Collision 69: (Wedding Day Part 1)

252 14 0
                                    

Anne's POV

This is the day! Eto na talaga ang araw na pinakahihintay ko!

"Kyaaaah~" Tili ko. Nandito kami sa isang beach resort dito sa Korea. Beach wedding eh.

Hiwalay ang girls sa boys. Kanya kanyang rooms kami at ang karoom ko ay si Steph.

"Manahimik ka nga Anne. Utang na loob! Alas dos palang! Mamayang 3:00 ng hapon ang start ng kasal!" Sigaw niya sakin. I pouted. Oo na. Ako na excited. Hmp.

"Sorry naman. I'm so happy lang kasi na ikakasal na si Janene! Waaaaah!!" Sigaw ko. Akalain mo yun? Sila Janene at Kai pa ang mauuna. I can't believe it!

"Aba! Kung di ka lang nag-inarte 2 years ago, edi sana nauna kayo ni Baek!" Sigaw niya sakin. Nagpout ako.

Oo nga pala. Nung first anniversary namin ni Baekhyun, nagpropose siya sakin. Akala ko naman nagbibiro lang siya nun kaya tinurn down ko. Malay ko bang seryoso siya. Nag-inom inom pa ang loko. Tapos imagine! Isang linggo akong di kinakausap! Kung di ko lang tinakot na iiwan ko siya, di ako papansinin. Pero we're okay na.

"Eh ang baliw eh! Malay ko bang seryoso na siya?" Sabi ko.

"Tss. Buti nga nagpropose na eh. Si Lay kaya? Nakakainis yun! Kelan kaya magpropropose sakin yun?" Reklamo niya.

"Haha. Tara na nga! Tulog na ulit tayo." Nahiga nalang kami ulit.

Basta pangako ko, kung yayayain na ulit ako ni Baek, papayag na ako. ^_______^

Aileen's POV

I'm finally here. Napangiti ako nung nakarating na ako sa beach resort kung saan ikakasal sila Janene at Kai. Haaay. Seryoso na talaga sila sa mga buhay nila.

4:00 palang ng umaga. Baka tulog pa mga yun. Papasok na sana ako ng gate nung may nakasabay akong babaeng nakamaleta rin. Pagtingin ko.

"ACE!!" Sigaw ko sa kanya. Gash! Namiss ko bruhang to. Tatlong taon din. Tapos balita ko nacommatause daw.

"Konnichiwa Aileen-chan." She said.

"Blooming ah? Musta ka na?" She smiled.

"Happy. Ikaw?" Tanong niya habang naglalakad kami papasok ng resort.

"Good."

"Ace!" Napatingin kami sa likod niya.

"Uy Kier. Bagal mo." Sabi ni Ace. Teka?

Kunot noo ko silang tinignan pero ngumiti lang sila sakin.

"Buti nakarating ka. Kala ko di ka makakapunta kasi wala kang paramdam." I said to her.

"Nagpapamiss lang. Ikaw? Buti nakarating ka?" She asked back.

"Bukod sa kasal ni Janene, may babalikan kasi ako dito. Naiwan ko eh." She smiled. Gets na niya yun.

Pagdating namin sa bahay na tutuluyan ay tahimik. Dahan dahan kaming tumungo sa room number namin. Si Kier umalis na. Hinatid lang pala si Ace. I wonder kung anong meron sa dalawa. Babalik naman daw siya mamaya for the wedding. Nakahiwalay ang lalaki sa babae. Wala eh. Sumusunod si Janene sa pinoy paniniwala. Yung bawal magkita chu chu na yan. Haha. Tsaka gusto nila filipino style ang kasal. Astig no? Haha.

"Gawa tayong breakfast? Baka may jetlag ka?" Tanong niya sakin.

"Wala ah. I'm fine. Tara, para na rin surpresa sa kanila." I said. Matapos naming maayos yung mga gamit namin ay nagdiretso kaming kusina. At dahil *ehemm* high class chef ako. Special mga niluto ko.

Habang naghahanda kami ng makakain ni Ace ay nagkwekwentuhan narin kami. Alam niyo na? Kaming dalawa ang nawala for 3 years. Syempre siya nasa US tapos ako nasa Paris. Photographer na pala siya. At take note, sikat siya sa US. Wow lang ha? Haha.

Nung matapos na kaming maghanda ay dumiretso kami sa kwarto namin. Wala lang, trip lang naming huwag magpakita. Hahaha.

Siguro isang oras kami sa kwarto at nagkwekwentuhan lang. Maya maya nagtext si Janene samin, tinatanong kung nasa Korea na ba kami.

Syempre di ako nagreply. Haha. Napagdesisyunan namin ni Ace na bumaba na. Dumiretso kami sa kusina. Naabutan namin sila Janene, Vii, Anne, Steph, Mae, Erica at Ate Alley na nasa kusina at mga takang taka na nakatingin sa table na punong puno ng pagkain.

"Sinong nagluto?" Tanong ni Anne.

"Ikaw ba Janene?" -Steph.

"Di naman ganyan kagaling sa plating si Janene eh." Pambabara ni Mae kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Janene.

"Ikaw ha. Pero seryoso, sino?" Nakatinginan silang lahat hanggang sa mapatingin sila sa direksyon namin.

"Annyeong Haseyo." Nagbow kami ni Ace sa kanila.

"OH EM GI! ACE! AILEEN!" Nagtakbuhan sila papunta samin ni Ace at yumakap.

Natawa naman kami ni Ace.

Grabe. I miss this. I miss them.

--------------------------------

Love Collision(EXO Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon