Christine Di-maapi's POV
Taenabet, buti na lang nakahanap ako ng kahon pagkatapos ng libing kung hindi mapapatunayan ko na totoo ang forever. Forever hubad. "Ajujuju," naiyak ako dahil sobrang naaawa ako sa sarili ko. Naalala ko bigla 'yung sinabi sa'kin ng friend ko sa facebook ko na si Roxy. "Yung iba nga walang tatay," pero lalo akong naiyak dahil wala na rin akong nanay. "Ajujujujuju."
Binuksan ko ang pocket wifi ko para malibang man lamang ako kahit papaano. Buti na lang hindi nila alam na may iPhone 5c ako na dual sim. Sulitin ko na itong unlisurf ko dahil maeexpire na ito bukas. Madami pa naman siguro laman ang powerbank ko. O, alam mo ba kung ano 'yung powerbank? Hindi mo 'yan alam! Taenabet ka!
Binuksan ko agad ang facebook ko at bigla akong napasigaw ng makita kong may friend requests sa'kin. Oo, with s talaga. Madami kasi. Alam mo na, ruler at singular.
Hindutina Rakrakina (friends with Juju Meyer) wants to be your friend.
Harpinessa Higadesa (friends with Finne Reiden) wants to be your friend.
Seb Di-magahasa (friends with Juju Meyer) wants to be your friend.
"Taenabet, sino ba 'tong Juju na 'to? Bakit parang ang friendly?" Tanong ko sa sarili ko bago ko tingnan ang profile niya. "In all fairness, maganda," sabi ko sa sarili ko ng may ngiting tagumpay. Tiningnan ko pa ang ilan niyang pictures at post.
LMFAO.
1,375 likes. 931 comments.
Bakit ganoon? Parang ang dami niyang likers. Isang LMFAO pa lang niya 1k likes na agad. Tiningnan ko ang oras ng post niya. 3 minutes ago. "Taenabet, ang daming likers!" Naiinggit ako sa kaniya dahil isa lang naman lagi ang liker at commentator ko. Kung itatanong ninyo kung sino 'yun, siyempre, ako. Post ko 'yun. Kaya siyempre ako ang magla-like at magco-comment. Atleast may napansin, hindi ba?
Tiningnan ko pa ang older post niya at madami akong nakita na gwapong magaganda. "Sheteotsonwebe, ang hot nila!" Bulalas ko ng makita ko silang dumagsa sa isang post ni Juju.
LOL.
22,687 likes. 131 comments.
Sa 131 comments na 'yun, puro hot ang mga nagcomment!
Alexandra Imperial: OMFG
Aerin Imperial: WTF
Sai Ferrer: BBQ
Blue Ashford: Swag it up! Yo momma's waitin' for yah.
Nicole Jensen: FFTB
Ano bang tawag sa tropa nila? Tropang hot o tropang acronym? Seriously, nagkakaintindihan ba sila? Pasalamat sila hot sila. Dahil kung hindi, baka nabash ko na sila.
Tiningnan ko ang profile ng Alexandra Imperial. Taenabet! Mata pa lang ulam na! Dagli kong pinindot ang add as friend pero agad din akong nanlumo dahil nakita ko ang followers niya. 1.3M. Kinginames, hindi ako mapapansin nito! Agad kong pinindot ang cancel request at unfollow button. Hindi siya worth it sa friend request ko.
Sunod kong tiningnan ang profile ni Aerin Imperial. Bakit magkamukha silang dalawa ni Alexandra? Nadako ang mga mata ko sa may profile picture niya at agad akong naglaway noong nakita ko ang legs niya. Kanin please! Ia-add as friend ko na sana siya pero nakita ko na 1.3M rin ang followers niya kaya hindi ko na itinuloy. Sino sila para i-add ng isang Christine Di-maapi? Ako na maganda, sexy at-- ARAY! May kumagat na hanip sa dede ko. Kinapa-kapa ko ang dede ko at pinisil ko ang hanip na kumagat sa'kin. As I were sayings, sino sila para i-add ng isang Christine Di-maapi? Ako na magand-- ARAY! Kinginabek, strike two na 'yung hanip. Pero carry lang, atleast sanay na akong lumangoy. Ganoon kasi 'yon, right? Kapag nakagat ka ng hanip sa dede, sanay ka ng lumangoy.
BINABASA MO ANG
Turtelina and The Gangters
HumorHindi siya maganda pero may wifi siya. Hindi siya malinis sa katawan pero may wifi siya. Hindi siya nakapag-aral pero may wifi siya. Mabaho ang anes niya pero may wifi siya. Magamit kaya niya ang wifi niya para makahanap siya ng taong magmamahal sa...