°nayumi
Nagising nalang ako sa alarm ng phone ko, inabot ko yun at minulat ang mata 5:10 na pala kelangan ko ng kumilos.
Bumangon ako at naligo na, pagkatapos kong maligo nagsuot ako ng uniform, shoes tas nag liptint lang
Biglang tumunog yung phone ko, tumatawag si mama hala? eh nandito lang naman siya ah.
"Hello, yumi"
"Bakit ma? Nandito ka nalang ho natawag ka pa"
"Gaga, delikado ka"
"Hala bakit po?"
"Anak, Si taehyung nandito pati si Jimin at Jungkook saan ka dadaan ngayon?"
"Ma sa back door nalang ho"
"Bilisan mo na, dagdagan ko nalang allowance mo mamaya wag ka na muna dito mag breakfast sa school niyo na"
"Op-----"
"Ma sinong kausap mo ma?"
"Wala anak, natawag lang yung friend ko"
"A-ah okay?"
Biglang nag endcall, boses ni Taehyung yun agad kong kinuha yung bag ko at dali daling lumabas ng kwarto bumaba ako at pumunta sa kusina saka dali daling lumabas sa back door.
pag labas ko pumara agad ako ng taxi at sumakay na, tangina pre buti nalang gagi kinabahan ako ng sobra sobra dun.
°Jungkook
"Ma, nasan nga pala si Yumi?" Tanong ni Taehyung kay tita Taeyeon mama ni Yumi at Taehyung
"Anak, di ba nasabi ko na sayo? Diko nga siya nahanap diko alam kung nasan siya ngayon" sabi ni tita, nalungkot naman ako nung narinig ko yun.
"Kala ko pa naman" sabi ni taehyung "kuya, pasok na tayo" sabi ni teyah, inakbayan ni Hyung si Teyah "ma pasok na ho kami" sabi ni hyung at lumabas na kaming apat
Sumakay kami sa kotse ni Jimin hyung at nagdrive na papuntang school
"Sino nagbigay sayo niyan?" Tanong ni Taehyung kay Teyah
"Si ate, yumi" sabi niya napatingin naman ako sakanya, halata sa muka niya ang pgakagulat pero nagseryoso din ito.
"Ah, ganto kasi yun alam ni mommy to huling kita namin kay ate nung 12th birthday ko pumunta kami sa Paris nung time na yun diko kasama si mama tas nakita ko si ate, sobrang depressed nga nya nung nakita ko siya eh tas yung mata niya luluwa na ampayat na rin niya pati nung cheekbones nya kita na, tas sakin niya lang sinabi na alagaan ko daw kayo ni mama lalo na ikaw, kuya Jungkook tas binigay niya tong kwintas saka singsing sakin, sabi niya pa matagal na daw siyang may heart disease" sabi ni Teyah
Napatulala ako sa sinabi ni Teyah, may sakit pala siya di manlang nagsasabi samin.
Kaya pala laging may sakit nung kami pa.
Yun na pala yung case nun tas di pa niya magawang mag sabi samin
Medyo nainis ako kay yumi sa nalaman ko, pero anong magagawa ko wala na eh ni hindi ko nga alam kung buhay pa siya o wala na.
"Naalala ko lang kasi binigay ko sakaniya yan nung 12th birthday namin" sabi ni taehyung
Di na sumagot si teyah at, binaling nalang ang tingin sa kwintas na suot nito.