Krypton OrganizationIsang tagong grupo na naglalayong protektahan ang mga taong miyembro nito. Ngunit kapalit nito ay ang pagsira ng pangalan ng iba para kay protector K.
Nandito kami ngayon sa paliparan para bumiyahe papunta sa Las Vegas. Kahit pa masama ang loob ko kay kuya, hindi ko siya maaring iwang mag isa. Hindi pa man ako nakapagpaalam kay Hero, wala siyang alam sa pag alis ko ngayon. Tanging kami lang nina ate Harry, Vic, at tita Cherie ang nakakaalam. Kasama kasi sila ni kuya sa pagtatago ng desisyon mula sa akin.
AFTER 5 YEARS
Nakaupo ako sa tabi ng bintana ng eroplano. Hindi pa man kami lumilipad, nararamdaman ko na ang kaba sa puso ko dahil sa muli naming pag uwi sa Pilipinas. Sa loob ng limang taon, marami nang pagbabago ang nangyari sa buhay ko. Nakapagtapos na ako ng pag aaral sa States, pero ramdam ko, may kulang pa rin sa akin. Nagkaroon naman ako ng normal na buhay pero hindi maiiwasang makasagupa ko si Krypton.
Sa pamumuhay namin ni Vic sa ibang bansa, pinilit niyang huwag akong madamay sa Krypton Organization pero kahit ganoon, pinili kong samahan siya kahit hindi pa niya alam.Nakahiga lamang ako sa kama habang hinihintay si Vic na umalis. Pinlano ko na palihim ko siyang susundan sa warehouse ni Kyrpton.
"Aya, aalis na ako. I-lock mong mabuti ang bahay."
Nang makaalis na siya, inihanda ko ang sarili ko sa pagsabak sa isang misyong hindi ako sigurado. Gusto kong makita si Krypton para sana pilitin siyang huwag nang idamay si Vic sa organisasyon nila.
Gamit ang sasakyan na ibinigay ng organisasyon, pumunta ako sa lugar kung saan magaganap ang pagpupulong nila. Dahil sa GPS at mapa na nasa sasakyan, kaagad madidetect ng sasakay dito kung nasaan ang iba pang miyembro. Ngunit hindi basta-basta mabubuksan ang makina ng kotse, mapwera na lamang kung alam mo ang access code ng grupo nila.
Code 0567129053621200-823211713648
Binilisan ko ang pagmamaneho upang maabutan ko ang lider ng organisasyon. Mas pinili kong tahakin ang mabatong daan patungo dahil ito ang mas malapit.
Inatras ko muna ang sasakyan ko nang makita ko ang lider ng Krypton org. na nakasakay sa isang napakagarang motor.
Nang hindi niya namamalayan, bumaba ako sasakyan at sinundan siya.
"Stop hiding. I can see you, stupid." Nabigla ako sa marahas na paghila sa braso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa sobrang takot. Pilit niyang itinutunghay ang nakatungo kong ulo, pero dahil sa pwersa na meroon siya, nagawa niya ang nais niya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit pa sobrang kumakabog na ang dibdib ko dahil sa kaba.
"Nandito ako para makiusap sa'yo. Tanggalin mo na si Vic sa grupo niyo. Hayaan mo siyang mabuhay ng normal, malayo sa magulo niyong mundo." Unting-unting nabuo ang ngisi sa mukha niya na lalong nagpakaba sa akin.
"Sige, aalisin ko siya sa grupo pero kapalit niya ay ikaw. Handa ka ba?" tanong niya habang may dinudukot sa kanyang bulsa.
"Oo, handa ako." ngumiti siya at ibinigay sa akin ang isang litrato na nagpagimbal sa katauhan ko.
Litrato ito ni Hero.