TATG3 - #AngKasabihan

355 19 17
                                    

Nicole Jensen's POV

Najijirits ako sa lesson namin ngayon. Umagang umaga, acronym 666 agad. Inaalmusal ko 'yung mga LMAO, LMFAO, ROFL, LOL at kung ano-ano pang acronym. As if naman magagamit namin 'to kapag nagtatrabaho na kami sa divisoria, este, sa companies na mamanahin namin.

"Okay, magbigay ng acronym and their meaning para sa recitation," bulalas ng punyaterongpanotnamatanda naming professor. Kinuha na niya ang aming classcards at binalasa na ito ng may maladimonyong ngiti sa kaniyang mga labi. Mahal na bertud, sana po wag ako mabunot. "Alexandra Imperial," pagtawag ng professor ko sa unang magrerecite. Agad akong nakahinga ng maluwag.

Walang expression ang mukha ni Alex noong siya'y tumayo. Cool na cool lang si bakla. "Italy," humikab pa siya bago magpatuloy. Ang yabang talaga ng isang 'to. Porket beauty and brains sila ni Aerin. "I trust and love you," pagtatapos nito at agad namang nagpalakpakan ang aking mga kaklase.

"'Yung mga hindi matatawag ngayon, next meeting na lang. But for now," nakita kong umilaw ang salamin ng retardedatpitobuhok na professor namin. "Aerin Imperial," walang kalatoy-latoy siyang tumayo. "Push," tiningnan pa niya kaming lahat bago siya nagpatuloy. Mang-inis ka pa Aerin. "Pray until something happens," dagdag niya at saka siya umupo ng pabalang.

"Juju Meyer,"

Tumayo naman si Juju at binigyan ng creepy na ngiti ang hindotnamatandangmalapitngmamatay na professor namin. "Japan--"

"MF! 'Yan 'yung sasabihin ko!" Sigaw ko kay Juju na agad namang naging dahilan upang tumingin sa akin ang mga kaklase ko. Tiningnan ko ang prof ko at napayuko na lang ako noong nakita kong nakataas ang kaniyang kilay.

"Manners, Ms. Jensen," my professor said while rolling his eyes and flipping his imaginary hair. Agad naman akong tumayo at itinuro si Juju.

"Ito kasing si Juju panotchi e, mang-aagaw ng sasabihin! Kaya siya ang walang manners--"

"Do not talk to Juju about manners because she was raised to have one. Stfu or gtfo!" Pagtatanggol sa kaniya ni Alex. Agad namang nag ayieh ang mga kaklase ko na ikinapula ng mukha ni Juju. Napa-awang na lamang ang bibig ko dahil sa nasaksihan kong ito. May kating taglay din pala itong si Alex kahit sobrang protective kay Blue.

"Let's cut the crap. Continue, Meyer," utos ng mukhangrabbit na professor namin.

"Just always pray at night," she said and I sighed in defeat. Nakakainis naman 'tong si Juju! Ang talino pero iyon pa din 'yung sinabi. Kajiritsmuch.

"And the winner is," binalasa ng prof ko ang classcards ng may mapanuksong ngiti. Mahal na bertud, wag ako plith. Dasal ko ng biglang umalingawngaw ang tawa niya sa apat na sulok ng classroom namin. "Nicole Jensen," agad pumalakpak si Aerin at Alex dahilan upang magsisunuran ang aking mga kaklase. Shutanginebeks, kapag sa raffle hindi nabubunot ang pangalan ko, pero kapag sa recitation, inabet.

Tumayo ako ng halatang napilitan. Isang minuto inabot ang orasyon ko sa pagtayo dahil nag-iisip na din ako ng sasabihin ko. Dinalian ko ang pagtayo noong nakaisip na ang buffering kong jutak. "Sblad," mayabang na sabi ko at napataas naman ng kilay ang professor namin na thunders.

"Okay?" Sabad ni Aerin na naghihintay ng kasunod. Nginisihan ko siya at saka ako nagpatuloy. Gagsti ka, matalino din ako. "Shine bright like a diamond," pagtatapos ko at agad namang natawa ang buong klase pati na ang mahaderong professor ko. Sabi ko na nga ba, napakagaling ko.

Ilang saglit pa ang nakalipas, hindi pa rin sila tumitigil sa kakatawa. "May ano?" Inosenteng tanong ko at saka ako nakitawa sa kanila para hindi awkward. "Hehehehehe," pilit na tawa ko na lalong nakapagpatawa sa kanilang lahat.

Turtelina and The GangtersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon