Hindi ko inaasahan na makikilala kita.
.
.
.
Ikaw na nilikha para makita ng aking mga mata.
.
.
.
Hindi ko sukat akalain na ako'y pagpapalain.
.
.
.
Hindi mausal sa salita, ipapakita ko sana sa gawa,
.
.
.
kaso huli na.
.
.
.
Huling-huli na,
.
.
.
Akala ko'y may pagkakataon,
.
.
.
ngunit heto and tadhana't pilit akong hinahamon.
.
.
.
Tinanong kita, "Mahal mo pa ba ako?"
.
.
.
Tumango ka naman bilang sagot.
.
.
.
Pero tila bangungot!
.
.
.
Ayaw kong maniwala, hindi mo ito magagawa!
.
.
.
Ako'y parang batang naagawan ng kendi na walang tigil ang kakangawa
.
.
.
Pilit kong dinama ang masasakit na salitang galing sa'yong labing dati ko pang inaasam.
.
.
.
Bakit nagkaganito?
.
.
.
Tumango ka diba? hindi naman ako nananaginip nang mga panahon na 'yon.
.
.
.
Dito ko napatunayan, na kahit gaano ka pa kasigurado at kadesidido, kapag hindi ka niya mahal..
.
.
.
Hindi ka niya mahal.
.
.
.
.
Kaya bahala ka kung hindi ka pa matatauhan sa kanya. Hindi talaga kayo para sa isa't isa. Mapilit ka? Mahal mo pa? Hindi mo pa kayang kalimutan?
.
.
.
Bahala ka.Pinilit ko ang sarili kong kalimutan ka. Kahit masakit na makita ka sa piling niya. Ang sabi ko sa'yo, bahala ka. Pero hindi ko iyon napangatawanan dahil hanggang ngayon mahal kita. Mahal na mahal.
-Hero