This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
I'm giving you all fair warning. This is a girl to girl story, so if you're not comfortable with this kind of set-up, I would like to present the close or next button. If you wish to proceed, do not brag and bash the author or the readers.
PROLOGUE
"Ajujujujujuju," palahaw ko dahil huling gabi na ng mga magulang ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sabay silang kinuha sa'kin ni juicecolored. Who would have thought na masasagasaan sila ng tren habang nangangalakal.
"Tama na yan Christine," awat sa'kin ng kaibigan kong si Bhel. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil wala siyang respeto sa nage-emote. "Alam ko masakit, pero kaya mo yan." Dagdag pa nya at saka ito ngumiti ng matamis sa'kin.
"Masakit talaga Bhel," salaysay ko bago ako humagulgol ulit. "Ajujujujuju." Naramdaman ko ang paghawak ni Bhel sa balikat ko. Agad ko itong pinagpag dahil alam kong pasimple syang tsumatsansing. "Problema mo Bhel?!" Mataray na pagtatanong ko dahil naramdaman ko ulit ang kamay niya sa balikat ko.
"Easy ka lang Christine. Wag mo naman pag-initan ang Be1nt3 Un0h ng Buh4y Qcouh," sita sa akin ni Ezzaye.
"Oo nga, easy ka lang Christine. Ako nga nawawala pa rin panty ko pero narinig mo ba akong nagreklamo? Hindi naman 'di ba?" Suporta ni Kulasa kay Ezzaye.
"Intindihin na lang muna natin si Christine guys," pagtatanggol sa'kin ni Bhel. Agad ko naman siyang nginitian bilang pasasalamat sa ginawa niya sa'kin. "Alam namin mahirap mawalan ng mga magulang--"
"Sinabi mo pa! Alam mo 'yun tipong hirap na hirap ka na ngang mangalakal para lang may makaen ka tapos dadagdag pa sila. Wala silang trust fund, SSS at memorial plan kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipangtutustos sa libing nila. Ajujujujujuju." Tiningnan ko sila at nag-puppy eyes pa ako dahil baka sakaling mayroon silang perang maipapautang sa'kin.
Si Ezzaye at Bhel ay naghihipuan sa gilid ng kabaong ng tatay ko. Walang pinipiling oras ang kati ng dalawang ito. Kung saan na lang abutan. Impit naman akong natawa dahil naalala ko 'yung rakrakan nila sa taas ng sinehan noong nanuod kami ng Kimmy Dora. Hindi nakatiis si Bhel kaya ayun, kumandong at umindayog sa pagitan ng binti ni Ezzaye.
Si Kulasa naman ay hinihipo ang singit at saka inaamoy habang nanunuod ng cartoons na malalaki ang dede. Senpai ba 'yun? Hempai? Ah basta! Tangnabet, ang salaula talaga ng isang ito. Naalala ko noong unang pagkikita namin. Ibinaba niya ang pantalon niya at saka bumukaka ng bonggang bongga sa harapan ko. Nakita ko tuloy ang ube halaya na pinakatatago niya.
Ito namang si Anne, palaging nakapuwesto sa may tapat ng bintana at palaging nakatulala. Dinidibdib pa rin siguro ang pag-iwan sa kaniya ng ex-girlfriend niya for 19 hours. Minsan nga naluluha siya ng hindi niya namamalayan. Naaawa ako sa kaniya dahil may pinagsamahan din naman sila kahit na papaano. Palagi ngang binabasa ni Anne 'yung mga text noong ex niya. Kabisado ko na nga dahil isa akong textmosa. Don't get me wrong, hindi ako matalino. In fact, undergrad pa nga ako ng grade one. Puro K lang naman kasi ang sagot ng ex niya sa mala nobela niyang text kaya masasabi kong kabisado ko na.
Muli akong natingin sa kabaong ng mga magulang ko. "Dapat talaga pinag-isa ko na lang sila ng kabaong para mas tipid, kajirits! Hindi ko agad naisip 'yun," sabi ko sa sarili ko bago ako bumuntong hininga.
"Anyon? Bakit biglang bumaho?"
"Sinong umutot?"
Muli akong bumuntong hininga dahil nakuha pang magbiro ng mga kaibigan ko sa ganitong kalagayan ko.
"Tangna, baho!"
"Ayaw pang i-tae! Bulok na bulok na!"
Kumunot naman ang noo ko dahil naamoy ko ang baho. Inamoy ko ang kabaong ni tatay at ni nanay, hindi naman mabaho. Inamoy ko ang mga bisita pati na rin ang mga kaibigan ko. Agad akong sinampal ni Ezzaye noong nalapit ko sa kaniya ang mukha ko.
"Tangna ka, ikaw pala 'yung mabaho!"
Agad akong huminga sa aking mga kamay at inamoy ko ito ng marahan. "Kajirits, ang baho nga." Pabulong kong sabi sa sarili ko.
"Excuse me," sabad ng isang lalaking naka itim. Agad naman akong pumunta sa kaniya at nag-feeling close.
"Anne! Kuhanan mo kami ng picture nito ni Power Ranger Black," utos ko kay Anne sabay abot ng iPhone ko na dual sim sa kanya.
Umaura ako ng pose kay kuyan power ranger. Bumaba pa nga ako sa kanya pero agad niya akong itinulak pababa. "Ano 'yung amoy na 'yun?" Asar na tanong ni Kuya. Agad ko namang tinakpanang bibig ko para hindi na ako makapanakit pa ng ilong.
"Sino 'yung anak ng d-"
"Present!" Pagmamalaki ko.
"Kukuhanin namin ang lahat ng ari-arian mo kasama ang mga bra at panty mo dahil wala kang pambayad sa'ming serbisyo. Pakipirma dito," utos niya na agad ko namang sinunod. Wala naman akong magagawa dahil wala naman talaga akong pera. Kapag naman hindi ako pumayag, ipapakulong nila ako. May bahay nga, wala naman 'yung may-ari. Wala 'yang pinag-kaiba sa nakabihis ka pero hindi ka naman pala kasama sa lakad nyo.
"Wala kayong ititira, kuya?" Naluluhang pagkukwestiyon ko. Agad naman siyang nag-ikot ng tingin at iniabot sa'kin ang pocket wifi na regalo sa akin ni tatay noong debut ko. Agad ko itong yinakap dahil ito na lang ang tanging kayamanan ko.
"Inaarte-arte mo diyan? Maghubad ka,"
"P-po?"
"Hubad,"
"W-wag p-po kuya.." Saway ko sa kaniya habang lumalayo.
"Anong wag po kuya? Tanga, kasama 'yang damit na suot mo sa kukuhanin namin. Hubad na," matabang na tugon ni kuya.
Naghubad ako sa harapan niya at diring-diri siyang pinulot ang mga damit nahinubad ko. Napaupo na lamang ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi pa naman ako nakapaghilod kanina. Sinalat at hinimas ko ang pocket wifi na natatanging kayamanan ko.
"It's you and me against the world, pocket wifi.."
.
.
.

BINABASA MO ANG
Turtelina and The Gangters
HumorHindi siya maganda pero may wifi siya. Hindi siya malinis sa katawan pero may wifi siya. Hindi siya nakapag-aral pero may wifi siya. Mabaho ang anes niya pero may wifi siya. Magamit kaya niya ang wifi niya para makahanap siya ng taong magmamahal sa...