngayon ko lang ulit nakita. Sila Aileen lang kasi ang laging nasa dorm at tuwing niyayaya nila ako, Di ako sumasama.

"Oh, Aileen, Janene, Noona. Nanjan na pala kayo. Nasa loob na yung iba." Sabi Luhan nung mapansin kami. Nagkatinginan kami ni Sehun pero ako ang unang nag-iwas.

"Uuwi na ako." Sabi ko sabay talikod.

"Hindi ka sabi uuwi." Hinila nanaman ako ni Janene.

"Hyung, balik na ako sa dorm." Si Sehun naman ang nagsalita tapos tumalikod na rin.

"Walang babalik sa dorm." Si Kai naman ang pumigil kay Sehun. Kumindat si Kai kay Janene tapos nagulat ako nung nginitian siya ni Janene.

"Woah! Hindi ka na umiirap Janene?" Tanong ni Luhan kay Janene.

"Tss." Sabi nalang ni Janene tapos hinila na ako papasok ng restaurant. Sumunod naman yung iba.

Pagpasok namin....

"ACE!!" Salubong sakin ni Tao at yumakap pa.

"Waaah! Buti nagpakita ka na noona!" Sabi ni Chanyeol.

"Lagi ka nalang nawawala. Pansin ko lang?" Sabat naman ni Lay. Nagkibit balikat lang ako sa kanila.

Umupo na kami ni Tao. Katabi ko si Tao at ang awkward lang kasi kaharap ko si Sehun na katabi si Luhan.

Kris•Aileen•Han•Hun•Xiu•Janene•Kai

TTTTTTAAAABBBBLLLLLEEEEEE

Suho•Baek•Yeol•Me•Tao•DO•Chen•Lay

"Nasan si Anne?" Nakapout na tanong ni Baek.

"May lagnat." Dry kong sagot.

"HAAAA???" Oa niyang tanong with matching tayo pa at palo sa lamesa. Buti walang tao ngayon dito sa Restaurant nila Aileen maliban samin at sa mga staffs. Pinasara kasi to ni Aileen para kami kami lang daw at di na kailangang magdisguise ng EXO.

"Kung makareact Baekhyun?" Tanong ni Chanyeol.

"May lagnat si Anne pero hindi niyo binantayan! Di na ako kakain! Pupuntahan ko siya sa inyo!" Agad na lumabas ng restaurant si Baek.

"May gusto na ba kay Anne yun?" Tanong ni Kris kay Aileen. Nagshrugged lang si Aileen.

Tumayo si Aileen para daw kumuha ng makakain namin at sinamahan naman siya ni Kris. Oy, edi kilig much na si Aileen niyan. Ako naman ilang na ilang na. Hindi ako makatingin sa harap ko kasi ramdam ko at titig sakin ni Freak. Balik na ulit sa Freak, Galit ako sa kanya eh.

Hindi ako assuming. Nakatitig talaga siya sakin.

"Will you stop staring?" Naiinis kong sabi sa kanya nung hindi na ako makatiis. Nagtama ang mata namin at ang bilis nanaman ng hearbeat ko.

What the fudge?

"Sorry." Sabi niya tapos tumingin sa ibang direksyon.

"Awkward." Sabay na sabi ni Janene at Kai at nag-apir pa.

"Wow! Hindi na kayo nag-aaway?" Tanong ni Chen sa dalawa.

"Bawal ba magbati?" Tanong ni Janene.

"Di nga Janene? Binibigyan mo na ng chance si Kai?" Tanong naman ni Yeol kaya napaiwas ng tingin si Janene habang namumula. Si Kai naman natawa lang.

"Tinatawa tawa mo jan?" Tanong ni Janene kay Kai. Umiling lang si Kai.

Maya maya nanjan na yung mga waiters na kasami nila Aileen at Kris. Umupo na silang dalawa tapos yung mga waiter naglapag ng iba't ibang putahe sa lamesa. Nagutom ako.

"Ikaw nagluto Aileen?" Tanong ni Luhan kay Aileen.

"Tinulungan ako ng mga staffs ko. Kain na!" Nakangiting sagot ni Aileen kay Luhan. Napatingin ako kay Kris na nakatitig kay Aileen.

"Noona kain." Naglagay ng pagkain si Tao sa plato ko. Nginitian ko lang siya.

Aabutin ko sana yung kanin pero nakasabay ko si Sehun.

"Ikaw muna." Sabi niya. Hindi ako sumagot. Kinuha ko nalang yung kanin tapos naglagay sa plato ko sabay balik.

Tahimik nalang akong kumakain habang nag-iingay silang lahat.

Maya maya napatingin ako sa harap ko at nahuli ko nanaman na nakatitig si Sehun sakin. Seriously? Anong problema niya?

"Hanggang kailan mo ako balak titigan?" Tanong ko sa kanya. Napayuko lang siya.

"Sorry." Sabi niya kaya natigilan ako sa pagsubo ng pagkain ko.

"A-ano?" Tanong ko sa kanya kahit narinig ko naman. Tumingin siya sa mga mata ko.

"Sorry. Sorry sa nasabi ko nung isang linggo, sorry kung nasaktan kita. Sorry Ace, sorry." Napatitig lang ako sa kanya.

Natahimik na din yung iba at napatingin nalang samin ni Sehun.

Ako naman hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi naman na ako galit sa kanya pero bakit ayaw ko siyang patawarin? Simula kasi nung nalaman ko yung nakaraan niya na tungkol sa ex niya, parang lalo pa akong nasaktan.

Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya at sumubo ng pagkain ko.

From my peripheral view, I saw him bowed his head. Ang bigat tuloy sa pakiramdam.

"A-ah... Y-yehey! Ang sarap ng pagkain!! Diba guys?" Sigaw ni Chanyeol at nagsimula nanaman silang mag-ingay trying to lighten up the mood.

------------------------------------

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon