TATG4 - #JeliDeBelen

322 16 17
                                    

Nicole Jensen's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Malumanay na tanong ko sa kaniya. In-accept ko kasi ang friend request niya.

"Ay? Wala laman utak mo? Hangin lang? Malamang nandito ako para sa job fare," nag-ikot pa siya ng tingin at nag-flips hair pa.

"Job fair kasi,"

"Job fare,"

"Job fair!"

"Job f--"

"Inabet kayong dalawa! Ang ingay ninyo! Sino ba 'tong kutong-lupa na 'to? Ang lakas ng loob na hawakan ako! Ako na si Aerin Imperial? May limang kotse, tatlong condo, at unlimited iPhones? WTF," mahabang salaysay ni Aerin. Ang dami niyang sinabi. Manong patigilin na lang niya kaming dalawa.

"Ako si Christine Di-maapi. Walang kotse, walang condo, walang bahay, walang damit pati na underwear pero may pocket wifi ako at may iPhone ako na dual sim," muling pagpapakilala ni Christine. "Hindi ko po maipapangako na sa bawat oras ay magiging malinis ang eskwelahan na pagmamay-ari ninyo, pero gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya. Hindi po problema sa akin ang tubig dahil may pumping station po ang bibig ko--"

"You're hired. Gtfo," humihikab na bulalas ni Aerin. Inabet na Aerin 'to, hindi ako makakapagconcentrate sa pag-aaral! I mean, ano, kasi, ang panget ni Christine. Oo, panget siya. Ako? Crush ko si Christine? Sus, hindi ko kaya siya crush!

"Pero Aerin--"

"Aerin Imperial pinepero-pero mo, Nicole?!" Angil niya sa'kin at agad naman akong napayuko. Baka-ipa kick-out ako ni Aerin kaya hindi na lang ako lalaban. Isa pa, si Aerin at Alex ang alas ko pagdating ng mga exam kaya hindi ako dapat lumaban. Baka magkatampuhan pa kami kaya wag na lang. Baka ikabagsak ko pa.

"Sorry," I gave her an apologetic look. Nag-pout pa ako at puppy eyes para convincing. Agad nag-vibrate ang vibrator ko-- este ang cellphone ko. Napa-taas naman ang kilay ko dahil sa nabasa ko.

From: 09156663825

Nagbebenta po kayo ng aso?

Inisip kong mabuti kung nagbebenta nga ba kami ng aso. Hindi ko kasi matandaan. May long-term memory loss kasi ako.

To: 09156663825

Anong aso ba?

Hindi ko pa rin maisip kung nagbebenta nga ba kami ng aso kaya tinanong ko na lang siya. Baka kasi sabihin niya snob ako.

From: 09156663825

Switso.

Switso? Wala kaming switso sa bahay.

To: 09156663825

Wala kaming switso. Siwawa lang.

Dinelete ko na ang conversation namin dahil hindi naman siwawa ang hanap niya. Ayoko nga ng switso. Mabalahibo. Kapag kasi may hawak akong switso, naiingit ako dahil mas maganda pa ang buhok niya sa'kin kahit na ako ang amo.

"Next," utos ni Aerin kay Essie at agad namang iniluwal ng pinto ang isang hindi ko alam kung tao ba 'to, o ilong na nagkatawang tao.

"Tanggap ako b3h, goodlock,"

"Luck kasi!" Pagtatama ko sa kaniya.

"Lock,"

"Luck,"

"Inabet! Alis!" Pagtataboy ni Aerin kay Christine. Agad namang lumapit ang kaibigan yata 'to ni Christine kay Aerin at nakipagkamay. "Anong huli mong hinawakan?" Pag-usisa ni Aerin.

Turtelina and The GangtersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon