Nagtatapos

2 0 0
                                    


Siya si Aiana, ang bayani sa buhay ko. Pangalan pa lang, alam mo nang mapagmahal siya. Simula nang imulat ko ang mga mata ko, siya na ang kasama ko. Siya ang kasama ko sa lahat ng kahihiyan, siya rin ang lalong nagbibigay kulay sa buhay ko. Matigas ang ulo niya't napaka-isip bata pa. Importante siya sa akin. Mahal na mahal ko si Aiana.

Nakakalungkot lamang na sa paraang hindi ko inaasahan, magtatapos ang kwento naming dalawa.






Ako ay nananalig sa lahat ng mga nangyari, kahit ulit-uliti'y hindi ako magsasawang makita ang kanyang mga ngiti. Kahit pa mapunit ang puso ko dahil sa istoryang alam kong natapos na. Nagtitiwala ako na kahit pa gaanong kalayo ng puso namin sa isa't isa, mahalaga pa rin siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya ngunit ako'y nagtataka, kung bakit napakamapagbiro ng tadhana. Nagugumilihanan ako sa gusto niyang iparating, bakit pilit niyang pinagtatagpo ang mga taong nararapat lamang na magkalayo. Nagsisinungaling ako, kung hindi ko aamin na siya pa rin ang mahal ko. Mahal na mahal.

Pero bahala ka.

BA sta

HA hanapin na

LA mang  kita

KA hit na alam kong malabong magtagpo ang tadhana nating dalawa.

-Aiana

•      •      •      •      •     •      •       •      •      •      •      •      •      •     •     • 

"Bahala ka." Yan ang huling sinabi niya.

   •     •     •      •      •     •      •      •      •     •     •     •     •     •     •     •     •    


Bahala ka. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon