°nayumi
nandito ko ngayon sa bahay, si kuya naglaloptop si Teyah naglalaro ako naghihintay na ichat ako ni Jungkook.
Ang hirap mahulog noh, tas pag umamin ka friendzone lang pala sana wag naman di naman ako umaasang maging kami eh, kahit tanggapin nya lang na mahal ko sya okay na.
"Yumi, tara dito tawag ka ni mama" sabi niya, ka skype nya ata si mama eh tumabi ako sakanya at umupo ng pa indian seat.
"Ma bakit?" Tanong ko "bakit ganon mga salita mo sa Adviser mo? di kita pinalaki ng ganyan ha pinalaki kita ng may respeto sa lahat nag nakakatanda sayo" mahinahon pero halatang galit na si mama.
"Ma, sasabat po ako ha si Mrs. Lee po kasi yung nauna ma sana po bago sya nagsumbong sainyo di niya tinama yung mali nya" sabi ni Taehyung
"Ma, sinabihan po ni Mrs. Lee si Yumi ng 'tanga' siya pa lang po yung guro na narinig kong sinabihan yung estudyante nya ng ganon" sabi ni Taehyung
"Ma hayaan nyo na po, kasalanan ko rin naman po eh" sabi ko
"Di mo kasalanan yon tungag, absent ka tas hahanapan ka ng project?" Sabi ni taehyung
"oh, tama na may sasabihin nga pala ko sainyong dalawa" sabi ni mama
"Sa friday, aalis kayo pupunta kayo dito isasama nyo si Teyah syempre Yumi at Taehyung yung lahat ng gamit ni teyah saka yung ibang gamit ko dalhin nyo ha, dito na kasi kami titira pwede rin naman kayong bumisita dito pag nag sem break na ulit kayo, wala kasing kasama ang lola nyo dito kaya dito na muna kami ni teyah ayos lang ba sainyo yun?" Tanong ni mama
"Ayos na ayos ma" sabi ko, binatukan ako ni Taehyung napatingin ako sakanya "hindi ayos yun, mamimiss ko nanay ko gusto mo ikaw maiwan dito balakajan" sabi ni taehyung
"Hoy, gaga samahan mo yang kapatid mo tatanga tanga pa naman yan minsan" sabi ni mama
"Si mama oh, alam na alam" sabi ko "pati sa pag ibig tanga rin" sabi ko bigla napatingin naman sila sakin dahil sa sinabi ko
"Pinagsasasabi mo?" Tanong ni Taehyung
"Ay, nagdadalaga na yung anak kooo! Sino yan ha?" Tanong ni mama
"Si jungkook po ma" sabi ni Kuya, kinurot ko sya sa tagiliran
"Ingay" sabi ko sabay inirapan sya. "Bakit ano meron, alam mo bet ko sayo si Jungkook dati pa diko lang sinasabi alam kong ayaw mong ginaganun ka eh HAHAHA" sabi ni mama
"Di ka ba nililigawan?" Tanong ni mama umiling ako.
"may feelings ka sakanya?" Tanong ni mama, opo meron.
"Crush lang yon mommy" sabi ko
"Taeyeon, samahan mo muna ko" rinig kong sabi ni lola
"Sige ma, wait lang po" sabi ni mama
"Oh, alam nyo na gagawin nyo sa friday ha, Iloveyou both" sabi ni mama at inend call na.
Sinara ni kuya ang loptop at hinarap ako
"So Yumi, simula bata hanggang ngayon ikaw lang at ako lang kasama mo ngayon sabihin mo sakin kung crush mo lang o mahal mo na?" Tanong ni taehyung, mahal ko na ngaaa ayoko lang sabihin sainyo.
"Crush ko lang bangag" sabi ko
"Crush? May pagselos ka nga kahapon" natatawa nyang sabi.
"ako nagseselos? Ulul" sabi ko, magsasalita pa sana ko ng may nagdoorbell kaya binuksan ko yon
Si Jimin, at Hoseok lang pala pinapasok ko sila pumasok naman sila at kinausap si Kuya.
- 전정국