Muling Pagsisimula
(Special Chapter)
Ilang taon na rin ang lumipas, at heto ako nakaupo kaharap ang puntod ni Aya. Maaliwalas ang panahon, masarap ang pagdampi ng hangin sa aking balat. Napangiti ako habang inaalala ang mga ngiti niya. Hinaplos ko ang lapida na may pangalan ng babaeng unang minahal ko, ng babaeng sinakripisyo ang sarili niyang buhay para sa akin. Napakaswerte ko at nakilala ko siya, nang dahil sa kanya.. mas lubos kong naunawaan kung ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng pag ibig.
"Papa!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumatakbo papalapit sa akin ang anak kong si Aiana. Anak namin siya ni Trisha. Si Trisha ang babaeng alam kong nakatadhana na sa akin, siya ang babaeng nagbigay muli ng buhay sa mundo ko. Siya ang alam kong ipinadala ni Aiana para sabihin sa akin na kahit pa hindi kami ang nagkatuluyan, maari pa rin naman naming balik-balikan ang mga ala-alang nabuo naming dalawa.
Ang pag ibig, hindi lamang yan puro kilig. Hindi lamang ito masusukat sa kung ano ang makukuha mo mula sa isang tao. Hindi lamang ito tungkol sa rosas at mga tsokolate na maibibigay niya sa'yo dahil ito ay tungkol sa kung gaano kalalim ang koneksyon kahit pa wala na kayong maibigay sa isa't isa. Kahit pa hindi niyo na nakikita at nahahawakan ang isa't isa. Dahil ang pag ibig na ito'y kahit pa magtapos, palaging may nakaambang simula.
Dahil sa pagtatapos, nahahanap natin ang simula.