TATG1 - #TheFriendRequest

654 26 27
                                    

Nicole Jensen's POV

"Alex! Wag kang magulo! Magka-skype kami ng baby ko!" Saway ko sa makulit kong kaibigan. Kanina pa kasi nila binubully 'yung mukhang tanga naming kaklase na si Roxy.

"Skype mo mukha mo," walang kalatoy-latoy na supalpal sa'kin ng kakambal ni Alex na si Aerin.

"Enerber! Hinder be keyeh tetegel se penggegele serkern?!" Ungot ni Roxy. Minsan talaga gusto ko ng tanggalin 'yung brace sa bunganga niya para maging maayos na 'yung pagsasalita niya.

"Akala mo ba kinaganda mo 'yang brace mo? Mukha kang piranha! Ukinam!" Pang-iinis ni Aerin kay Roxy. Hindi na ako magtataka kung bigla na namang magw-walk out si Roxy dahil parang normal na lang naman na 'yun.

"Hender ke beh tenetemeen ng sex eppeal ker?" Tanong niya kay Aerin at bigla namang natawa si Alex.

"Sex lang ang meron ka, Roxy. Wala kang appeal. Pwede ba, wala kang maloloko dito." Sabad ni Alex habang nagt-text. Minsan gusto kong ipakaen kay Alex 'yung iPhone 5s niya para matigil siya sa kakatext sa girlfriend niya. Akala mo long distance relationship sila gayong nasa kabilang room lang naman si Blue.

"Tengener! Wele teleger keyeng megewe se behey!" Pagwawala ni Roxy habang nagpupunas ng kaniyang luha.

"Wag ka munang magwala piranha. Tumatawag si bi," pagpigil ni Aerin kay Roxy. Tumatawag na naman pala 'yung baby niya na nasa kabilang room lang din. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa kambal na 'yan. Kanila naman 'tong school, pwede nilang puntahan sa kabilang room 'yung mga jowaers nila.

"Baby? Hindi mo na ako kinausap, nakakatampo." Reklamo ng jowaers ko sa skype. Panira kasi ng moment 'yung mga tao dito sa room namin. Kung makatawag at makatext sa jowaers kala mo mga nasa abroad. Buti pa kami ni baby, skype lang. Mild lang. Kahit na nasa kabilang room, siya, parang katabi ko pa rin siya. Mukhang tanga 'yung kambal. Tawag tawag text text pang nalalaman.

"Sorry baby. Kamusta ka ba diyan sa kabilang room? Maingay ba si Blue at Sai?"

"Busy sila sa pagtetext kay Alex at Aerin. For sure tahimik din sila diyan, right?"

"Oo baby. Kainismuch sila, text at tawag pa nuh?"

"Tayo nga skype,"

"Much better ang skype, right?"

"I don't think so," umiiling na sagot ng baby ko.

"Hindi mo ako susuportahan baby?! Ganon?! Fine! Break na tayo!" I said as I make a move to drop the call. Nakakaimbey ha! May regla pa naman ako today. Hindi na niya iniisip na nagp-PMS ako.

"What's with the commotion?! Shutanginerns ka. Kausap ko si bi!" Bulyaw sa'kin ni Aerin. I just rolled my eyes and flip my pixie hair. Gusto yata nitong isungalngal ko sa kaniya 'yung iPhone niya.

"Nampyeon ang ingay ni Nicole. I'm upset, kiss me through the phone," panlalandi ni Alex sa jowaers niya. Hindi ko alam kung bakit ang hilig hilig nilang mag-PDA na magjowa. Hindi ba nila alam na nakakaumay na sila sa sobra nilang kasweetan?

"Quietchikelz!" Umalingawngaw ang sigaw ng professor namin sa Baklese 101. Ito ang pinaka-ayaw ko na subject dahil lahat ng pwedeng duguin ay dumudugo sa'kin. Minsan nga ay naramdaman kong lumalawit ang utak ko sa ilong ko e. Sinisinghot ko na lang pabalik.

Agad namang may iniabot na hand-outs 'yung punyeteramahaderabalyenamalandotpakaratpanget na professor namin sa mga kaklase ko sa harapan. "Ishowla ang mga anla! Dos tatlo lungs," dagdag pa niya.

"Lex, penge dos." Malambing na sabi ko kay Alex at saka ko pa siya nginitian ng matamis.

"Ang creepy mo! Wag kang ngumiti, shutanginerns ka. Mukha kang german sheperd," pangaral niya sa'kin na agad ko namang sinunod. Iniabot na niya sa'kin 'yung dos. Agad ko namang iniabot ang bayad sa nasa harapan ko. Iniabot niya sa'kin 'yung hand-outs.

Turtelina and The GangtersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon